-->

Kahit Hirap Na Dala Ng Katandaan, Isang Lolo Ang Hindi Inaalintana Ang Panganib Sa Kalye At Nagtitinda Pa Rin Kahit Hirap Na.





Kahit Hirap Na Dala Ng Katandaan, Isang Lolo Ang Hindi Inaalintana Ang Panganib Sa Kalye At Nagtitinda Pa Rin Kahit Hirap Na. 

Marami sa atin ang nagsisikap magtrabaho para may panawid pang araw araw. Marami rin na malalakas ang pangangatawan pero hindi nagbabanat ng buto para mabuhay at umaasa na lang sa kung ano ang kaya ng magulang. Kung saan dapat kapag ikaw ay nasa tamang edad na at nakapagtapos ay ikaw naman ang bubuhay sa iyong magulang kapalit ng ilang taong pag-aaruga nila kahit pa sabihing wala silang inaasahang kapalit.

Pero sa kwento ni lolo, na halos kilala na ng karamihang kundoktor ng bus pabyaheng Tarlac. Ilang taon na siyang nakikita na nagtitinda ng mineral sa bus kahit pa alam natin na delikado ito sa kanya dahil matanda na siya at maaaring maaksidente sa daan. Maraming netizens ang saksi sa kasipagan ni lolo at nagsasabi na kahit noong estudyante pa lang sila ay nakikita na nila si lolo na nagtitinda at ngayong may trabaho na sila nakikita pa rin nila ang taglay na kasipagan nito.

Nakita ito ng isang netizen na si Catherine De Vera at nakakwentuhan niya habang pauwi. Sa Mismong Bus stop ng Santiago Conception nagtitinda si lolo. Pagka-upload ng kanyang video marami ang nagcomment at gustong tulungan ito. Sana tuloy tuloy ang tulong kay lolo dahil sa ganyang edad dapat ay nasa bahay na lang ito at nagpapahinga. Panoorin niyo po ang kanyang video.


Si lolo ang sipag kahit di na kaya mag tinda ng Mineral water pinipiit parin.

Conductor:
10years nako kondoktor nag titinda parin yan.
yun lang po delikado napo kc baka subsub.

sa mismo Bus stop ng Santiago conception lang xa nag titinda nag iistop over kc mga bus dun.
dalawa dapat ang ishashare kong video ung papunta ako at pauwi ako. ung ke lolo pauwi ako pero ung papunta ako ayaw ko i share baka awayin ako galit na galit ung ali nakatabi ko kc ung lola kinakalbalit ung kondoktor naiihe nadaw mga nasa 80plus na ung matanda naka baston sabi ng apo may pampers naman daw pero makulet un pala puno nadaw di ini istop over sa gasulinahan kasama nia apo nia bumaba nag aalalay.

grabe ung katabi ko galit na galit talak ng talak ung katabi ko babae nasa 50 na cguro edad hay dapat yan may service!!! nakaka abala!!! ng tao!!! parang binili nia na ang bus!!! etc etc. sa 10minutes lang na iihe grave naman itong babaeng ito kako sa icip ko ano banaman ung 10minutes tatanda kadin kako sa icip ko talak ng talak nung papaakyat na matanda halos pagapang sa hagdan iniicip nia rin cguro na medio matagal na xa kaya halos hingal at pagod nagulat xa bkit tumayo ako kita ko sa mukha nia kinuha ko kamay ng matanda para i angat xa mapwersa maka akyat nanahimik ung ali kaya kako ipa Dios nalang inasal ng ale.

kala mo ikakalugi nia ung lola pasalamat ng pasalamat sa kondoktor. at driver.















source

Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Kahit Hirap Na Dala Ng Katandaan, Isang Lolo Ang Hindi Inaalintana Ang Panganib Sa Kalye At Nagtitinda Pa Rin Kahit Hirap Na. Kahit Hirap Na Dala Ng Katandaan, Isang Lolo Ang Hindi Inaalintana Ang Panganib Sa Kalye At Nagtitinda Pa Rin Kahit Hirap Na. Reviewed by Tunying on August 26, 2017 Rating: 5

No comments