-->

'Napakadaling Bitawan Ang 5 Years At Sabihing Wag Ng Ayusin' Read This Pretty Chick's Heart Breaking Story Of Her First Love.




'Napakadaling Bitawan Ang 5 Years At Sabihing Wag Ng Ayusin' Read This Pretty Chick's Heart Breaking Story Of Her First Love. 

Natural sa isang babae ang pagiging martyr sa pag-ibig. Andyan ang handa silang magpakatanga para sa isang relasyong kasama ang taong mahal nila. Pero kailan ba dapat itigil ang pagtitiis? Kapag ikaw na lang mag-isa ang lumalaban? Kapag lubos ka nang nasasaktan? O kapag narinig mo na mismo sa karelasyon mo ang salitang "AYOKO NA" Basahin niyo ang kwento ng babae na ito na sa isang iglap bigla na lang nawala ang limang taong relasyong kanyang pinaglaban sa lahat.
1st Bf . 1st sa lahat. sa loob ng 5yrs alam kong alam mo na hindi na napalitan ng sino mang lalake sa pwesto ko ❤️
DOWN NA KUNG DOWN 5yrs πŸ’” at dun nagbago. wala pala talaga sa tagal yan nasa tao yan. pero ako hindi nakampante ako na gusto ko sya na. makakasama ko na to habang buhay. gusto ko siya na mapangasawa ko. Tangina eto napagiwanan ako ng mga PANGAKO NATIN DALAWA na corner ako.
Sabi ko dati may forever tangina eto kamusta? sinasampal tayo ng realidad ng walang forever HAHAHAHAHA!pakshet! ayokona!
i choose to understand. i choose to be strong. pero sa mga differences i choose to respect and accept. kasi i choose to love you padin. kahit nauubusan na ko ng dahilan para mahalin ka.
pero bakit ganon? 😭ang daya daya mo. napaka babaw mo. Binaliwala mo lahat agad. Akala ko mas magiging maayos na. pero napaka dali mo ng bitawan agad yung "5 YRS" at sabihin ng wag nalang ayusin. dahil sa isang pagkakamali ko lang to think na magkahiwalay naman tayo non at NAPAKA LIIT NA BAGAY at alam mo sasarili mo na may mas ginawa kang mas ikakasakit pa don ng sobra nung wala tayo. hindi lang ako o ikaw ang maapektuhan dito kundi anak natin. Oh nagsawa kalang talaga?
masakit pakinggan kasi binigyan nnmn kita ng pagkakataon at umasa ko na may magbabago. pinilit kong magmahal ulit pero parang baliwala lang sayo. ginusto padin kita pagkatiwalaan kahit sarili ko hindi ko kayang paniwalaan. pinilit ko padin buuin ka kahit ako kulang kulang na.
PERO IKAW? PAULIT-ULIT 😭 paulit-ulit kitang pinapatawad at binabalikan na halos niyakap ko nalang yung mga' mali at hindi dapat. Kahit ang hirap hirap mo ng mahalin, mamahalin at mamahalin padin kita. ultimo pamilya ko sinusuyo ko ng paulit ulit kahit wala na din silang nakkitang tama satin. pero inaayos ko. hindi lng anak natin nasisiraan ng tiwala dito kundi pamilya natin  πŸ˜­ kailan mo ba makikita at mararamdaman halaga ko? kailan mo makikita yung sakripisyo ko ? kailan mo makikita mali mo na pinalampas ko lang? bakit parang ako lang? bakit parang ako lang lagi nag sisisi. bakit parang ako lang laging talo. bakit parang ako lang naghihinayang? kahit ako naman yung paulit-ulit na nasasaktan. lahat pinalampas ko at tinanggap ko kahit alam kong wala na kong nakikitang tama. OK LANG mas pinili ko parin mahalin ka. dahil wala naman kasi akong ibang inisip kundi mahalin ka lang ng mahalin kahit alam kong maling mali na at hindi na dapat. kasi dun naman ako masaya eh, at kahit na mali ka mahal at mamahalin padin kita.
Hindi ko alam bakit mo ginagawa sakin to. I did my best to love you. But maybe it wasn't still enough for you. niyakap ko yung hindi mo mahal sa sarili mo at minahal ko parin yung hindi mo pagkaperpekto. tinanggap kita sa lahat kahit yung iba ikinasasakit ko. NIYAKAP KO PARIN KAHIT NAPAKA BIGAT NA. 😭 niyakap ko yung mga mali at hindi dapat. kahit alam kong nasasaktan ako mas ginugusto kong maramdaman yon. kasi i'm not a quitter. kahit ubos na ubos na ko at sagad na sagad na. pero i still have god and i learn to call on god dahil tao lang ako limitado. ang dami kong tanong sakanya. 😭 'god bakit ganto, god bakit ganyan' hindi bako naging sapat? sobrang blangko ko ngayon, hindi makausap o makapagsalita tulala at patuloy parin naghahanap ng sagot sa mga tanong ko kung " BAKIT " ano bang kasalanan ko kumpara sa mga naging kasalanan mo na minahal ko na. 😭
pero isa lang ang alam ko.
HINDI AKO GUMAWA NG BAGAY NA ALAM KONG IKAKASAKIT MO DAHIL ALAM KONG HINDI MO KAKAYANIN AT ALAM KONG ALAM MO YAN at lagi kong sinasabi sayo na mahal na mahal kita.
hindi ko na kilala sarili ko. kung ako paba to? bat parang ang tatag ko naman masyado kahit alam kong mali at hindi na dapat pilit kong nilalagay sa tama. 😭
Mahal, Dy, Asawa ko. ubos na unos nako. 😭 wala nakong mabibigay sayo kapag bumalik ka, ultimo sa sarili ko wala nakong mabigay. lahat ng pagmamahal ko sayo napalitan na ng sama ng loob 😭 Daddy, ngayon palang lalagyan ko na ng tuldok lahat ng kwento sa limang taon natin. tadhana na mismo may gusto nito. siguro tadhana na mismo nagbigay ng walang permiso. basta lagi kong tinatandaan simula't una kitang nakasama alam mo sasarili mo at sa nakakaalam ng storya natin at nakakakilala satin ultimo mga nakakausap ko date. na sobrang mahal na mahal kita at minahal kita ng higit pa sa sarili ko.😭
Marami man akong hindi naiintindihan at kahit na madalas akong naguguluhan satin dalawa kung ano ba talaga plano ng nasa itaas satin. pero iisa lang ang nasisigurado ko,
Mahal na mahal kita. Bawat segundo. Minut-minuto. Araw araw. Buwan buwan. Taon-taon. Palagi You will always have a special place in my heart .
wala akong sinabing mga kasalanan pero Salamat sa limang taon. 😭mahal ko, mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin ng anak mo. palagi.






Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
'Napakadaling Bitawan Ang 5 Years At Sabihing Wag Ng Ayusin' Read This Pretty Chick's Heart Breaking Story Of Her First Love.  'Napakadaling Bitawan Ang 5 Years At Sabihing Wag Ng Ayusin' Read This Pretty Chick's Heart Breaking Story Of Her First Love. Reviewed by Tunying on July 14, 2017 Rating: 5

No comments