"Mas Marami Yung Karapat Dapat, Yung Walang Anak" Isang Lalake Ang Mas Piniling Magmahal Ng Isang Single Mom. Alamin Ang Kanilang Kwento At Ma-INSPIRE.
"Mas Marami Yung Karapat Dapat, Yung Walang Anak" Isang Lalake Ang Mas Piniling Magmahal Ng Isang Single Mom. Alamin Ang Kanilang Kwento At Ma-INSPIRE.
Sa panahon kung saan karamihan ng mga lalake ay inaabanduna ang kanilang mga kasintahang naanakan, madalang na ang mga taong tumatanggap sa mga babaeng may anak na.
Ang ibang mga bata ay lumalaking walang kinikilalang ama at kasinungalingan na lamang ang sinasabi ng kanilang mga ina.
Pero sa ganitong panahon, may mga lalakeng handang maging ama kahit na hindi kanila ang bata. Tulad na lamang ng kwento ng isang netizen.
Ibinahagi nya kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang ginampanang responsibilidad sa anak ng kanyang iniibig.
Pinakasalan nya ang isang babaeng may dalawang anak at hindi nagdalawang isip na ibahagi at ipagmalaki ang kanyang ginawa.
Basahin ang kanyang kwento:
Nais ko po ibahagi ang aking kwento na kapupulutan ng aral at magsisilbing inspirasyon para sa mga nakararami.
I MARRY A SINGLE MOM ❤️
Binata po ako, maraming nagsasabi na mas karapat dapat sakin yung walang anak. Pero hindi ko po yun inintindi mas importante po sakin yung nararamdam ko at yung pagmamahal ko sa kanilang mag iina.
Binata po ako, maraming nagsasabi na mas karapat dapat sakin yung walang anak. Pero hindi ko po yun inintindi mas importante po sakin yung nararamdam ko at yung pagmamahal ko sa kanilang mag iina.
Sya po si Angel, Sya yung babaeng pinakasalan ko. May dalawa na syang anak. Tanggap ko silang mag iina. Hindi mahalaga sakin kung hindi ko sila kadugo, ang mahalaga tanggap ko sia at totoong mahal ko sila.
Nakilala ko sya dito sa facebook. Ofw sya nuong nakilala ko sya. 1year kaming LDR, isang taon akong naghintay, Pero kahit hindi ko pa sya nakikita ng personal nuon nagpupunta na ko sa kanila, inaalagaan ko na mga anak nya, nameet ko na pamilya nya. Nasa saudi pa lang sya nakilala ko na papa nya at sinabi kong papakasalan ko anak nya pag umuwi.
Hanggang sa umuwi na sya. Nag decide kaming mag sama para makilala at makita lalo ang ugali namin. At proud ako na sabihin mula sa pagiging LDR hanggang sa nagsama kami at ikasal napakaganda ng pagsasama namin.
Nais kong sabihin sa inyo, pag nagmahal tayo matuto tayong tumanggap, kung ano at sino sya. Hindi rin porket single mother ay huhusgahan natin sila, Sila yung mga babaeng matatag, mga babaeng kahit nagkaruon ng hindi magandang nakaraan ay pilit na tinataguyod ang kanilang anak.
Sa aking karanasan, Napatunayan ko na hindi mahalaga kung kadugo mo yung bata, Hindi mahalaga yung pang huhusga ng ibang tao, basta malinis at totoo ang hangarin mo wala kang pakealam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga masaya kayo, nagkakaunawaan, nagdadamayan at nagrerespetuhan.
kaya wag kayong matatakot magmahal ng isang single mom. Hindi nila kagustuhan na iwanan sila at lokohin.. At kahit single mom sila deserve nila ang mahalin sila at irespeto. At ako masaya ako, kase nakakapagpasaya ako ng isang babae kasama yung anak nya na nagpatatag sa kanya. Wala akong pinagsisihan na Single mom ang pinakasalan ko, kase masaya ako sa kanila, Silang mag iina yung inspirasyon ko, masaya akong matawag na "PAPA" Hindi man ako yung totoong tatay nila, tunay naman yung pag aalaga ko at pagmamahal sa kanila.
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Mas Marami Yung Karapat Dapat, Yung Walang Anak" Isang Lalake Ang Mas Piniling Magmahal Ng Isang Single Mom. Alamin Ang Kanilang Kwento At Ma-INSPIRE.
Reviewed by Tunying
on
August 28, 2017
Rating:
No comments