-->

Napansin Niya Na May Matigas Sa Kanyang Tiyan At Inakala Na Tumataba Lang Siya Pero Heto Pala Ang Totoong Dahilan Ng Pagtigas Nito. Alamin Niyo Po Ang Mga Sintomas.




Napansin Niya Na May Matigas Sa Kanyang Tiyan At Inakala Na Tumataba Lang Siya Pero Heto Pala Ang Totoong Dahilan Ng Pagtigas Nito. Alamin Niyo Po Ang Mga Sintomas.

Para sa kababaihan ang buwan buwan na pagkakaroon ay parusa dahil marami sa atin ang may dysmenorrhea na talagang hindi ka makakakilos at kalimitan ay may buo buo pang lumalabas. Akala natin ay normal ito dahil marami ang nakakaranas pero kapag sobra na ang nalabas sa atin na buong dugo at medyo malansa dapat huwag na tayong magdalawang isip na magpakunsulta.

Tulad ng netizen na si Cris Tin, sa una ay akala niya na tumataba lang siya pera kalaunan ay may Ovarian Cyst pala siya at mabuti ay naagapan ito. Basahin ang kanyang kwento at maging aware tayo sa kalusugan natin.




Para sa mga nagtatanong sa akin kung anong pakiramdam at sintomas ng sakit ko. 

1. Dysmenorrhea. Minsan normal lang ang sakit. Minsan din intense na sakit hanggang sa umabot sa point na nahihirapan na ako kumilos at tumayo. 
2. Medyo black ang regla ko. May lumalabas din na buo-buong dugo na medyo malansa ang amoy. 
3. Umaabot ng 3-5 days ang mens ko at minsan 7 days pa.


Last January or February napansin ko na may matigas sa tiyan ko pero dinedma ko lang kasi akala ko tumataba lang ako. Takot kasi ako magpatingin sa doktor kaya tinitiis ko na lang. Nagkamens ako nung July 23. Nung July 27 nagkaDysmenorrhea ako, hindi na ako makalakad sa sobrang sakit. 

Kaya nagdecide ako na magpacheck up. Nagpatingin ako sa Internal Med na doctor kasi akala ko sa tiyan ang problema. So inundergo niya ako sa Whole Abdomen Ultrasound, result is everything is normal except ovary. Nirefer niya ako sa OB, doon ko na nalaman na Ovarian Cyst pala at 16cm na ang size. Operasyon talaga ang solution. Hindi ako nakuntento kaya nagpasecond opinion ako sa OB sa Davao. 

Same findings pa rin. Inundergo ako ng TVS (ultrasound na pinadaan sa pwerta) para malaman kung anong klase na cyst and nagresult to POLYCYSTIC BOARDERLINE TO MALIGNANCY and blood test para malaman if cancerous and the result is normal except sa isa, mababa talaga siya. Bumalik ako sa OB sa Davao at sinabi niya sa akin na kailangan na talagang matanggal kasi delikado kapag pumutok. Kasi kapag pumutok na siya, kakalat ito sa loob at baka maapektuhan pa ang ibang internal organs or lalaki ito lalo to the point na maiipit na ang pantog at bituka that may cause ng hindi na ako makaihi at makadumi. 

So inexplain niya ang procedure ng operasyon. Kapag nag-opera na siya, kukunin yung cyst at ipa-Frozen Biopsy (30mins to 1hr bago malaman ang result if cancerous ba o hindi) and kung cancerous siya, tatanggalin ang ovary pati na ang mga lymphs na pwedeng pagkalatan ng cancer. Pero kapag hindi cancerous, hindi na tatanggalin ang ovary. If ever nakakalat na ang cancer, need na talaga mag-undergo ng chemotherapy.

Aug 15, 3pm naconfine ako then 6pm ang huling kain ko. 12mn kinabit ang dextrose. 
Aug 16, 5:30 pinaligo ako ng nurse. 7:30 dinala ako sa OR. 8:15 dumating ang doctor at ininject ang anesthesia. Nagising ako na nanginginig, hindi ko na alam anong oras yun. Sabi sa akin ng nurse bumaba na daw ang anesthesia kaya ako nanginginig at nasa recovery na daw ako.

Tinanong ko siya, "nurse kamusta ang biopsy?"
Nurse: "Maam, ok na po. Malignant siya, cancerous pero wala nang dapat ikabahala"
Nakatulog ako after nun. 

Aug. 17 10am naground si Dr. Lasala at inexplain sa akin ang result. 
Dok: Cancer stage 1-A meaning intact ang cancer. Hindi siya nagleak so we need to remove your left ovary. Good thing is, pwede ka pa magkaanak, pwede rin normal delivery. Walang problema ang matres. Kunuha lang namin ang mga kulani pati na ang appendix para hindi na kumalat ang cancer. Naanghela ka Tin, buti na lang nagpa-opera ka kaagad kaya naagapan ng maaga.

According sa OB ko, isa sa mga reason is, 

1. Inheritance. Kapag may cancer history ang pamilya mo, kailangan mo mamonitor ang mga kamag-anak. 
2. Hormonal imbalance. (Dysmenorrhea, layag etc.)
3. Painful during sexual activity. 

Kapag nagsimula ng magkamens ang babae, kailangang mapapsmear at least once a year. 
Kapag may sexual activity ang babae, at leat twice a year naman para mapanatiling malinis ang matres. Tapos girls, kailangan talaga bumisita sa OB at least once a year for regular check up para healthy. 

I'm sharing my story hindi para manakot o kapag may signs kayong ganito, hindi ibig sabihin nun parehas na kayo sa akin. No, gusto ko lang kayong ma-aware. 
Huwag niyong balewalain ang sakit na nararamdaman niyo. Hindi kawalan ang magpacheck up. Kasi mas maganda yung malaman na habang maaga pa para maagapan ang dapat maagapan. Kapay may problema kayo sa inyong reproductive system, visit your OB agad-agad.










Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Napansin Niya Na May Matigas Sa Kanyang Tiyan At Inakala Na Tumataba Lang Siya Pero Heto Pala Ang Totoong Dahilan Ng Pagtigas Nito. Alamin Niyo Po Ang Mga Sintomas. Napansin Niya Na May Matigas Sa Kanyang Tiyan At Inakala Na Tumataba Lang Siya Pero Heto Pala Ang Totoong Dahilan Ng Pagtigas Nito. Alamin Niyo Po Ang Mga Sintomas. Reviewed by Tunying on August 24, 2017 Rating: 5

No comments