"Hindi Ko Alam Pano Nagsimula.. Pero Ang Mahalaga Lalaban Tayo" Dumaranas Siya Ng Sakit Na High Grade Non Hodgkin's Lymphoma At Siya'y 15Y/O Lamang. Basahin ang Kanyang Kwento At MA-INSPIRE.
"Hindi Ko Alam Pano Nagsimula.. Pero Ang Mahalaga Lalaban Tayo" Dumaranas Siya Ng Sakit Na High Grade Non Hodgkin's Lymphoma At Siya'y 15Y/O Lamang. Basahin ang Kanyang Kwento At MA-INSPIRE.
Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang kwento sa social media matapos siyang madiagnose ng sakit na Non Hodgkin Lmyphoma.
Ikinwento nya din kung paano nagsimula ang kanyang sakit at kung ano ano ang mga pinagdaanan nya habang ginagamot ang kanyang sakit.
Basahin naten ang kanyang kwento:
Hiiii! 💕 di ko alam bakit ako nagising ng gantong oras siguro para makapag share ng experience i kiclear ko lang din po na genetic yung sakit ko natrigger lang sa lifestyle ko(High grade non hodgkin's lymphoma(TYPE OF CANCER)/ for all the people na nagtatanong I'm only 15 po 🙂 )🤷🏻♀️🤦♀️actually pang 3rd life kona to, sobrang shortcut lang nitong story na isheshare ko, di ko alam pano mag start yung kwento kasi diko rin alam pano nag simula lahat to diko rin alam kung kelan matatapos pero ang mahalaga lalaban tayo! 😂 isa lang akong simpleng student-athlete, pingpong , aral, barkada, gala lang routine ko 😂 ohmygad I remember those days kung saan isa akong suwail na anak LOL yung tipong halos umagahin na sa pag uwi pero lahat nabago yon simula nung....
Ang symptoms ko is nag start ng december 2016 konting sikmusikmura lang sya, araw araw yon di nawawala ayaw ko mag pa check up kasi sabi ko baka paggising ko mawala narin yung sakit pero january diko na natiis super sakit na nya after nung check up ko nag take ako ng med ko na pang ulcer at pang h pylori pero feeling ko nun hindi effective kasi hindi nawawala yung sakit tapos napapansin ko na lumalaki yung stomach ko 3 months akong puro sinusuka ko lang kinakain ko yung tipong dalawang subo lang mag vovomit nako nyan pati water hindi rin tinatanggap ng body ko so nag decide na sila mommy ko na mag pa req ng ct scan so nag punta kami ng st lukes for ct scan diba dapat 2 days yung result ang problema wala pa kami sa bahay tinawagan na si mommy ko na need ko ng ipa admit kasi obstracted na yung stomach ko ng tumor hindi na pwedeng patagalin kasi baka pumutok na yung small intestine ko sa laki ng tumor so...
Naoperahan ako last march 2017 lang isa syang major operation 50/50 ako that time kasi ayaw nakong galawin ng doctor hindi nila kaya alam mo yung pinapirma nila yung mommy ko na kahit anong mangyari sakin is hindi namin sisisihin yung mga doctor dahil sinabi ng hindi nila kaya🙄 ako that time alam kong pwede akong mamatay hindi ako kinabahan bago ipasok ng operating room nginitian kopa nga sila bago ako ipasok dun kaya siguro naging okay yung operation ko naging 7 hours yon isang malaking tumor yung nakuha sakin tapos 24 na kulane na nakakalat na sa buong katawan ko 10 dun ay yung nakita sa biopsy na cancer at malignant then that time nilagyan ako ng morphine hindi anesthesia na normal ang nilagay sakin yung mga drugs na ginagamit ng mga adik para 1 day na wala akong maramdaman hindi ako nakapag salita or nakagalaw naka ngt nako nun yung tubo na simula nose hanggang stomach saka tinanggalan ako nun ng part ng bituka then pinag dugtong lang pero ang dapat gagawin bubutasan yung tyan ko tapos ilalawit yung bituka ko dun nalang ako dudumi and so on thank God na napag dugtong nila tapos tinanggal narin appendix ko. After non naging okay nako tapos hindi kami sumunod na mag chemo so nag alternative ako for 4 months lahat don bawal kailangan organic kinakain 4 months kong tiniis na hindi mag kanin tinapay basta anything na nag poproduce ng sugar kahit nga matamis na fruits bawal ako. Pero alam mo umulit din yung bukol ko nag metastasis sya pero this time sa ureter na rin may tumubo so yung right kidney ko pumutok kasi hindi nakakakdaan yung liquids na tinetake ko because of lymph nodes, sumusuka nako ng dugo non as in mabahong dugo kasi pumuputok na yung mga ugat ko sa tyan. Pero again that time dapat dalawang operation gagawin sakin isang ilalabas ulit bituka ko saka lalagyan ng tube yung loob ng tyan ko sa may kidney, pero after ko lagyan ng primary chemo nawala sya so nakaligtas ako ng 2 operation 😊 ako kasi yung chemo ko yung pinakamatatapang na gamot kada cycle, 6 na klase yung gamot na nilalagay sakin kasama na don yung oral, isa don yung retuximab na isang gamot ko 90k sya isang gamot lang ah kaya siguro agad akong nakalbo kasi combination yung ginamit sakin. Syempre babae ako 😊 hindi mo maiaalis sakin yung feeling na ang pangit ko pag kalbo kaya papakita ko sainyo mamaya yung picture ko na long hair hahaha, pero natanggap ko sya nung time na sinabi sakin ng doctor na maganda yung result ng unang chemo kasi dapat 8 cycle naging 5 nalang ang kailangan. Alam nyo ba yung pakiramdam ng chinichemo yung parang sinusunog ka sa sobrang init, napakasakit sa ulo, sobrang nakaka suka, sobrang madaling uminit ulo lahat makikita mo na hindi naman dapat kainitan ng ulo maiinis ka nalang bigla, mga ilang araw kang di makakatulog at pag may time na makakatulog ka nasa ilang minuto lang tapos hindi yung tulog na malalim alam mo yung nakapikit kalang naririnig mo yung paligid mo pero alam mong tulog ka basta diko maexplain. masakit lagi yung lahat lahat sayo wala kang higa na komportable, yung mga kamay at paa ko laging manhid yung mga ugat ko laging pumuputok sa sakit at pag tusok siguro kung sa tusok lang naka 100 na tusok nako sa katawan yung tipong sanay kana sa sakit😂🤘🏻Saka minsan maiiyak ka nalang pag nakita mo yung mga side effects ng gamot pero hindi kona isheshare yon kasi grabe talaga sya hahahaha😊 basta yon kailangan ko nalang ng 4 cycles konting tiis nalang talaga. Sa mga may pinag dadaanan ngayon don't lose hope po 😊 keep on fighting and praying kasi wala naman tayong ibang malalapitan kundi si God 💕 Godbless po
Saka sobrang thank you sa mga tao nato na hindi nag sasawang tulungan ako simula nung una talaga as in di ako iniwan as in!!!! Marami papo yan diko napo mamemention yung iba
Julieta Diego Cecilia Camuyagg my tita's na sobrang effort
Rosemarie O. Abarcahi ninang! 😁 grabe po tong taong to na kahit hindi naman kami relatives ginagawa nya lahat paraan
Loida C. Basilio lalo nato 😍 kahit na pagod lagi di nag sasawang alagaan ako kahit madalas inaaway ko pero love na love kita
Dana Evans Dana Evans II i don't know if okay lang sayo na imention ka dito but imemention na kita sobrang thank you na nandyan ka palagi para mag paasar sakin 😂 thankful ako na nakilala kita saktong sakto before ako mag chemo 🤦♀️ bessy 😂💕
saka sa JIL po sa mga church na laging nandyan for me, sa mga taong tumulong para ipag pray ako. Sa mga taong tumulong financially diko napo mamemention isa isa sa sobrang dami super thank you po sa inyong lahat!!!
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Hindi Ko Alam Pano Nagsimula.. Pero Ang Mahalaga Lalaban Tayo" Dumaranas Siya Ng Sakit Na High Grade Non Hodgkin's Lymphoma At Siya'y 15Y/O Lamang. Basahin ang Kanyang Kwento At MA-INSPIRE.
Reviewed by Tunying
on
August 23, 2017
Rating:
No comments