-->

"Magpadagdag Ka Pa E Minanyak Mo Nga Kasama Namin Eh!" Dalaga Hinipuan Di Umano Ng Taxi Driver Kahit May Iba Pa Itong Pasahero Sa Likuran.






"Magpadagdag Ka Pa E Minanyak Mo Nga Kasama Namin Eh!" Dalaga Hinipuan Di Umano Ng Taxi Driver Kahit May Iba Pa Itong Pasahero Sa Likuran.

Marami tayong naririnig na balita patungkol sa mga abusadong driver, mga mapagsamantala sa kahinaan ng kanilang pasahero lalo na kung babae at nag-iisa. Maraming kumakalat ngayon sa social media mga kwento ng karanasan nila sa mapang-abusong driver, madalas kababaihan ang biktima lalo na ngayon wala na ang UBER na madalas nilang gamitin. Tulad ng kwento ni Sarah, nakaramdam siya ng pangmamanyak ng driver matapos siyang hipuan nito kahit pa tatlo silang pasahero ng naturang taxi at siya ang nasa unahan. Hindi natinag ang driver sa kanyang masamang tangka. Basahin niyo ang buong kwento.


PLEASE HELP US SHARE THIS POST!!!!!!
SANA MAGSILBING BABALA AT LESSON SA MGA MAKAKABASA. 
SHOUT OUT SA ISANG MANYAK NA TAXI DRIVER!!!!!!

This is actually one of the reason why mas ok ang mag grab nalang or uber kesa sa regular taxi!!!!
i hope makarating ito sa LTFRB at kinauukulan para mabigyang pansin.

Around 2am nagabang kame ng taxi sa SM MOA after our Dinner Meeting with my Boss and my Assistant, Normally kahit gaano pa kalayo o kalapit ang pupuntahan namin lagi kame nag gagrab or uber but for some reason nag taxi nalang kame, nang makapara kame ng taxi sumakay sa front seat si Sarah (my assistant) at dalawa kame sa likod ng boss ko, along the way nag stop over muna kame sa isang drug store and sarah went down to buy some stuff.. at napapansin nanamin na iba makatitig si manong taxi driver but i just ignored it as if na walang nangyayare. Nang makabalik na si sarah tuloy kame sa byahe going to the hotel and we noticed na iba magdrive at medyo pa gewang gewang pa si manong driver and Ate Regz (my boss) said "kuya inaantok kana ata"dahil nga wala sa focus si kuya sa pag dadrive, si kuya walang kibo at nag drive ng dirediretso.

Habang bumabyahe pa kame me and my boss are busy talking about the plans for tomorrow's itinerary.
Habang papalapit kame ng papalapit sa destination namin bigla na naming napansin na tahimik na si sarah na usually hindi naman dahil masiyahin sya at maingay.
2:22 am i got a message from sarah saying

"Sir Drei, ung driver Manyak"

"Takot nako"

"Yaw ko na"

Nagtaka ako then I thought it was a joke. So I replied

"Bkt"

Then Sarah said ..

"Nanginginig nako"

"Ayaw kona, #%€¥>'bh"

I replied...

"Bakit nga, andito naman kame"

Then she replied...

NANGHIHIPO, HINAHARANGAN KO NA NG BAG.
I was trying to figure out and trying to compose myself pa sa kung ano talaga nangyayare coz I want to be sure, I can't even show ate the message of sarah for some reason na baka magulat si ate or mag hysterical. Then that was the time na nagmasid nako and tryin to prepare to take a video para ano at ano man ang mangyare ay may record ako. But I didn't get any chance to do it dahil sa focus ako sa driver bigla nandun napala kame sa Hotel kung saan kame bababa, then sarah said "Cr lang po ako" at mabilis na bumaba so naiwan kame ni ate para magbayad sa metro ng taxi sabay sabi si kuya na parang wala sa sarili na..

"boss dagdagan mo ah naghintay ako sainyo sa drug store!!"

Tapos bigla ako napatingin kay sarah sa labas and she was shaking so bad while Crying and thats the very time I started believing na tama nga sinabi ni sarah bigla nako nagtaas ng boses sa taxi driver saying..

"Ang kapal din naman ng mukha mo kuya!!! magpadagdag kapa e minanyak mo nga kasama namin eh!"

Nawala nako sa sarili ko.. so sa galit ko nagsalita nako ng mga masasakit na bagay kay manong driver na mukhang wala sa katinuan.. sa awa ko narin kay sarah coz thats the very first time na nakita ko sya umiyak ng ganun. Tapos todo tanggi pa si manong at sumasagot pa, tapos habang pababa galit na galit talaga ako tapos nung sinabi ko na ill take a video at ire report siya biglang harurot sya ng taxi nya na muntik pakong madisgrasya para lang makalayo sya,natakot nadin sya dahil nag iskandalo nadin ako at papalapit na ang martials ng HOTELJEN.

All the while i was kinda upset kase di ko nakita ang plate number nya dahil masakit narin mata ko. But luckily isang martial pa ng hoteljen pasay ang lumapit samin at nakuha pala nya ang plate number and taxi company ng nasakyan namin coz its also part of their SOP na laging may record sila ng mga plate numbers ng lahat ng private cars and taxis na magbababa sa hotel.

After ng commotion people from the hotel started interrogating us about the incident, and sarah started talking at sabi nya na ilang beses sya hinipo nung taxi driver, she tried to refuse pero makapal at matapang talaga si manong at sa sobrang takot nya sobrang umiyak nalang sya. Hoteljen personnel really did their best to help us. They even escorted us to the police station in pasay. Unfortunately we made a report pero mahabang process pa daw ang gagawin.

So end up deciding na bumalik nalang ng hotel at contact nalang the taxi company.
Thank God we have the complete details of the Maniac Taxi Driver!
Plate number : UYV- 980
Taxi name : 29 Years
Contact number : 854-4179.
And so today we are planning to make a legal action for this incident.

WE KNOW NA MAS MAY MGA MALALA PANG TAXI RIDE OR ANY PUBLIC VEHICLE EXPERIENCE PA THAN THIS. PERO SANA MAGSILBING LESSON DIN TO SA LAHAT. WE ARE LUCKY ENOUGH NA BUHAY PA KAME AT WALA NAMANG NAPAHAMAK NG SOBRA THANK GOD HINDI PINAHINTULUTAN NI LORD NA MAY MAS MALALA PANG MANGYARE.
Mas magingat po tayo at alerto. Lalo sa mga kababaihan maging matapang at matalino, normal lang matakot pero mas paigtingin ang katapangan. Above all always pray and ask for guidance and protection kay Lord.

Sa ngayon di parin makapaniwala si sarah..
Ilang months na kameng di nag tataxi kase eto mga kinatatakot namin unlike sa uber or grab na mas safe.

(Alam ko na may family din yung driver na nasakyan namin na pwdng maapektuhan but I'd like to clarify that this post is intended lang for the Driver lang na nasakyan namin, not for all the TAXI DRIVERS and MOST ESPECIALLY NOT FOR THE FAMILY OF THE SAID DRIVER. )













Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Magpadagdag Ka Pa E Minanyak Mo Nga Kasama Namin Eh!" Dalaga Hinipuan Di Umano Ng Taxi Driver Kahit May Iba Pa Itong Pasahero Sa Likuran. "Magpadagdag Ka Pa E Minanyak Mo Nga Kasama Namin Eh!" Dalaga Hinipuan Di Umano Ng Taxi Driver Kahit May Iba Pa Itong Pasahero Sa Likuran. Reviewed by Tunying on August 21, 2017 Rating: 5

No comments