-->

Narinig Niya Na Tinatawanan Siya Ng Katabi Niyang Magjowa Dahil Sa Paghihilik Sa Sobrang Pagod Ang Lalakeng Ito. Hahanga Kayo Sa Dahilan Ng Kanyang Pagod.




Narinig Niya Na Tinatawanan Siya Ng Katabi Niyang Magjowa Dahil Sa Paghihilik Sa Sobrang Pagod Ang Lalakeng Ito. Hahanga Kayo Sa Dahilan Ng Kanyang Pagod. 

Maraming kabataan ngayon na para makapagtapos ay naghahanap ng part time job dahil sa mahal ng tuition at para hindi maging pabigat sa kanilang magulang.

Nakakahanga ang ganitong kabataan na kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Pero ang ilang kabataan na may magandang estado sa buhay at nasa magandang paaralan ay kalimitan nanghuhusga sa mga mas hindi nakakaangat sa kanila. 

Sa ilang kabataan ang panglalait ay ginawa na nilang libangan o katatawanan, na kahit sa ibang tao o hindi nila kakilala ay ginagawa na nila itong parte ng pang araw araw nila. Ganito ang naranasan ng isang working student na si Arjay, matapos makatulog sa byahe dahil sa sobrang pagod dahil sa sabay sabay ang thesis, ang ojt at ang pagtra-trabaho niya sa Mcdo. Basahin ang kaniyang kwento.

Hi sa magjowang estudyante kanina na pinagusapan at pinagtawanan lang ako kanina sa biyahe. Sorry na ate gurl at kuya boy kasi pagod lang talaga ako as in pagod pa sa pagod. 

Nakatulog kasi ako kanina sa biyahe at sa sobrang lalim ng tulog ko napapahilik na pala ako 😭(nakakahiya) mga ilang beses naulit na napahilik ako :((( then ayun nagising ako na pinaguusapan na ako ng magjowa at ginagaya pa nila ako with matching sounds, naempty bat na rin ako kaya wala na akong music na naririnig kaya dinig na dinig ko kung ano mga pinagsasabi nila tungkol sa akin. 

Ang hirap magtulugtulugan kanina at kunyare may music akong naririnig from my earphones at higit sa lahat na magpretend na di ako nasasaktan sa mga sinasabi nilang magjowa. Sorry kasi NAGTETHESIS, NAG OOJT SA CONSTRUCTION, MAY MINOR SUBJECTS, AT NAGTATRABAHO AKO SA FASTFOOD YAN LANG NAMAN PINAGKAKAABALAHAN KO HAHAHA, kaya sana intindihin nyo nalang ako :))))) at nung gumalaw na ako sabay sabi pa ni ate gurl sa jowa nya uy gising na siya, (OO ATE GURL KANINA PA NGA EH AT DINIG NA DINIG KO MGA SINASABI NYO.. ) 

Both of you are blessed dahil both of you are studying in a good and known university at kailangan nyo lang asikasuhin sa buhay nyo ay mag aral at yang lovelife nyo!! Bihira na nga lang din ako maligo pati tuloy tuloy na tulog pinagkait nyo pa sa akin kanina hahahahahaha.. Hay basta thank you na din sa inyong dalawa kasi those things making me stronger and keeping me to push harder to reach my goals and dreams!!


ARJAY JOHN B. SECUGAL 
5TH YEAR, BS ARCHITECTURE
ADAMSON UNIVERSITY










Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Narinig Niya Na Tinatawanan Siya Ng Katabi Niyang Magjowa Dahil Sa Paghihilik Sa Sobrang Pagod Ang Lalakeng Ito. Hahanga Kayo Sa Dahilan Ng Kanyang Pagod. Narinig Niya Na Tinatawanan Siya Ng Katabi Niyang Magjowa Dahil Sa Paghihilik Sa Sobrang Pagod Ang Lalakeng Ito. Hahanga Kayo Sa Dahilan Ng Kanyang Pagod. Reviewed by Tunying on September 07, 2017 Rating: 5

No comments