Nag-aapply Ang Lalakeng Ito Nang Mapansin Ng Guard Na Nakatsinelas Lang Siya. Hindi Niyo Aakalain Ang Ginawa Ng Guard Sa Kanya.
Nag-aapply Ang Lalakeng Ito Nang Mapansin Ng Guard Na Nakatsinelas Lang Siya. Hindi Niyo Aakalain Ang Ginawa Ng Guard Sa Kanya.
Marami sa atin ang hirap maghanap ng trabaho, marami rin ang kapos dahil sa kawalang trabaho kaya kapag nag-aapply ay hirap sa tamang suotin. Madalas sa mga kumpanya kapag hindi ka naka-ayon sa kanilang dress code sa pag-aapply sa guard pa lang ay hindi ka na makakapasok.
Tulad sa kumpanya na pinag-aapplyan ng isang netizen, nakita niya ang isang applicant na kinausap ng guard at tinanong kung anong sadya dahil nakasuot lang ito ng tsinelas. Dahil bawal nga ang suot akala niya ay papauwiin ang lalake ng guard pero di siya makapaniwala sa ginawa ng guard na ialok ang mismong sapatos nito para makapasok ang applicant dahil siguro alam ni manong guard ang hirap ng buhay kapag walang trabaho at ang hirap na dinaranas kapag nag-aapply ka pa lang. Saludo sa manong guard.
Hello, so habang naghihintay ako kanina para sa interview ko for internship, lumabas muna ako sa office kasi walang available na upuan sa loob.
Habang nakatayo ako sa labas, may dumating na applicant tapos tinanong siya nung gwardya kung anong kailangan nya, ganito.
Non verbatim
Applicant: Boss, magpapasa po ako sa loob.
Kuya Guard: Ano yun?
Applicant: Medical po.
Kuya Guard: Ano yun?
Applicant: Medical po.
Tapos tinignan ni kuya guard si kuya na naka tsinelas lang. Siyempre dahil bawal pumasok sa loob ng office na naka tsinelas akala ko pagsasabihan siya or pababalikin nalang kasi naka tsinelas nga. Tapos, biglang sinabi ni kuya na:
Kuya Guard: Ito, isuot mo 'tong sapatos ko para makapasok ka.
GUYS NAIIYAK AKO KANINA DAHIL OO, ITONG MGA TAONG 'TO AY NAG EEXIST PA SA MUNDO. Itong mga taong 'to na may mga mabubuting puso na sinasabi nating bilang nalang, I encountered one of them today at naniniwala ako na marami pa sila. Siguro para sa iba maliit na bagay lang ang pagpapahiram ni Kuya Guard ng sapatos nya dun sa applicant pero para sa akin, at para sa taong natulungan nya, napakalaking bagay na nun. Malay ba natin kung yung trabahong yun ang pinakahihintay ni kuya na naka tsinelas? Syempre hindi natin alam ang kwento ng ibang tao. At siguro, hindi rin ito ang unang beses na ginawa ni kuya guard ang ganung bagay.
I am posting this to inspire people to also do good. Sana sa araw araw na may nakikilala at nakakasalubong tayong tao, sana wag tayong maging maramot, wag tayong maging mapang husga. Sana marami pang tao ang kagaya ni kuya.
Mabuhay ka, kuya guard! God bless you po.
*di ko nakuhaan ng picture yung saktong pangyayari kasi tinitignan ko lang talaga sila. hindi ko rin alam kung anong pangalan ni kuya guard. dibale aalamin ko.
Yun lang, maraming salamat. 💓
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Nag-aapply Ang Lalakeng Ito Nang Mapansin Ng Guard Na Nakatsinelas Lang Siya. Hindi Niyo Aakalain Ang Ginawa Ng Guard Sa Kanya.
Reviewed by Tunying
on
August 12, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment