-->

"Nagmahal, Nasaktan, Nag-TINDER" Pareho Silang Broken At Naisipang Mag-Tinder. Hindi Niyo Aakalain Na Ganito Ang Kanilang Kahahantungan.




"Nagmahal, Nasaktan, Nag-TINDER" Pareho Silang Broken At Naisipang Mag-Tinder. Hindi Niyo Aakalain Na Ganito Ang Kanilang Kahahantungan.

Marami ng applications sa cellphone, karamihan mga gaming applications at ang iba ay dating applications. Isa sa pinakasikat na dating apps ay ang Tinder. Kung saan makakapili ka ng iyong "match" Maraming kabataan na ginagamit ito para makakilala ng bagong kaibigan, pero karamihan panandalian lang. Dahil siguro sa marami kang OPTIONS na pwedeng ipalit kapag ayaw mo na. Pero hindi sa kwento ni Lalaine Bendiola kung saan matapos makausap ang isnag lalake at nakagaangan ng loob ay inuninstall na nila ang Tinder at nag-Viber na lang kung saan wala ng iba pang pagpipilian. Basahin niyo po ang kanilang kwento at panoorin ang nakakakilig nilang video. TINDER POWER.

First time ko lang magtinder. At wala pa yatang 30 nakakamatch ko. Hahahaha
Salamat sa mga panahong nagtinder ako, e nagtitinder ka. Nagmomove on ka din pala, tinatamad na nga ko magswipe ng magswipe kasi wala namang nangyayare. Nagloloko lang ako sa sarili. Unang araw ng pagtitinder ko nakamatch kita. Naswipe right pala kita? Diko tanda. Haha. Tas hanggang sa chinat mo nako, wala pang 2 oras siguro kuhang kuha mo na atensyon ko. Ganon ka ba kababaero? Jokee. Tapos yon, uninstalled na agad. Hahahaha

Araw araw na tayong magkausap sa viber kasi nga inuninstall na natin. sa araw araw na yon nafofall na pala talaga ako. Ang layo mo e, nasa Lipa ka. Magwowork ba talaga to? Pero walang pagdadalawang isip nagtiwala ako sayo. Nagtiwala na magwowork ito. Hanggang sa araw na naging legal na tayo, kasi naglakas loob kang magpakilala sa mga magulang ko. Di pa natin masagot yung tanong ni mama na kung saan ba talaga tayo nagkakilala. Malay ba nila sa tinder. 😂😂 Thank you sa mga sumayang sayo, sa mga nambasted sayo. Hahahahahhaa. E plano daw ni God to, walang megegewe. 😘 More blessings! Power 😂😘

Sabi mo nakocornyhan ka kapag nakakapanood ka ng mga ganyang surprise. Tas di mo akalain na gagawin mo din pala. Hahahahaha.

Get your own "its a match" in many ways mayroon ding para sayo  💕
P.S. More kapit at tiwala lang sa mga dating application! Swipe right lang ng swipe right. Pero dapat consistent lang sa isa yung kachat mo, pag madami na kasi mas madaming option. Mas mahirap magseryoso. Isa isa lang, kapag hindi nagwork saka pa ulit mag chat ng iba. Wag mong pagsabay sabayin. Para power 💞💞

PPS. Wag matakot magtiwala, pero dapat maging matalino ka sa taong pagkakatiwalaan mo. Para power na power. Sense of humor over physical appearance lang din mga tsong. Baka kasi puro gwapo at maganda lang lagi hanap mo. Paano na yung mga taong seryoso? 👌
Dasalan nyo muna bago iinstall. 😘😂





Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Nagmahal, Nasaktan, Nag-TINDER" Pareho Silang Broken At Naisipang Mag-Tinder. Hindi Niyo Aakalain Na Ganito Ang Kanilang Kahahantungan. "Nagmahal, Nasaktan, Nag-TINDER" Pareho Silang Broken At Naisipang Mag-Tinder. Hindi Niyo Aakalain Na Ganito Ang Kanilang Kahahantungan. Reviewed by Tunying on August 16, 2017 Rating: 5

No comments