Ganito Pala Makitunggo Si Daniel Padilla Sa Kanyang Mga Fans Na Naghintay Matapos Ang Taping.
Ganito Pala Makitunggo Si Daniel Padilla Sa Kanyang Mga Fans Na Naghintay Matapos Ang Taping.
Isang netizen ang nagpost ng pictures nila ni Daniel Padilla at ikinuwento kung gaano ang hirap na kanyang tiniis para makapagpa-picture lang sa kanilang idolo. Kahit madaling araw na at di pa rin natinag ang mga ito para sa kanilang idolo. Basahin niyo po ang kanilang paghihintay at kung paano makitungo si Dj sa kanyang mga fans. Sobrang down to earth ng batang actor at talagang magiliw siya sa kanyang mga fans. Kaya ang netizen na si Allysa Fae ay kinakainggitan na talaga ng iba. 👌👌👌
Bago niyo po basahin yung caption, gusto ko lang pong sabihin na FIRST TIME ko po kaya ginawa ko po talaga lahat para sulit. Sobrang hirap pong makalapit or makapagpapicture ng solo. Tsaka pag kayo na po nandun, gagawin niyo po talaga lahat. And di po nagalit si daniel dun sa backhug actually natawa pa siya at nagpaalm po muna ako, kaya alam kong okay lang po. Anyway, di naman po natuloy yung back hug. Hahahaha!💙💙💙
July 20,2017 (Thursday) 3:00 A.M
First Picture with my Daniel John Ford.😍💙 💖
'Kailan naman kaya yung right time ko para mameet personally and makapagpapicture ng solo kay Kathryn/kay Daniel o sa KATHNIEL?' Iyan ang katanungang madalas kong isipin at banggitin sa tuwing ako'y nakakakita ng mga pictures ng kathniels with Kath/Dj.
Ngunit kanina, habang kami ng mga kasama ko ay nasa taping ni Daniel, palihim akong nagdarasal at bumubulong na 'Eto na kaya talaga yung hinihintay ko?' Well, masasabi ko lang talaga na 'THE LONG WAIT IS OVER'😭
Mga bandang 2:55 A.M. nang matapos ang taping ni dj, naglabasan na ang mga staffs at iba pang mga artists na sobra sobrang nagpakabog ng dibdib ko. Nang makita ko si Daniel na palabas na, pinapakalma na ako ng iba kong mga kasama dahil sobra talaga akong nanginginig at di ko alam gagawin ko.
At syempre eto na, nung ako na magpapapicture sabi ko sakanya "Hello po kuya Dj, pwede po payakap?" So yun na nga. Ang bango sobraaaaaa. Super bango. Amoy baby siya pero may pagkamanly pa rin. Hirap iexplain basta mabango hahahaha.😂 Then yung isa kong kasama prelims so para bang nanghihingi siya kahit isang goodluck from dj then I approached him again at sinabi kong "Dj ako rin may test." *with matching sad face*
Dj: Gusto mo ako pa sumagot eh.
Me....
Dj: Kaya lang asahan mo ring di ka papasa.
Hahahahahaha nagpatawa pa eh😂😂
At dahil makapal mukha ko, nilubos ko na talaga. Nandun na eh. Humirit pa ako ng isang pic sabi ko "Kuya Dj, pwede pong papic pa ng isa? Backhug po"
*Umayos na ng backhug kakilig na eh nandun na sana kaya lang...*
Kuya Dj: Ay teka di 'to pwede (di ko sure kung may sinabi rin siyang may magagalit)
So nilagay niya sa magkabilang balikat ko nalang. Tapos habang inaayos niya, may sinabi pa siyang:
Daniel: *pabiro* Handa ka bang saluhin ang mga sampal ni Kathryn?
HAHAHAHAHAHAHA KAKILIG YUN!!! JUSQ KAYA NAMAN PALA, KASI MAGAGALIT SI BAL.😍💙
At higit sa lahat, yung pinakasobrang nagpakilig at nagpakumpleto ng araw ko.
"Kuya Dj, pwede pong pahug?" Then ang sabi niya, "Sige po, ma'am." Ang ganda nung tono niya nang pagsagot. So niyakap ko then niyakap niya rin ako pabalik then nagulat ako nung hinalikan niya ako sa ulo ko. BEH HUHUHUHU. YUN TALAGA YUN EH.😭😭💙 SABOG NA SABOG BLUE HEARTS KO.💙😭😍
After ng mga nangyari, isa lang ang nagawa ko. Umiyak. Sobrang sarap sa feeling na sa ilang oras na paghihintay kay Daniel ay sobrang worth it. As in sobra. Nung nakatingin ako sakanya habang umiiyak ako then napalingon siya, punas agad ng luha.
Kaya sa mga fangirls/fanboys na nangangarap na makita ang iniidolo nila sa personal at gustong makapagpapicture, hintayin lang talaga ang tamang oras, tamang lugar at tamang panahon. Kung sa tingin niyo'y di pa ito ang tamang panahon, huwag sumuko at magdasal lang palagi.😘😍💙💙💙
Thank you so much ate Danica at sa iba ko pang nakasama. Thank you!😘💙
#DanielJohnFord
#LaLunaSangre
#DanielJohnFord
#LaLunaSangre
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Ganito Pala Makitunggo Si Daniel Padilla Sa Kanyang Mga Fans Na Naghintay Matapos Ang Taping.
Reviewed by Tunying
on
July 22, 2017
Rating:
No comments