-->

"Kapkapan niyo yan baka mamaya may mga ninakaw sa loob ng bahay yan" Matapos Tumulong Ang Isang Fire Volunteer Group Ito Pa Ang Natanggap Nila.




"Kapkapan niyo yan baka mamaya may mga ninakaw sa loob ng bahay yan" Matapos Tumulong Ang Isang Fire Volunteer Group Ito Pa Ang Natanggap Nila.


Sa panahon ngayon mahirap nang makakita ng libre, lahat halos may bayad o sweldo para gampanan nang maayos ang kanilang trabaho. Kaya malimit na lang sa tao ang magvolunteer sa isang bagay o organisasyon. Kaya nga nakakahangga sila lalo na ang mga bumbero na handang ilaan ang buhay nila para sa iba. Pero tama ba na ganituhin sila ng isang owner o naninirahan sa isang bahay? Matapos tumulong at makarinig ng SALAMAT ay ganito pa ang kanilang natanggap. Basahin niyo po ang kwento ng isang HEPE ng volunteer group na tumulong sa nasusunugan sa Corinthian Gardens.
Shout out sa Admin and sa may ari ng bahay na nasunog kanina sa Corinthian Gardens kanina.. July 8 2017.. 
Nangyari ito mga bandang alas 3 ng hapon, may tumawag sakin at sinabing may nakikita syang malaking usok bandang corinthian gardens.. kaya agad kong ini-radio sa federal base.. maya maya pa pinukol na sa radio na may verification. 
Nasa brgy. Santolan ako ng mga oras na yun.. kaya ginawa ko nakipag convoy ako kila Santolan pumper Joseph Habagat, pag dating ko palang sa gate ng corinthians.. pinigilan nako ng mga guard at sinabe.. bawal daw ang private cars pumasok sa loob.. sabi ko sa guard.. boss consideration nalang.. may sunog naman.. FIRETRUCK KO nasa loob na ng village nyo.. pupuntahan ko lang mga kasamahan ko.. nagpakilala pako ako ang HEPE ng grupo namin.. pinakitaan ko ng identification card at sabi ko na iiwan ko id ko sakanila.. kaso talagang ayaw nila pumayag.. kaya nag pasya ako diretsohin at iwasan nalang yung guard na humaharang tsaka ko sinabe.. habulin nyo nalang ako sa firescene tska tayo dun mag usap.. 
Pag dating ko sa firescene.. nag asses nako ng buong bahay, napansin ko may mga guard na nasa gate ng bahay.. may mga bumbero na pumasok at lumalaban sa loob ng nasusunog na bahay.. mamaya maya pa.. may narinig ako na isang lalaki sumisigaw.. kapakapan nyo yan bka mamaya may mga ninakaw sa loob ng bahay yan.. napatigil ako at napaisip.. mamaya pa.. isa isa na naglapitan mga Bumbero na naka kilala sakin at sinasabe na Alpha Pullout na tayo.. masama tabas ng dila ng mga tao dito.. pinag mumuka tayo magnanakaw dito.. 
Kaya agad agad ako nag bigay ng command na pull out lahat ng bumobomba sa loob.. pati sa radio nag advise ako na all federal 41's na nasa loob magsi labas kayo at pullout na tayo.. mahirap na baka meron gamit sila di makita, ang sisihin eh tayo mga rumisponde at tumulong sa bahay nilang nasusunog.. 
Para sayo admin AND security guard na nasa white plains gate: oo naka private car ako.. pero nagpakilala naman ako sainyo.. nakita nyo naman mismong driver ng firetruck na ka convoy ko ang nag sabi papasukin ako at kasamahan nila ako.. pero talagang nag matigas ka... naiintindihan ko yung security purposes.. pero sinabe ko sainyo na sarili kong firetruck nasa loob na ng village nyo.. wala kayo consideration sa mga gstong tumulong sa nasasakupan nyo.. 
Para naman sa may ari ng bahay: oo mayaman ka.. sabihin na natin na mamahalin lahat ng gamit mo.. pero pumunta kami para tumulong at umapula ng apoy.. hinde para mag nakaw.. ganyan po ba tingin mo saaming mga volunteer?? Muka ba kami walang pera? Muka ba kmi kriminal sa paningin mo? Muka ba kmi magnanakaw??? Gusto lang namin ipaalam saiyo.. lahat po ng ginagastos namin, lahat po ng gamit namin.. ultimo FIRETRUCK... SA SARILING BULSA NAMIN NANGGALING LAHAT NG MGA PINANGBILI NAMIN.. Eh kung ganyan po tingin mo samin.. buti nga sayo nasunugan ka.. masama pala ugali mo.. wag po sana dadating ulit ang pagkakataon na mangailangan ka ulit ng tulong.. sa yaman mo po.. bumili ka nalang din ng sariling firetruck para d kana tatawag sa bumbero at hihinge ng tulong.. nakaka walang gana kayo respondehan.. tumutulong kmi ng libre.. ganyang asal pa papakita nyo saamin.. wala po kmi hinihinging kapalit sa mga tulong na ginagawa namin... SIMPLENG PAG SABI LANG NG THANK YOU.. masaya na kmi at masarap na sa pakiramdam namin na alam namin naka tulong kami.. pero kabaliktaran po ginawa mo.. 
Ang yaman hinde nadadala sa hukay.. wag po kayo masyado matapobre.. pare-pareho lang po tayo anak ng dyos.. 
Sa puntong ito.. kami mag papasalamat sayo.. buti nalang nag pullout agad kmi.. d kami na trafik at inabot ng rush hour pauwe sa base.. kaya THANK YOU PO!
Sa lahat po ng rumisponde at nag 78 sa 70 kanina.. maraming salamat po!!!!! 
#buhaybumbero
#buhayvolunteer
#wedoitforfree






Ano pong masasabi niyo sa ganitong pangyayari?



Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Kapkapan niyo yan baka mamaya may mga ninakaw sa loob ng bahay yan" Matapos Tumulong Ang Isang Fire Volunteer Group Ito Pa Ang Natanggap Nila. "Kapkapan niyo yan baka mamaya may mga ninakaw sa loob ng bahay yan" Matapos Tumulong Ang Isang Fire Volunteer Group Ito Pa Ang Natanggap Nila. Reviewed by Tunying on July 08, 2017 Rating: 5

No comments