Umorder Sila Sa Jollibee At Nakisuyo, Matapos Walang Confirmation Sa Kanilang Order Hindi Nila Inaasahan Na Ganito Ang Mangyayari.
Umorder Sila Sa Jollibee At Nakisuyo, Matapos Walang Confirmation Sa Kanilang Order Hindi Nila Inaasahan Na Ganito Ang Mangyayari.
Marami sa atin na dala ng sobrang busy sa pang araw-araw na buhay ay hindi na magawang lumabas, magluto kaya ang pinakamabilis na paraan ay umorder na lang ng pagkain at ipadeliver sa bahay o opisina pa yan. Minsan nadedelay sila o nagkakaroon ng aberya pero isa pa rin ito sa pinaka-effective para sa mga busy na tao. Bilang isang ina kapag nagkakasakit ang anak, hindi nila ito kayang iwan pero paano kung ikaw lang ang tao sa bahay at wala ka nang mauutusan para sa gamot na kailangan? Naisipan ng isang nanay na ito na gamitin ang delivery ng isang sikat na fast food chain sa Pilipinas para pakisuyuan na rin ang gamot ng kaniyang anak. Basahin niyo po ang kanyang kwento.
Nagbakasakali lang naman ako ☺️
Nilagnat si Gabby kaninang madaling araw pero bumaba din bandang 6 a.m. kaya nakatulog ulit kami. Paggising ko around 8 a.m. chineck ko temperature nya 38.6. Pag nag 38 na temp nya panic na ko nyan. Wala na pala kaming stock na Tempra kaya nag message ako sa mga kapatid ko kung pupunta ba sila dito sa bahay. Hindi kasi ako makalabas dahil walang magaalaga kay Gabby. Kaso mukang tulog pa sila.
Sa sobrang desperado ko, naisip ko yung nakita kong post dati sa facebook na nag order sa Jollibee tapos nagpasabay na din magpabili ng Paracetamol. Kaya nag order ako online then nilagay ko sa Remarks na kung pwede magpabili ng Tempra drops para sa 1 year old baby ko. Hindi na ko umaasa na pagbibigyan ako kasi wala akong nareceive na confirmation email sa order ko. Eh pag checkout, may nakasulat don na makakareceive ako ng confirmation email. More than 20 minutes na wala pa din. Pinakain ko na lang muna si Gabby baka sakaling bumaba temperature nya.
Nagulat na lang ako may nagsalita sa pinto ng "Jollibee po". Pinapasok ko si kuya. Nilabas nya yung order ko pati yung Tempra. Naiiyak talaga ko pagkakita ko non kasi hindi ko inexpect na pagbibigyan ako.
Sobrang salamat talaga Sir Aaron. Hindi sya nanghingi ng kahit anong kapalit. Tinanong ko siya kung anong pwede kong gawin para sa kanya. Sabi niya, sulatan ko na lang ng commendation yung likod ng resibo. Nagrequest na din ako kung pwede ko siya picture-an para makita ng Jollibee kung anong ginawa niya. ❤️
Maraming salamat, Jollibee at meron kayong rider na hindi lang basta nagdedeliver ng order. May puso din ❤️ Pakicommend naman si Sir Aaron😊 Sobrang laking tulong ng ginawa niya para mabawasan pagaalala ko sa anak ko.
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Umorder Sila Sa Jollibee At Nakisuyo, Matapos Walang Confirmation Sa Kanilang Order Hindi Nila Inaasahan Na Ganito Ang Mangyayari.
Reviewed by Tunying
on
July 26, 2017
Rating:
No comments