-->

"I Received This Video From Your Bestfriend Na May Ka-momol Ka And You Calling Me Things Like P**sy" Hindi Akalain Ng Lalake Na Ito Matapos Niyang Seryosohin Ang Girlfriend Niya Ay Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Basahin Niyo Po.




"I Received This Video From Your Bestfriend Na May Ka-momol Ka And You Calling Me Things Like P**sy" Hindi Akalain Ng Lalake Na Ito Matapos Niyang Seryosohin Ang Girlfriend Niya Ay Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Basahin Niyo Po.

Matapos mag-viral ang post ni Aly patungkol sa mga kasalanan niya sa lalakeng sumeryoso sa kanya. Heto naman ang kwento ni Tony ang kanyang ex basahin niyo po ang kanyang confession at talagang maiiyak kayo at manghihinayang sa relasyon nila. Makikita niyo kung gaano kaswerte ni Aly sa kanya pero nagawa pa rin siyang lokohin nito.

To my "could've been", Aly.

Narinig ko na pinost mo pala yung story natin. How we met, how I became yours and how e fell to our trench-deep mistakes. Hello, ako si "Tony." and oo, masakit.

When we first matched on Tinder, I was shocked because never have I ever imagined na may makaka-match akong katulad mo na sobrang ganda. Siyempre para sa 'tulad ko na hindi naman gwapo it was truly a shock to my system that someone like you would look down from the heavens and reach for my ragged hands. Ganun ako ka-hopeless romantic that even small matches on Tinder gets me at the edge of my seat.

Chinat kita and you replied. You. Fucking. Replied. 'Di ako makapaniwala noon kasi sa mga nakakamatch ko dati, lagi akong snob or ina-unmatch pero ikaw nireplyan mo ako and when I asked your Facebook account, you gave it to me right away. Summer nun and sobrang init pero kapag nakikita ko yung ngiti mo parang okay lang maging summer forever. Nahiya pa ako makipag-video chat nun kasi nga ang pangit ko pero sabi mo cute naman ako kaya okay lang. Ang saya saya ko kapag kausap kita lalong lalo na nung first date natin. Nanood tayo ng Batman v Superman kahit alam ko na hindi ganun yung mga type mo na movies. 

Thank you kasi sinakyan mo trip ko and I'm sorry kung wala akong ibang binanggit kundi yung mga nangyari sa movie pero gusto talaga kita makilala nun kaya sinet aside ko muna yung pinanood natin.

Niyaya kita kumain but you refused kasi sabi mo uuwi ka na. Nahirapan pa tayo kasi hinanap pa natin kung saan ako nag-park kasi nakalimutan ko.

Hinatid kita nun sa dorm mo tapos pinapasok mo pa ako and the most amazing moment of my life just happened: you didn't just kiss me, you made out with me and touched me. Parang feeling ko sasabog ako plus my pawis and kaba. Pero ayoko kasi ayoko magrush. Ayoko madaliin kasi gusto kita ligawan. Gusto kita seryosohin. Gusto kita maging girlfriend. Ayun na yung chance ko eh kaya sabi ko gagawin ko na kasi nga gusto kita. Ilang buwan ng kulitan, tawanan and inis mo sa akin, sinagot mo din ako. After natin nun manood ng movie, nilakasan ko na loob ko, nagspeech ng pagkahaba-haba na ilang beses kong kinabisado at tinanong ka:

 “Ally, tayo na ba?” Ngumiti ka. Tapos sabi mo:

“Oo naman. Mukha bang hindi?” 

Sobrang saya ko nun. I don’t have words kaya napangiti na lang din ako and napatawa na para pa akong maiiyak. ‘Tangina, first girlfriend ko sobrang ganda, makulit, ang bait. Ang swerte swerte ko naman. Parang nasayo na yata lahat. Until that time na nagtweet ka na gusto mo ng glazed doughnuts. Gusto sana kita bilhan nun pero wala pala akong pera kasi naubos na sa mga gamit ko and sa uniform ko but I still managed to salvage of what’s left from my wallet and savings to somehow, surprise you pero ako pala yung nasurprise.

Pagpasok ko sa room mo sa dorm, nags*s*x kayo ng sabi mong ex mo. Nanlabo yata mata ko nun kasi hindi ko ma-process yung nangyayari. Bigla kayong nagtakip ng kumot or kung ano mang makita niyo tinakip niyo sa sarili niyo. Naririnig ko yung kabog ng dibdib ko sa tenga ko. Tapos gulat na gulat ka. Hindi ko alam ire-react ko nun kasi hindi ko akalain na kaya mong gawin sa’kin yun kasi akala ko mahal mo ako. Nasuntok ko pa ex mo. First time ko manuntok puta ang sakit sa kamay. Nung umalis siya, ikaw pa din gusto ko paniwalaan kaya insip ko na baka nirape ka pero hindi, tangina, naggive in ka mismo, na ginusto mo pala. 

Sobrang gulo ng utak ko nun kasabay pa ng deadlines, plates, lack of proper sleep, umiyak na lang ako tapos umalis na. Sa jeep nakatulala lang ako parang mawawala yata ako sa sarili ko. Ilang weeks kitang hindi kinakausap kasi putangina galit na galit ako sa’yo. Minahal naman kita, ginagawa ko gusto mo, pinapasaya naman kita hangga’t kaya ko. Pinupuntahan kita kapag gusto mo makipagkita kaya kailangan ko tapusin ng maaga plates ko. Pinipilit kong isiksik yung lahat para lang hindi ka magalit o magtampo kasi Aly, mahal kita eh. Sa ilang linggong yun, sabi ko kakalimutan ko na lang yung nangyari and aayusin ko yung relationship natin. Sabi ko ‘wag ka mag-sorry. ‘Wag ka na magsabi ng reason kung bakit mo nagawa. Ayusin na lang natin yung relationship natin kung talagang mahal mo ako and you agreed.


Months passed and bumalik tayo sa dati. Isang beses niyaya kita manood ng sine pero ‘di mo ako sinipot nun kasi sabi mo may emergency with your bestfriend so sabi ko okay lang kaya ako na lang nanood magisa. Kinabukasan nagpunta ako sa dorm mo and nakita ko na naginuman lang pala kayo ng mga kaibigan mo. Akala ko may emergency? 

Parang ang saya saya niyo pa. I confronted you tapos ikaw pa yung nagalit. Hinahayaan lang naman kita kasi may tiwala ako sa’yo and sana sinabi mo yung totoo. Sayang yung flowers na binili ko nun pero 'di ko na sinabi para hindi na lumaki yung away. Kahit madalas yung away, iniintindi kita kasi gusto ko magbago ka. 

Until that night came, hindi lang ako sumama sa bar dahil may deadline bukas ng plates and wala akong pera. 3am gising pa ako, tinatapos ko plate ko. i received this video from your bestfriend na may ka-momol ka and you calling me things like “pussy” at marami pang bagay na alam mong masakit. Gladly, natapos ko plate ko but I almost ruined my defense kasi hindi ko maalis sa utak ko yung video. I went straight to your place kasi hindi ko na kaya. i always clean up your mess at ako na lang lagi sumasalo. Ang sakit na Aly, hindi ko alam kung saan ako nagkulang. 

I thought everything was great. Ang tanga tanga ko na kasi ilang beses na kita pinapatawad pero ganyan ka pa din. Nung naghiwalay tayo, ang hirap. Totoo pala na mahirap mag-move on. Siguro ngayon masasabi ko na okay naman na ako, still single nagaantay lang. Part of me still misses you and our memories together pero hindi naman ibig-sabihin na namimiss mo ehh mahal mo pa. I still have our photos together some of them I got printed para maitago ko.

I still wish the best for you, alam mo 'yan. Sana okay ka ngayon, sana masaya ka. Nakaka-stress sa work but always take a good rest. I promised you before that I would never ever hurt you hanggang ngayon na wala na tayo and I hope, I hope na sa susunod na boyfriend mo, 'wag na maulit yung nangyari sa ating dalawa. Sana hindi ka niya lokohin and saktan. Sana maging masaya kayo and nothing will come in your way. I love you.

Tony
COA, LPU-Cavite
2016


Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"I Received This Video From Your Bestfriend Na May Ka-momol Ka And You Calling Me Things Like P**sy" Hindi Akalain Ng Lalake Na Ito Matapos Niyang Seryosohin Ang Girlfriend Niya Ay Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Basahin Niyo Po. "I Received This Video From Your Bestfriend Na May Ka-momol Ka And You Calling Me Things Like P**sy" Hindi Akalain Ng Lalake Na Ito Matapos Niyang Seryosohin Ang Girlfriend Niya Ay Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Basahin Niyo Po. Reviewed by Tunying on August 10, 2017 Rating: 5

No comments