"I'm Only 5'4 And The Heaviest Weight I've Been Was At 190lbs" Para Sa Kababaihan Alamin Po Natin Ang Mga Signs Ng PCOS Baka Yung Akala Nating Normal Na Taba Ay Sinyales Na Pala.
"I'm Only 5'4 And The Heaviest Weight I've Been Was At 190lbs" Para Sa Kababaihan Alamin Po Natin Ang Mga Signs Ng PCOS Baka Yung Akala Nating Normal Na Taba Ay Sinyales Na Pala.
Marami sa kabataang babae ngayon na ang katabaan ay hindi masyadong iniinda, yung akala nila ay normal lang na tumataba sila. Hindi iniisip ng karamihan na baka isa na itong sign na mayroon kang POLYCYSTIC OVARIAN SYNDROME. Bilang babae dapat ay maging aware kayo sa mga nangyayari sa hormones niyo kung hindi rin regular ang menstrual cycle mas mabuting ipakunsulta rin ito. Basahin niyo ang kwento ng isang babae na may PCOS at kung ano ang kanyang ginawa rito.
This will be the first and possibly the last time I'd say something about PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome) kasi I'm no expert naman sa sakit na 'to. Those who know me well can attest that I don't get offended on jokes about my size or remarks like "ang laki mo," "ang lapad mo," "ang taba mo," and the likes. In fact nakikitawa pa ako. But believe me when I say that there were times I stared at the mirror and did not like what I see. The heaviest I've been was at 190lbs.
I'm only 5'4. I checked my BMI and surprise...I'm obese. Chabelita na ako bata pa lang. I grew thinner hanggang high school and started gaining weight again around sophomore year in college. Akala ko parang phase lang sya since mataba naman ako dati. My menstrual cycle had always been irregular. Around sophomore year, from 2 months interval, it became three. After three, then five. I was scared to undergo ultrasound. Kung hindi pa sumakit ang likod ko, di pa ako magpapacheckup. Yung mga ate ko sa trabaho ang pumilit sakin magpaultrasound last year ng August.
PCOS. May follicles (parang mga mini bukol,non cancerous) daw yung left and right ovaries ko. Natakot ako. Sabi wala naman daw dapat ikabahala. May pinrescribe na pills, sabi ko ayoko magpills. Losing weight was the other option given. Today, nagtimbang ako and 176 lbs ako. Mabigat pa rin, malayo pa rin sa target kong weight, pero soon I'll get there. But getting there is really hard. Lalo na kapag hindi mo alam na may PCOS ka. You may blame yourself na baka you're not exercising hard enough or frequent enough. Worse baka ginugutom mo na sarili mo para lang wag nang madagdagan ang timbang mo kasi nga ang taba mo pa rin kahit di ka na nagkakakain. So if you know someone na potentially e may PCOS, tell them to have themselves checked.
Women suffering from PCOS have some/all of these symptoms:
1)weight gain
2)excess of unwanted body hair or facial hair (makapal na balahibo sa legs saka presence ng bigote)
3)thinning of hair/hairfall
4)appetite na bongga
5)irregular menstrual cycle
****EDITED- the scary thing about PCOS is traidor sya. You may not have any of these symptoms mentioned pero you have it pala. Ang dami kong kilalang payat, regular ang period pero may PCOS. So please do yourself a favor at magpacheck-up. Health is wealth.****
'Pag napabayaan ang PCOS, it may lead to infertility, diabetes and high risk sa ovarian and breast cancer. Ipacheck nyo rin yung thyroid nyo, minsan combo ang PCOS at Hypothyroidism (like mine).
Pls be supportive. Sa totoo lang, mahirap kalaban ang hormones. Maraming beses ko nang iniyak na lang ang gutom ko kasi nga alam kong hormones ko lang yun, nagiinarte, nageemote. Pero maraming beses na nag-give in ako. Kasi sa totoo lang masarap talaga kumain. Struggle talaga. Pls. refrain from saying "pinabayaan mo sarili mo," "ano bang ginawa mo sa katawan mo?" kasi hindi namin hawak ang gustong mangyari ng hormones namin na in charge sa metabolism namin. Though I don't entirely blame it sa PCOS, ako rin mismo ang responsible sa sarili ko. I'm blessed na I have a great support system, my family, my boyfriend, my friends, and syempre si God. They push me and motivate me to be healthy. Please stop fat-shaming. Baka hindi mo alam yung tinatawag mong fat e someone who has PCOS and will have diabetes or breast/ovarian cancer in the works. Lastly, PCOS or not,you have no right to equate size with beauty and worth. You may comment about her physique out of concern but pls not to bully or make her feel bad about herself or you think it's fun. It's the 21st century and fat-shaming should be obsolete. Hindi ba pwedeng good vibes lang tayong lahat? :) <3 #pcos #notofatshaming #beinformed
****EDITED -- to everyone asking, I opted to go natural sa pagpapagaling. I never took pills o kung anumang supplements. Diet and exercise lang. I do not discredit yung mga pills pero kung kayang natural ang approach, go. Kung kelangan na ng tulong ng pills, go. Basta laging may go signal ng ob. Naglose ako ng konti pero medyo yo-yo pa rin, tataba, papayat ng onti, pero at least nabawasan na kahit paano. And regular na period ko so I guess may epekto talaga ang pagdiet at pagpayat sa PCOS. And prayers talaga, the Greatest Healer is God. So kapit lang, always trust Him. <3 :)
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"I'm Only 5'4 And The Heaviest Weight I've Been Was At 190lbs" Para Sa Kababaihan Alamin Po Natin Ang Mga Signs Ng PCOS Baka Yung Akala Nating Normal Na Taba Ay Sinyales Na Pala.
Reviewed by Tunying
on
August 07, 2017
Rating:
No comments