-->

"Ingatan Mo Kase Asawa Mo Para Hindi Kumakabit Sa Iba" Message Ng Kabit Di Umano Ng Lalake Sa Legal Na Asawa. Alamin Niyo Po Ang Kwento.




"Ingatan Mo Kase Asawa Mo Para Hindi Kumakabit Sa Iba" Message Ng Kabit Di Umano Ng Lalake Sa Legal Na Asawa. Alamin Niyo Po Ang Kwento.

Maraming pamilya ngayon ang nasisira dahil sa panloloko sa kanilang karelasyon. Maraming bata ang lumalaking hindi nakikilala ang nanay o tatay dahil sa paghihiwalay. Mga relasyong sinisira dahil sa panlalake o pangbabae, kahit ang kasal na nagagawa pa ring sirain dahil sa pangpersonal na kagustuhan. Hindi iniisip ang sinisirang masayang pamilya. 

Bihira na lang ang hiwalayang dahil sa hindi pagkakaunawaan sa panahon ngayon mas madalas kaya naghihiwalay ang mag-asawa dahil sa pangangabit ng isa. Madalas sinasabi kausapin ang dahilan ng paghihiwalay o ang dahilan ng problema, pero may magagawa ba ang maayos na pakikiusap sa 'kabet' kung disedido naman silang ituloy ang palihim na relasyon?

Tulad ng kwento ni Mary Ann matapos niyang kausapin ang babae di umano ng kanyang asawa at matapos magkaayos na iiwas na ang babae ay hindi pa rin pala ito tumitigil. Mga panahong kahit nagbubuntis siya ay nagagawa pa rin siyang lokohin ng kanyang asawa sa iisang babae rin.

Basahin niyo ang kwento ni Mary Ann at tignan ang pinayo ng babae di umano ng kanyang asawa:

Hi Honey Malubay and to my husband, Kerwin Baldazo.

First of all, hello muna sa asawa kong si Kerwin. Kamusta ka na? Hindi ka na makilala ng anak natin, hindi mo man lang kasi madalaw o kamustahin man lang. Lumipas yung ilang araw, weeks, at month na mahigit. Asan ka na? May pinagkakabusyhan ka pa lang iba, yung kabit mo, si Honey.



Nga pala, balita ko magka trabaho kayo ni honey, yung kalandian mo nung buntis pa lang ako. Ngayon parehas kayong dealer sa Solaire. Wow! coincidence? O planado? Kamusta na kayo? Akala ko tumigil na kayong dalawa, hindi pa din pala.



Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga ginagawa niyo? Buntis pa lang ako niloloko niyo na ko. Nag a-out of town pa kayong dalawa. Lagi kaming naghihintay ng anak mo sa bahay, pero late ka lagi umuuwi. Lagi kitang hinihintay makauwi para sabay tayo kumain, pero lagi kang busog pag uwi mo. Lagi pa kayong magka text diba? "Bee" pa nga tawagan niyo. Kaso itong asawa ko magaling din, "Renz" yung nilagay na name mo sa contacts niya. Ang sweet niyo naman! Kinikilig na talaga ako sa love story niyo, thrilling eh ❤️ Through ups and downs, naks! 😍

Honey diba nag usap na tayo last year pa. Kinausap kita ng maayos kasi ayaw ko ng gulo. Ang bait mo pa kausap, kesa naiintindihan mo ko dahil babae ka rin. Sabi ko sayo wag mo ng kausapin yung asawa ko, sabi mo din na titigilan mo na siya, pero pinaabot niyo pa sa point na 'to. Gaano ba kasaya manira ng pamilya? Sa dami ng lalaki na pwede mong landiin, sa may asawa't anak ka pa kumabit. Naaalala ko pa nung sabi mo sa akin, alagaan ko asawa ko para hindi kumabit sa iba. Thank you sa advice bebe girl, sayo pa talaga nanggaling yan no?


Ano bang akala niyo? Wala akong alam? Sa susunod kasi mag ingat kayo, at galingan niyo naman din kasi magtago ha? 😘

Pinipilit niyo sa akin na hindi na talaga kayo nagkikita o nag uusap. Ako pa nga yung mali kasi sabi niyo ako lang yung magulo, dahil wala naman na talaga kayong koneksyon sa isa't isa. Diba pag break time or uwian niyo sa Solaire nagkikita at nag uusap pa kayo? Nakakahiya naman talaga oh. 🙈 Don't tell me na idedeny niyo pa din 'to? Oh ito may video ako.

Okay lang sana kung mag jowa lang tayo, madali lang maghiwalay. Kaso kasal tayo at may anak pa. Sana alam mo yun.

Anyway, to Honey Malubay:

Sana masaya ka sa ginawa mong pag sira ng pamilya namin. God bless ❤️

At para sa asawa ko:

Hi kerwin, thank you and may God bless you too. 😘



PS: Please see photos below for more info! Lol 😂

PPS: Ni report nila yung post ko. Gagawa gawa kayo ng kalokohan tapos hindi niyo matanggap.

PPPS: Tapos ngayon kinukulit niyo ko dahil dito. Ang cute niyo. Si God na bahala, pinag dasal ko na kayo. 🙏🏻😘




















Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Ingatan Mo Kase Asawa Mo Para Hindi Kumakabit Sa Iba" Message Ng Kabit Di Umano Ng Lalake Sa Legal Na Asawa. Alamin Niyo Po Ang Kwento. "Ingatan Mo Kase Asawa Mo Para Hindi Kumakabit Sa Iba" Message Ng Kabit Di Umano Ng Lalake Sa Legal Na Asawa. Alamin Niyo Po Ang Kwento. Reviewed by Tunying on August 31, 2017 Rating: 5

No comments