Sa Kanyang Inosenteng Mukha At Sa Mapanghusgang Mata Ng Kapwa Nananatili Siyang Isang Proud Teen Mom. Alamin Ang Kwento Ng Isang Teen Mom.
Sa Kanyang Inosenteng Mukha At Sa Mapanghusgang Mata Ng Kapwa Nananatili Siyang Isang Proud Teen Mom. Alamin Ang Kwento Ng Isang Teen Mom.
Sa panahon ngayon, masasabi ngang tanggap na ng tao ang mga babae na maagang naging isang ina. Kung saan nauuna ang apo kaysa diploma, mga paghihirap ng magulang na nadadagdagan kapag hindi nakapagtapos ang anak.
Tulad ng sabi ng ilan, hindi naman matatama ang mali ng isa pang mali. Pinili nilang panindigan ang kanilang pagbubuntis at buhayin ang kanilang anak. Kaya kahit sabihin na mali marami sa mga ito ang hinahangaan.
Pero hindi maiaalis sa konserbatibong kinalakhan na makakarinig ka ng hindi maganda dahil sa maaga mong pagiging ina.
Kung saan ang pagtuloy ng pagbubuntis ay tinatawag na agad pagiging responsable? Pero sa mata ng nakatatanda hindi doon natatapos ang pagiging responsable. Paano magiging responsable kung sa magulang pa rin aasa ng mga kailangan ng anak?
Hindi rin basehan ang social media para matawag na isang responsableng ina.
Pero kahit ano pa man ang sabihin ng iba, kung alam mong wala kang inaapakan sa desisyon mo, hindi mo dapat ikahiya ang pagkakaroon ng isang anak sa murang edad. Kung namali ka ngayon dapat maging inspirasyon ito para sa mas magandang kinabukasan. Oo hindi man madali at doble na ang hirap na iyong pagdaraanan pero sa huli kapag nalampasan mo ang mga ito. Dobleng saya ang iyong mararamdaman.
Basahin niyo ang kwento ng isang proud teen mom.
Hindi biro maging isang batang ina, tama nga sila. Pati sarili mo makakalimutan mo na. Make up araw araw napalitan ng wake up sa madaling araw. Mawalan na ako ng oras sa pagpapaganda, wag lang akong mawalan ng oras sa aking pamilya.
Gising magdamag, naglalakihang mga eyebag, palaging puyat, may panyo lagi sa balikat, masakit na braso dahil palaging may buhat at ipinaghehele, hindi makalabas ng bahay dahil oras oras nagpapadede, marami na talagang hindi pwede dahil marami ng bagay na sayo nakadepende. Madaling nagigising kapag umiiyak ang supling, pag ang anak ay sinusumpong minsan malilipasan ka na ng gutom.
Ganyan talaga ang isang ina, kung mag-alaga sobra sobra. Minsan nga nakakalimutan mo na magsuot ng bra. Halos lahat naman eh diba? Ganun talaga. Minsan kapag naliligo tinitignan ang katawan, puro kamot sa iba't-ibang parte ng katawan, naiwang taba sa tiyan, talagang ganyan. Pati sarili mo napapabayaan. Yung anak mo, pwede mo ba siyang titigan? Kausapin mo siya lagi kahit hindi ka niya naiintindihan.
Pinaghirapan mo siya ng siyam na buwan. Marami pa kayong pagdadaanan. Kahit ano man ang iyong nararamdaman. Kahit husgahan ka pa ng karamihan. Isa lang ang masasabi ko diyan. Wag niyo akong husgahan sa konti niyong nalalaman. Oo kilala niyo ako sa pangalan pero hindi niyo alam ang hirap kong pinagdaanan para lang maging the best na ilaw ng tahanan. Kahit ilang beses niyo pa akong husgahan. Ako yung ilaw na hindi mapupundi kahit kailan ❤
Oo maaga akong nagkaanak, pero hindi porket maagang nabuntis sinira na ang buhay. Hindi porket maagang nabuntis wala ng pangarap sa buhay. Bawal man magresign sa pinasok kong hanap buhay.Pagusapan man nila ang aking talambuhay, hindi nila mababago ang pagmamahal ko sa pamilya ko na panghabangbuhay. Minsan lang tayo mabuhay kaya wag nating pagtuunan ng pansin ang mga taong walang kabuhay buhay at magfocus tayo sa mga mahal natin sa buhay.
Masama man ang tingin sa akin ng iba. Magiging mabuti pa din akong ina para sa aking pamilya
PS: Wag niyo akong tularan sa pagkakaroon ng anak sa murang edad. Tularan niyo ako sa pagharap sa responsibilidad at pagalaga sa blessing na ibinigay ni Papa God 😊
(ctto) kl dacanay
She loved a little girl even more than she loved herself❤️
Baby alam kong hindi mo pa naiintindihan si mommy pag kinakausap ka pero gusto ko lang sabihin sayo at iparamdam sayo na mahal na mahal ka namin baby. Masaya ako kasi dumating ka sa akin/amin alam kong hindi pa ito yung tamang panahon at tamang edad pero kahit bata pa si mommy gagawin ko ang lahat para maging The Best na Mommy sayo. Alam mo bang sobrang proud sayo si mommy?❤️ kahit hindi na ako makapag ayos araw araw at halos hindi na makapagsuklay magmuka mang losyang si mommy maalagaan kalang ng mabuti baby okay na ako dun🙂❤️
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Sa Kanyang Inosenteng Mukha At Sa Mapanghusgang Mata Ng Kapwa Nananatili Siyang Isang Proud Teen Mom. Alamin Ang Kwento Ng Isang Teen Mom.
Reviewed by Tunying
on
September 05, 2017
Rating:
No comments