-->

"Miss Hatid Na Kita.. Miss saan ka umuuwi" Isang Babae Ang Nakaranas Nang Harrassment Sa Tatlong Lalake Mabuti Na Lang At May Ganito Siyang Dala. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento.




"Miss Hatid Na Kita.. Miss saan ka umuuwi" Isang Babae Ang Nakaranas Nang Harrassment Sa Tatlong Lalake Mabuti Na Lang At May Ganito Siyang Dala. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento.

Ang masasamang loob wala yang pinipiling tao, kung bata ka o matanda, kung payat ka o mataba, mayaman o mahirap. Kung gusto ka nilang gawan ng masama gagawan ka nila. Tulad ng experience ng isang netizen na si Jorica Rurukumi matapos maipit sa traffic, baha at lakas ng ulan ay may 3 lalake ang nagsamantala at harap harapan siyang binabastos. At hindi pa doon nahinto ang 3 sinundan pa raw siya habang naglalakad. 

Mabuti na lang mayroon siyang bell na kapag pinindot ay magaalarm ng malakas para makatawag ng atensyon ng iba. Basahin niyo po at dobleng ingat para sa kababaihan.

this is the most dangerous ride ever :'( pinapili kami ng uv express ibabalik daw kami sa megamall or bababa kami.dahil baha daw sa pureza hindi n daw kami maihahatid pa quiapo, edi shempre andun na ako sa pureza edi bumaba ako alangan magpabalik ako ng megamall ..ang tagal ko naghanap ng jeep basang sisiw ako dahil wala akong payong,naiiyak ako dahil sobrang sakit ng paa ko dahil maghapon na nakatayo dahil nag wowork ako sa nyx professional makeup, as a makeup artist and beauty consultant shempre tayo ka maghapon nun... ang hirap mababasa ng ulan yung paa mong pagod, hindi ko alam san ako sasakay di ko alam san ako pupunta, ang lakas ng ulan. hanggang may isang jeep na dumaan nakasakay ako, basang sisiw ako lamig na lamig at pagod na pagod, :( hanggang pa byahe kami pa quiapo naiwan yung tatlong construction worker sa tabi ko, si kuya kina catcall ako harap harapan takot na takot na takot ako..

" miss hatid na kita "

" miss saan ka umuuwi "

naiiyak na ako halo halo na lahat, pagod, gutom tapos bumaba ako quiapo kanto nilakad ko na wala akong payong hanggang isetann sinusundan ako, hanggang sa pinatunog ko yung bell ko sa bag lumayo sila. habang naglalakad ako lahat ng tao napapatingin sakin sa lakas ng bell ko.

naglalakad ako hanggang marating ko isetann :( sumakay ako ng tricycle kahit 150 pesos
takot na takot ako pero salamat lord dahil nakauwi ako ng ligtas.

nakakatrauma naman sana po sa mga UV express. huwag po kayong ganon dahil safety sana ng pasahero nyo po yung unahin nyo.alam kong mahirap pero papano kung napatay ako? paano kung napahamak ako dahil sa hindi nyo ako nahatid sa tamang lugar na binayaran ko,hindi rin nagbalik ng pamasahe.. ganun ba yun? pag hindi convenient hindi nyo kami ihahatid samantalang nag hintay kami sa pila para makasakay sa inyo..tapos pg hindi nyo bet hindi nyo kami hahatid, kapag hassle sainyo ganon ba yun? :(

naiiyak ako hindi ko ma explain halo halo ang feelings. girls please humanap kayo ng ganitong bell para sa kaligtasan nyo na rin 50 lang bili ko sa divisoria napakalaking tulong lalo na sa hindi mo inaasahang panahon..

nakaka trauma sobra :'(

paki share na lang po para atleast kahit paano maging aware yung iba.

takot na takot ako sobra. :(

p.s mataba ako hindi ako kagandahan, pero ang akin lang walang pinipili ang mga manyakis sa mundo kahit sino gagawan ng masama kapag tinamaan ng kamanyakan.. baka kasi i bash nyo ako..






Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Miss Hatid Na Kita.. Miss saan ka umuuwi" Isang Babae Ang Nakaranas Nang Harrassment Sa Tatlong Lalake Mabuti Na Lang At May Ganito Siyang Dala. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento. "Miss Hatid Na Kita.. Miss saan ka umuuwi" Isang Babae Ang Nakaranas Nang Harrassment Sa Tatlong Lalake Mabuti Na Lang At May Ganito Siyang Dala. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento. Reviewed by Tunying on August 20, 2017 Rating: 5

No comments