"Anong Friends Sa EX? Haha Sus. Wala Kayong Maloloko Dito." Anim Na Taon Sila Ng Boyfriend Niya Pero Hindi Niya Akalain Na Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Alamin Niyo Po Hanggang Huli.
"Anong Friends Sa EX? Haha Sus. Wala Kayong Maloloko Dito." Anim Na Taon Sila Ng Boyfriend Niya Pero Hindi Niya Akalain Na Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Alamin Niyo Po Hanggang Huli.
Posible nga ba na maging magkaibigan ang mag-EX? Yung tipong kaibigan lang walang halong malisya? Walang feelings involve? Maraming nagsasabi na posible naman daw lalo na kung maganda naman yung paghihiwalay at kung pareho na kayong nakamove-on. Paano nga ba masasabi na nakamove-on ka na? Kung nagkaroon ka na ng ibang karelasyon? Kung masaya ka na sa bago mong relasyon? Masasabi nga ba natin na OVER ka na sa kanya dahil lang dito? Basahin niyo ang kwento ni Tinay. Ang boyfriend niya ay kaibigan pa rin ang EX. Dahil sa may tiwala siya sa EX niya at masaya naman sila hindi niya lubos akalain na ganito ang gagawin sa kanya. BASAHIN.
FRIENDS WITH THE EX
My boyfriend is still friends with his ex.
6 years na kami ng boyfriend ko and alam friends pa sila ng ex nya. Yung ex na yun is his first girlfriend. Nagkaron naman sya ng ibang girl after her pero di sila magkaibigan.
I know that it is his privacy pero sobrang nacurious lang talaga ako. I opened his phone and chineck ko lahat ng social media account nya and even mga messaging apps (viber, etc.). Nakita ko conversation nila nung bestfriend nyang lalaki.
(Non-verbatim)
Bf: miss ko na si *ex*, pre. Tangina.
Friend: gago pre, bad yan. Pano na girlfriend mo nyan? Para ka na din nagchcheat pag ganyan
Bf: di ko nga alam eh. Mahal ko sya, pre. Alam ko yun sa sarili ko. Pero si ex kasi pre first love yun eh
Friend: hahah tangna men pano yan? Naguusap pa ba kyo ng ex mo?
B: oo, men. Tropa padin kami kasi hs gf ko sya diba? Ayun para kasing kaming magbestfriend nun. Dame din pinagsamahan. Kaya hirap kalimutan. Pero mahal ko gf ko pre. Di ko lang alam bat naalala ku pa ex ko.
F: alam mo men klaruhin mo yang nararamdaman mo kase may masasaktan sa mga ggwin mong desisyon
Tinigilan ko na pagbabasa ko kasi hindi ko na kaya. Tinry ko hanapin conversation nila nung babae, pero deleted. Even sa inbox, wala. Nanginginig na ako at di ko na napigilan nagmessage ako don sa babae.
I messaged her and asked her if nakakausap nya pa bf ko till now. Di naman nya dineny. Inamin nya na naguusap sila. Pero I don't have to worry daw kasi may bf daw sya. And besides, tropa daw sila talaga. Wala daw akong dapat ipagkapagbahala. Naniwala ako and I apologized for being too aggressive. She even invited me to have lunch ganon. But I refused. Sabi ko busy ako sa ojt ko.
Nalaman yun ng bf ko, at nagalit sya sakin. Nakakahiya daw. Kaibigan nya lang naman daw yun bakit daw kelangan ko pa imessage. Wala daw ba akong tiwala sa kanya?? Naiyak nalang ako at nagsorry. Sabi ko, takot lang ako na mawala sya sakin.
I let everything pass. Hinayaan ko nalang. Naging masaya kami for another 2 years. 4 years kami non nung nalaman ko na ""miss"" nya pa ex nya.
Last week lang parang problemado bf ko. Parang may gusto syang sabihin sakin pero di nya magawa. So ako nalang nag tanong. Sabi nya nappressure daw sya sa work kasi nagbago daw sila ng boss kaya daw ang dami pinapaasikaso sa kanya. Naniwala ako kasi workaholic talaga sya. Tinreat ko sya ng dinner sa tagaytay just to lessen his pressure.
All went well and pinagdrive nya pa ako hanggang house namin.
Kahapon galing ako sa kanila may sasabihin sana akong napaka importante. Kahapon ko lang din kasi nalaman yung balita. Pinagbake ko pa sya ng cake. Kasi alam kong paborito nya ang red velvet cake. Pero wala sya sa kanila. Ate nya lang yun nandoon. So ate and me had a little chat.
Sinabi ko na problemado yung bf ko sa work. At yung muka ng ate nya parang hindi convinced.
(Non-verbatim, again)
Me: ayun ate, may balita nga sana ako sa kanya.
Ate: ako muna may ibabalita sayo. Baka magkagulatan tayo.
Me: (kabado) ha? Ano yun? Wala na ba sya work? Okay lang naman yun. Pede ko sya pasok sa work ko since naghahanap din sila ng mga bago
Ate: hindi yun. Okay work nya. Mappromote na nga daw sya. Buntis kasi si *insert ex's name here*. Sya daw tatay. Wala nga sya now kase nasa hosp sinamahan pacheck up yung girl
Me: ohh ganon? Haha di nya nasabi.
Ate: sorry sabe nya ako na daw magsabe sau e. Ano nga ulit sasabihin mo?
Me: wala ate. Chos lang yun. Pasabe nalang good luck sa pagiging tatay
Di na ako nagpaalam kay ate. Derecho alis. Umiiyak ako habang nagddrive pauwi ng condo. Haha. Ang saya diba? Magkaibigan lang daw sila. Oonga. Kaibigan. Kaya pala ganon haha.
Sayang. Buntis din kasi ako, sya din tatay. Pero ok lang. Kaya ko naman to ng mag isa.
Kaya sa inyo dyan, anong friends sa ex? Haha sus. Wala kayong maloloko dito.
Tinay
College of Business Administration and Accountancy
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Anong Friends Sa EX? Haha Sus. Wala Kayong Maloloko Dito." Anim Na Taon Sila Ng Boyfriend Niya Pero Hindi Niya Akalain Na Ganito Pa Ang Gagawin Sa Kanya. Alamin Niyo Po Hanggang Huli.
Reviewed by Tunying
on
August 12, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment