-->

"Bakit Kayo Nagraragbi?.. Nawawala Po Sa Sarili" Hindi Kayo Makakapaniwala Sa Ginawa Ng Lalake Na Ito Matapos Makakita Ng Kabataang Nag-raragbi.




"Bakit Kayo Nagraragbi?.. Nawawala Po Sa Sarili" Hindi Kayo Makakapaniwala Sa Ginawa Ng Lalake Na Ito Matapos Makakita Ng Kabataang Nag-raragbi.

Maraming kabataan ang nalilihis ng landas, marami ay dala na rin ng kahirapan sa buhay. Hindi man nila gustuhin pero parang tila dun lang ang pinakamadaling paraan para makalimot pansamantala sa kanilang sitwasyon. Isang netizen ang nakakita at nakasalamuha ang mga kabataang nagraragbi. Marami sa atin na kapag nakakakita ng ganito ay umiiwas at natatakot na baka may gawin silang hindi maganda. Pero hindi ang netizen na ito, Jocen Gonzales Gatela ang pangalan imbes na iwasan at katakutan ay lakas loob siyang kausapin at kaibiganun ang mga ito. Basahin niyo po ang kanyang kwento.


Habang naglalakad ako pauwi galing sa gym, nadaanan ko ang mga batang ito na nagra-rugby

Ako: Bat kayo nagraragbi? 
Bata1: Pampatanggal po ng gutom.
Ako: Nag-drugs ako dati pero diko natikaman ang rugby. Anong feeling niyan?
Bata2: Nawawala po sa sarili.
Ako: Nagnanakaw ba kayo? 
Bata3: Hindi po. Di bale na mamalimos wag lang magnakaw.
Bata4: Di bale na matakaw wag lang magnakaw. (Sabay tawa😂)
Ako: (Tuwang-tuwa😂😂)
Bata1: Kuya pengeng okra. Ikaw yung nagbigay ng okra sakin dati nung bumili ako sa inyo.
Ako: (minumukaan yung bata) ah oo. Ikaw nga yun. (Umuwi ako kumuha ng okra tapos bumalik.)
Ako: Pano mo kinakain ang hilaw na okra? 
Bata1: Sinasawsaw sa asin minsan sa toyo.
*At this point, masaya na durog ako sa loob ko. Masaya kase nakakausap ko pa sila ng matino pero durog na ako kase ang saklap pero wala akong magawa para sakanila.
Ako: Kumain na kayo? 
Bata1: Hindi pa po.
Ako: Kaen tayo.

*Pagkatapos kumaen

Ako: Mula ngayon gabi-gabi na tayo magmi-meet dito ah. Magba-Bible study tayo.
Bata5: Sige kuya. Ngayon na!!
Bata4: Bukas na. Walang dalang Bible si kuya. 
Ako: ( Hagalpak ng tawa😂. Oo nga naman.) Tara pag-pray ko nalang kayo.
*After mag-pray
Ako: Tara picture tayo. Post ko sa fb.
Bata1: Kuya oppa posing. 
Ako: Ano yun? 
Bata1: Ganito oh. ( heart sa daliri) 
Ako: Ah sige. Hahaha😂 (Wala akong alam kaya nakiuso nalang ako)

Ang akala ko, ako lang ang tutulong. Ang hindi nila alam, mas natulungan nila ako at mas naturuan nila ako. Na-refresh ako sa presence nila. Salamat mga tropa, kitakits bukas!:)
PS: Pls donate:)
#BuhayNaNoFilter



Kung kahapon mga naka-paa ang ilan sa mga tropa natin, meron na po silang tsinelas ngayon. Kahapon sa karenderia lang sila kumaen, ngayon nasa mcdo na sila.:) Salamat sa mga nag-donate at nagpadala ng pera nila. Salamat sa tiwala. Sisiguraduhin ko na bawat sentimo na pinadala niyo ay mapupunta para sa mga batang ito. Viral man o hindi gagawin parin natin ito. Sa mga nagtatanong po kung san sila located? Sa monumento po near MCU.
PS: Pwede pa po mag-donate:)
#OppaPosingNasaMcdoNa
#LoveKoTo





Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Bakit Kayo Nagraragbi?.. Nawawala Po Sa Sarili" Hindi Kayo Makakapaniwala Sa Ginawa Ng Lalake Na Ito Matapos Makakita Ng Kabataang Nag-raragbi.  "Bakit Kayo Nagraragbi?.. Nawawala Po Sa Sarili" Hindi Kayo Makakapaniwala Sa Ginawa Ng Lalake Na Ito Matapos Makakita Ng Kabataang Nag-raragbi. Reviewed by Tunying on July 23, 2017 Rating: 5

No comments