"Nung Una Ayaw Ko.. Pinagsisisihan Ko" Reaksyon Ng Isang Lalake Nung Nalaman Na Magiging Batang Ama Siya. Alamin Ang Kanyang Kwento.
"Nung Una Ayaw Ko.. Pinagsisisihan Ko" Reaksyon Ng Isang Lalake Nung Nalaman Na Magiging Batang Ama Siya. Alamin Ang Kanyang Kwento.
Sa panahon ngayon maraming kabataan na ang mapusok sa tukso, mga nadadala ng damdamin kaya madalas nabubuntis ng maaga. Marami ang pamilya na hiwalay dahil sa ang parehong magulang ay bata pa o hindi pa sanay sa responsibilidad. Sa panahon ngayon kung saan karamihan sa kalalakihan mas proud pa matawag na "F*ckboy" kaysa maging isang desenteng lalake na may respeto sa babae kaya maraming kababaihan ang nabubuntis at nagpapalaki ng anak na mag-isa.
Pero may ilan naman na lalakeng "g*go" pero kapag dumating na ang salitang paninindigan ay mayroon sila nito. Kahit na maaga nagbunga ang kanilang pagmamahalan ay andiyan sila para harapin ito. Kahit bata pa mapapabilib ka dahil imbes takbuhan ay mas pinili nila itong panindigan. Dahil ang isang pagkakamali ay kailanman hindi maitatama ng isa pang pagkakamali.
Tulad ng kwento ni Juan Miguel, na sa una ay natakot nung nalaman na magiging isa na siyang batang ama. Pero matapos ang pag-iisip mas tumimbang ang pagmamahal niya sa asawa niya at ang kanyang magiging anak. Basahin niyo at maging isang insperasyon.
'Nung una, ayaw ko. Nung una, galit na galit ako. Nung una, pinagsisihan ko. Nung una, tinatagge ko.
Pero ngayong maayos na ang lahat, sinisiguro kong pinagsisihan ko na lahat ng iniisip ko dati. Ipinapangako kong hindi ko kayo pababayaan, gagawin ko ang lahat para sa inyong kapakanan. Iiwanan ko lahat ng masama basta ang kapalit ay ang makapiling ko kayo ng mama mo, iiwasan ko lahat ng hindi tama at sinisiguro kong hanggang paglake mo ako ang kasama nyo.
Akala ko nung una, mali ako sa nagawa ko, Akala ko nung una tarantado ako. Akala ko nung una masamang tao ako, akala ko nung una katulad nila ko. Pero hindi! Dahil lahat naman ng tao ay may kanya kanyang tadhana, hindi mo man gusto wala tayong magagawa kung yun talaga ang itinakda.
Handa akong panindigan ang lahat, kahit sabihin nilang ako ay bata pa. Sabihan man akong suwail, hindi pa rin ako mawawalan ng pag asa.
Handa nakong magpalit ng diaper at magtimpla ng gatas, handa nakong taihan sa katawan at tuluan ng lungad na tumatagas. Handa nakong mapuyat gabe gabe, handa nakong matulog na ang asawa ko ay hindi ko katabe. Handa nakong tumapik, handa nakong makahalik. Handa narin akong umakay, sa madaling salita "HANDA NAKONG MAGING TATAY."
Wala pang rap contest, may trophy nako. Matalo man ako sa mga patimpalak para sakin champion pa rin ako!! Maraming salamat sa aking asawa at sa mga magulang namin na sumusuporta samin. Maraming salamat dahil hindi nila kame pinabayaan sa lahat! Godbless.
#SOONTOBEDADDY #BABYBOY #BLESSED #STEVENSONFAM
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Nung Una Ayaw Ko.. Pinagsisisihan Ko" Reaksyon Ng Isang Lalake Nung Nalaman Na Magiging Batang Ama Siya. Alamin Ang Kanyang Kwento.
Reviewed by Tunying
on
August 26, 2017
Rating:
No comments