-->

'FAMILY PLANNING at SEMINAR' There's Nothing Wrong On Getting Married Early.



'FAMILY PLANNING at SEMINAR'  There's Nothing Wrong On Getting Married Early. 

She knows the key to a "Happy and Complete Family" is LOVE, TRUST and RESPECT this are the three foundation from the both of them and the center of this is our LORD, GOD who is the witness of our wedding. When it comes to saying MARRIAGE it does not mean that you will have a child instantly, there are FAMILY PLANNING and SEMINAR of the Church to teach us the importance of marriage. Let's read her post.

Read:

June 16, 2017 πŸ‘©‍❤️‍πŸ‘©
"Ang aga mo namang ikakasal"
"Kagagraduate mo pa lang,kasal agad?"
"Halla, mag isip ka muna ng maigi"
"Huwag na muna, enjoyin mo muna pagkadalaga mo"
Yan yung mga narinig ko sa mga taong napagsabihan ko na ikakasal na ako. πŸ˜‚ Yung mga kaibigan ay natuwa pati na rin family ko kasi atlast daw makapagsisimula na ako ng isang " Happy & Complete Family " and "Certified Misis Galeng" na ako
December 16,2013 nung sinagot ko siya. 16 Years old ako nung naging kami at ang asawa ko ay 18 years old. Isang buwan niya akong niligawan, 3 years & 6 months na pagiging mag kasintahan, pero 1 year & 8 months kaming LDR kasi kinuha silang lahat ng papa niya sa Maryland, US at kakauwi niya lang noong April 27,2017.


Kagragraduate ko lang sa College nung June 07,2017 , ang course ko ay BSEd Major in Filipino. Actually siya yung sumama saking nag martsa nung graduation ko, yung parents niya pala nagpaaral sakin nung 2nd Year College ako at nung nakapunta na siya ng US siya na nagpaaral sakin, binigay mga kailangan ko at inalagaan ako kahit malayo siya ☺️
At first di ako naniniwala sa sinasabi niyang magpapakasal kami, akala ko biro biro lang kasi magaling mang-asar yun eh kaso nung pinakita niya yung Box ng singsing sakin (hindi yung mismong singsing) eh bigla akong kinabahan na masaya πŸ˜‚ tapos wala pa siyang isang araw dito sa Pinas eh pinagplaplanuhan niya na ang kasal namin ☺️ So ang napili nga namin ay June 16,2017 para June Bride daw πŸ‘°πŸΌ Bongga!


Lagi ko siyang kinukulit kung uuwi ba sina Mama Dungngo Angie , Papa Biagko Orland , Kuya John,si at Gianne Ley pero hindi daw sila uuwi, ang alam ka lang na uuwi eh si Marie Nicole pero kasabwat din pala siya ☺️, kaya parang nalungkot ako kasi magpapakasal kami wala sila para masaksihan yun.
Nagkaroon kami ng maliit na problema sa Venue ng kasal at sa Invitation kaya parang nabitin kami sa halos 1 month na pagplaplano ng kasal buti na lang nandiyan sila tita Cristina at tito andy na tumulong samin, umasikaso sa halos lahat ng kailangan namin at syempre ang family ng asawa ko.
Actually hindi siya nagpropose sakin ng maayos pero binalak na pala niya naudlot lang kaya pinagplanuhan niya yun sa araw ng Pren-up shot namin sa Bantay Church, Vigan sa harap ng napakaraming mga tao. Ganun pala yung feeling noh? Yung magpropropose siya sayo at maiiyak sa sobrang saya. Hanggang sa araw na ng Kasal namin, may dumating na isang white na van saktong kagigising ko pa nun at nung binuksan ang pintuan nagulat ako dahil nakita ko na sila mama angie at papa orly pati na rin ang hipag ko si Gianne, napaiyak na lang ako sa sobrang saya at sa surprise na ginawa nila πŸ˜‚ Hayss
June 16,2017 ito na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko, yung nagkasama kaming tatlo nila Mama Zenida Perez Paguel at Papa na hinatid nila ako sa harap ng simbahan na umiiyak dahil sa sobrang saya, alam ko na masayang masaya sila para sakin dahil may mag-aalaga na sakin at makapagsisimula na ako ng sarili kong pamilya ☺️
I'm 19 years old and my husband is 21 years old at very young age we got married. πŸ’• Kapag sinabing KASAL hindi kasi ibig sabihin na magkakaroon na kayo ng anak, kaya nga may FAMILY PLANNING at SEMINAR ng Simbahan para maturuan kami kung ano ang kahalagahan ng pagpapakasal.


LOVE, TRUST & RESPECT πŸ’– ito yung tatlong pundasyon naming dalawa at ang SENTRO nito ay ang PANGINOON na siyang naging saksi ng aming pag iisang dibdib ❤️ Hindi ako nagsisising nagpakasal ako ng maaga, dahil alam kong siya yung pinakita at ibinigay sakin ni God na taong magiging katuwang ko habang buhay. Siya yung tutupad sa pangarap kong " HAPPY & COMPLETE FAMILY " ☺️
Nagpapasalamat ako kay LORD dahil ginamit niya ang ate ko Erine para magkakilala kaming dalawa, sobrang napakabait lang talaga niya dahil kahit anumang problema ang kinaharap namin noon hindi niya kami pinabayaan at mas lalo pa niya kaming gabayan para kumapit sakanya ❤️πŸ‘†πŸ»Hindi man ako ganun kaswerte pagdating sa sarili kong pamilya, blessed naman ako sa napakarami kong kaibigan, mga ate at kuya lalo na ngayon may sarili na akong Pamilya, yun ang ang FAMILY GALENG ☺️
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa aming pag-iisang dibdib ☺️ Mga Ninong, Ninang, Sevidal Family, Paguel Family, Perez Family, Oligan Family, Galeng Family, Mirasol Family & Friends πŸ’•πŸ’–
Mrs. Zaira Joy S. Galeng nga pala ☺️ signing off




Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
'FAMILY PLANNING at SEMINAR' There's Nothing Wrong On Getting Married Early. 'FAMILY PLANNING at SEMINAR'  There's Nothing Wrong On Getting Married Early. Reviewed by Legit on July 15, 2017 Rating: 5

No comments