"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
Sa buhay ng isang babae, masasabi niyang kumpleto na ang kanyang pagkatao kapag nagkaroon na siya ng isang anak. Hindi madali ang maging isang ina, lalo na kapag sa murang edad. Hindi lang kinabukasan mo ang iisipin mo kundi ang bagong buhay na iyong dinadala. Maraming teen mom ngayon ang hirap sa pagpapalaki sa kanilang anak dahil dala na rin ng murang edad at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya hirap para buhayin ang kaniyang anak. Hindi lang yun ang madalas problema ng isang teen mom pati na rin ang mga hindi magandang sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kanila. "Ang agang lumando" " Ano ipapakain niyan?" etc. Pero hindi ang teen mom na ito, na nagsisikap para sa kaniyang pamilya. Isa siyang estudyante sa umaga, working mom sa gabi at responsableng nanay sa kanyang anak. Basahin niyo ang kanyang kwento at ano ang kanyang mensahe sa mga taong may hindi magandang sinasabi sa sitwasyon niya.
Working student / teen mom

Sa umaga studyante sa gabi crew at syempre mommy's duty din. Oo tama bata pa ako 17years old at teen mom, maliit na bata muka daw akong elementary

Papasok ako sa school ng 6:30 am hanggang 1:30 pag ka tapos diretso na sa work 2pm hanggang 9:30 syempre makakauwe nako mga 10:30pm minsan panga 11pm na. Ang hirap kase medyo nawawalan ako ng oras sa mga taong mahal ko sa buhay. Lalo na sa baby ko na medyo masakit lang kase di nya mabigkas yung salitang mommy pero yung mga salita na daddy at iba pa nasasabe nya pero yung mommy hindi



at alam ko balang araw maiintindihan nya din yung mga ginagawa ko . Sana lahat ng ginagawa ko sa huli maging worth it at sana may mapuntahan

Puyat, sulat, trabaho di ko alam na magagawa ko to haha



katulad ng sinabe ng isa kong teacher na nagulat sya dahil pag labas ko ng school diretso na trabaho sabe nya kahit anong mangyare pagpatuloy ko daw pag aaral ko kahit anong problema na dumaan wag daw ako sumuko




Kaya sa mga nawawalan ng pag asa dyan na di porket maaga nag ka anak wala ng kinabukasan maraming paraan marami kang pwedeng gawin para ipagpatuloy yung nahintong pangarap
🖒 kung hindi ka madadapa hindi ka matuto.
Mag sikap para maabot lahat ng pangarap sa buhay at pangarap para sa mga taong mahal mo sa buhay


Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
Reviewed by Tunying
on
July 25, 2017
Rating:
