Nagpaalam Lang Siya Sa Anak Niya NA MAgpapahinga. Pero Hindi Inaasahan Ng Anak Niya Na Ganito Ang Gagawin Ng Kanyang Ina.
Nagpaalam Lang Siya Sa Anak Niya NA MAgpapahinga. Pero Hindi Inaasahan Ng Anak Niya Na Ganito Ang Gagawin Ng Kanyang Ina.
Mahirap maging isang guro madalas makakarinig ka pa nang hindi maganda sa mga estudyante mo. Hindi nila inaalintana ang pagod sa pagtuturo para sa kapakanan ng kanilang estudyante, ang guro ang nagsisilbing ikalawang magulang natin. Isa sila sa huhulma ng ating kinabukasan. Kahit na madalas masabihan na masungit, istrikta ang mga guro ang nais lang naman nila na ang bawat kabataan ay matuto. Basahin po natin ang kwento ng isang guro sa likod ng klase. Saludo sa mga ganitong guro na talagang dedikado sa kanilang propesyon.
Maiyak ako kanina 😭
Habang tinutulungan ko si mama sa classroom niya.
Mama: Ej, wala pa akong halos tulog, matutulog muna ako.
Me: ha? Saan ka matutulog?
Mama: ipagtatabi tabi ko lang itong mga upuan. Ganito naman ako lagi
Yung feeling na hindi nakakauwi si mama tuwing lunch dahil din sa mga ginagawa niya sa school tapos late pa siya nakakatulog dahil din sa mga reports at lesson plan na tinatapos niya. Kaya ayan yan na lang natatangi niyang oras matulog.
Kala kasi ng iba madali lang buhay ng isang guro. Tapos yung ibang mga estudyante pa ngayon kung bastusin ang mga guro. Pero wala na din minsan magawa ang mga ibang guro dahil sa batas na naka protekta sa mga estudyante na paano naman ang mga guro?
Tapos ang lakas pa sabihin ng ibang tao na hindi mabuting ihemplo ang nanay ko bilang isang guro?
Wala sa guro at hindi naka depende sa guro ang kinabukasan ng isang estudyante, sila lang ang gagabay lamang patungo sa mga pangarap mo bilang estudyante. Kaya kung hindi ka din magsusumikap, at kung panget din ang pagka tao mo e wag kana magtaka kung panget ang kakaharapin mo, dahil sa huli ikaw at ikaw pa rin ang gagawa ng kinabukasan mo. Hay saludo ako sa mga guro at lalo na sa mama ko 👍🏻
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Nagpaalam Lang Siya Sa Anak Niya NA MAgpapahinga. Pero Hindi Inaasahan Ng Anak Niya Na Ganito Ang Gagawin Ng Kanyang Ina.
Reviewed by Tunying
on
August 06, 2017
Rating:
No comments