"We've Already Been Through A Lot To Lose Each Other." Sa Mundo Ng Friendship Over Sila Ang Patunay Na May FRIENDS FOREVER. Basahin Niyo Ang Kanilang Nakaka-inspire Na Kwento.
"We've Already Been Through A Lot To Lose Each Other." Sa Mundo Ng Friendship Over Sila Ang Patunay Na May FRIENDS FOREVER. Basahin Niyo Ang Kanilang Nakaka-inspire Na Kwento.
Sa panahon ngayon mahirap na talaga makahanap ng totoong kaibigan. Minsan akala mo totoo ang isang tao pero kapag talikod mo sinisiraan ka na pala. Ang iba naman dahil sa lalake nagkakasiraan ng pagkakaibigan. Yung iba kapag naging busy sa ibang bagong kaibigan madalas iniiwan na ang matagal na pinagsamahan.
Maraming ganyan ngayon sa mga kabataan pero ang kwento ni Han at Ciarah ay ma-iinspire kayo at aasa na sana sa henerasyon na puro likes sa social media ang inuuna merong darating na kaibigan na hindi lang totoo sa'yo kundi ilalabas ang kakayahan mo, mapa-school pa yan o pagkatao mo. Basahin niyo ang kanilang kwento na tiyak hahangaan niyo.
Grade 7 tayo unang nagkakilala. Pinakilala ka sakin ni mama sa faculty room. Mabilis tayong nagkasundo dahil parehas tayong anak ng teacher. Sabay tayong bumababa sa faculty room tuwing recess, lunch hanggang sa uwian. Kasama kita sa lahat ng lalakeng nagkagusto sayo. "Unending Grace" pa nga tawag ko sayo non dahil unending talaga mga manliligaw mo. Haha. Ako rin. Sinuportahan mo pa ako non sa crush ko nung grade 7. Ang talino at ang galing galing mo sa academics. Ginaya pa nga kita kasi nakaka inspire ka from your notes hanggang sa pagtiyatiyaga mo sa projects. Tumakbo ka pang Student Council Auditor kaya lalo akong nainspire. Sinuportahan din kita doon kahit maraming nagdidiscourage sayo.
Grade 8 accidental ata na naging magkaklase pa tayo. Sakto, naging department coordinators din ang mga nanay natin kaya sabay nanaman tayong bumababa tuwing free time. May mga pictures pa nga tayo sa laptop mo sa coors room dahil minsan tayong dalawa lang naiiwan doon. Minsan nga sabay pa tayong napagalitan ng adviser natin dahil late tayo umaakyat ulit sa klase. Kapag may nang-aaway sayo. Nandun din ako sa tabi mo. Kapag sakin naman may nang-aaway. Nanjan ka rin para patahanin ako sa pag-iyak. Ngayong grade ko rin nakilala yung boyfriend ko ngayon. At guess what, nandun ka rin nung una kaming nagkita. Tinapik ako nung lalake sa likod ko tas kinilig ako. Sabi mo sakin "Sus. Balak ka lang tanggalan ng bra nun." Baliw ka talaga. Sa huling araw ng klase, niyakap kita at sinabing mamimiss kita kapag di na tayo magkaklase.
Who would've thought na hanggang grade 9 magkaklase pa rin tayo. Unang araw ng klase busy ka. Ikaw pa naman yung gustong-gusto kong makita nun. Pero dahil Vice President ka na nun ng Student Council. Okay lang. Itong year mo rin nakilala yung lalakeng nagpatibok ng puso mong nagdurugo naman ngayon. Pinakilala mo siya sakin nun. At ang dami nating pinagsamahan na lalo lang nagpa strong sa relationship natin. Mula sa class competitions. Love life, parehas tayong nagkukwentuhan sa heartbreak at sa kilig. Studies, minsan sabay pa tayong gumagawa ng homeworks. Nakabuo tayo ng sariling group of friends. Sabay tayong nambabash sa mga nakakaaway natin hehe at sabay din tayong nag aappreciate ng mga taong mababait sa atin. Sinasama mo pa nga ako sa pagsimba noon tuwing umaga bago mag periodical exam. Lagi tayong tabi sa monthly mass. Lagi mo kong nililibre na sasabihin ko "pautang" pero hanggang ngayon wala pa kong nababayaran kahit isa. HAHAHA.
Hanggang sa dumating yung point na sobrang lungkot mo dahil yung mga nirecruit mo sa studet coucil ay nag baback out. Nag-isip ako ng paraan kung pano ka matutulungan. Tinanong mo ko kung pwede ba akong tumakbo. Sabi ko magpapaalam ako kay mama.
Nagpaalam ako. Pinilit ko si mama. At ang sabi ko sayo "Han, hindi pwede.." At nalungkot ka. Tinuloy ko yung sinabi ko "Hindi pwedeng hindi kita samahan sa pagiging president mo." At niyakap mo ko nang sobrang higpit. At parang naiiyak ka pa non.
Fast forward. Grade 10. Dito tayo lalo naging mas strong bilang tao. Dito parang nagconnect lahat ng broken and missing pieces natin. Sabay tayong naghirap sa student council. Sabay tayong naghirap sa academics. Sabay tayong naging top 10. Sabay tayong sumaya sa apat na sulok ng silid-aralan natin. Sabay tayong umuwi ng gabi sa bahay niyo pa. Haha. Sabay tayong nagdadate kasama mga mahal natin sa buhay. Sabay tayong kumakain. Sabay tayong umiiyak. Sabay tayo tumatae. Sabay tayong nalugmok. Sabay tayong tinalikuran ng mga inaasahan nating magtatanggol sa atin. Sabay tayo sa lahat. At sabay din tayong umakyat sa stage nung completion day para sa award natin.
Ngayon, may sarili ka nang buhay. At may sarili na rin ako. Hindi na tayo magkaklase pero magkaibigan pa rin tayo. Hindi man tayo laging magkasama pero lagi tayong nasa puso at isip ng isa't-isa. Yung ngiti at mata mo ang fave ko sa'yo. Yung tawa mong nakakahawa. Yung kabaliwan mong nakakamiss. Yung pagiging strong mong nakaka inspire. Yung love mo para sa iba at para kay Lord na nakakatuwa. Kamay mong magaspang. At lahat lahat sayo hahaha. Cheesy pero totoo to.
Han, gusto ko lang sabihin sayo na sobra kitang na aappreciate sa lahat ng ginawa mo para sakin. Gusto ko mag sorry kung meron man akong nagawa sayong mali. At gusto ko sabihin sa buong mundo kung gaano kita kamahal at kung gaano kita tinetreasure. Sana hindi pa dito nagtatapos ang friendship natin. I'm sure hindi pa.
We've already been through a lot to lose each other.
From grade 7 until now...
I love you han! May forever kay Lord ❤️ Kaya sa friendship natin, meron din. 😊
Marami pa tayong plano. Gawin natin lahat yun. :)
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"We've Already Been Through A Lot To Lose Each Other." Sa Mundo Ng Friendship Over Sila Ang Patunay Na May FRIENDS FOREVER. Basahin Niyo Ang Kanilang Nakaka-inspire Na Kwento.
Reviewed by Tunying
on
August 10, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment