Sakay Ng Pampasaherong Jeep Ang Babae Na Ito Ng Maramdaman Niya Na May Nangmamanyak Sa Kanya. Hindi Niya Inaasahan Na Ganito Ang Magiging Reaksyon Ng Driver At Kundoktor Ng Jeep. Alamin Niyo Po.
Sakay Ng Pampasaherong Jeep Ang Babae Na Ito Ng Maramdaman Niya Na May Nangmamanyak Sa Kanya. Hindi Niya Inaasahan Na Ganito Ang Magiging Reaksyon Ng Driver At Kundoktor Ng Jeep. Alamin Niyo Po.
Isa sa pinakacommon na sakayan sa atin dito sa Pinas ang jeepney. Bukod sa kahit saan ka magpunta mayroon nito, isa rin ito sa may murang mapasahe para makarating sa iyong pupuntahan kaya mas pinipili ito ng karamihan.
Marami tayong nababalitaan na mga manyak na pasahero ng jeep, o di kaya mga bastos na driver o nag-aaway na magkasintahan. Pero iba naman ang kwento ng netizen na ito na si Ria matapos makaranas ng pangbabastos sa kanya ng katabi niya sa jeep na tila nakainom. Kung ang ibang jeepney driver, pasahero o kundoktor ng jeep ay dedma sa ganitong eksena para hindi makasagabal ng pasada iba naman ang ginawa ng kundoktor at driver kung saan nakasakay si Ria.
Tinulungan ng kundoktor si Ria sa katabi niya at talagang pinababa ito sa jeep kahit pa nagbayad ito. Ibinalik ng driver ang pamasahe para lang bumaba kahit pa ayaw ng lasing na pasahero na bumaba. Basahin ang kaniyang kwento at talagang hahanga kayo sa kanila.
Jeepney experience
"Kuya wag mo binabastos yan kinakapatid ko yan."
Ito yung sinabi nung konduktor ng jeep sa katabi kong pasahero kanina. And I'm very thankful for these people.
Nasa biyahe ako from Padilla to Cubao. Nakaupo ako sa likod nung konduktor. Yung pasahero na nasa harap ko lumipat sa tabi ko.
Akala ko nasikipan lang siya kaya siya lumipat ng pwesto, pero I noticed na he's being too close kahit may space pa sa gilid niya. Plus, he is drunk so I stay alert and tried to notice lahat ng ginagawa niya.
Una, nilagay niya yung kamay niya sa tuhod niya tapos napansin ko na inaabot ng hinliliit niya yung tuhod ko so nilayo ko yung tuhod ko para di madikitan ng kamay niya to the point na nakadekwatro na ko sa jeep.
Ikalawa, since di yun nagwork out pinatong niya yung siko niya sa may bintana bali yung kamay niya nakadikit sa braso ko. Nung time na yun masikip na sa jeep kaya binibigyan ko pa rin siya ng benefit of the doubt pero nung nakakaramdaman ko na parang hinihimas niya yung braso ko, siniko ko siya paulit-ulit. Inaalis niya pero binabalik niya ulit.
He even tried to lean his face to me pero I moved pa kahit wala na ko maurungan then nagsettle na lang siya sa kamay. Ilang beses ko siya siniko but it has no effect on him.
Then napansin kami nung kundoktor he asked me, "ate, okay ka lang?". Sabi ko "hindi po."
He turned the music off (uso to sa antipolo yung mga patok na jeep) and said
"kuya wag mo binabastos yan, kinakapatid ko yan".
So ito si kuya biglang umayos ng upo. Hindi siya makapagsalita.
"Bastos ka kuya bumaba ka na lang kaya".
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong nung driver tapos tinigil muna yung jeep.
"Ito eh binabastos 'tong kinakapatid ko. Baba ka na lang kuya." Sabi nung konduktor.
Sabi nung katabi ko "nagbayad ako".
Sabi nung mga pasahero:
"Ibalik niyo bayad."
"Manyakis yan"
Binalik na yung bayad niya tapos pinababa na siya ng jeep kahit ayaw niya bumaba.
End of story.
Para sa driver at konduktor kanina, maraming maraming salamat po di ko po alam kung may facebook po kayo pero I hope makarating sa inyo to. Thank you po for not being indifferent.
For girls, learn to speak up kahit takot na takot ka na lalo na di mo alam mangyayari. swerte lang ako na someone speak up for me. I know naexperience mo na to at some point kahit di man sa public transportation, I know natatakot ka minsan magsalita kasi marami ng victim blamers ngayon pero always remember, madami pa ding taong may care kagaya na lang nung nasa picture. Tsaka show the other person na you're not comfortable with what he is doing.
For guys, I know may mga lalaki din na nahaharass sa public transportation. Learn to speak up as well, wag ka mahiya kahit babae yang nanghaharass sayo. You have the right to refuse. (I have a lot of guy friends na naharass na ng babae sa public transportation.)
Lastly, learn when to ask for help. Pag di mo na kaya hingi na ng tulong, may mga lalaki (although hindi lahat) who do not honor the opinion/feelings of the opposite sx.
Para sa lahat, we have to practice respect. We are not entitled to another person's body kaya wag hawak ng hawak basta. And remember being drunk is no excuse to harass another person.
Pagbaba ko sa jeep kanina lahat sila pinayuhan ako mag-ingat. And I'm very thankful kasi sa lahat ng bad news ngayon may mga simple acts pa din na magreremind sayo na may pakielam yung mga tao sa paligid mo.
Doble ingat para sa lahat!
------------------------------
Gusto ko sana ipakita mukha nung konduktor (kababata daw siya ng kuya ko) at driver kaso nahiya ako manghingi ng picture kanina kaya kinuha ko yan patago pero may flash pala cam ko.
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Sakay Ng Pampasaherong Jeep Ang Babae Na Ito Ng Maramdaman Niya Na May Nangmamanyak Sa Kanya. Hindi Niya Inaasahan Na Ganito Ang Magiging Reaksyon Ng Driver At Kundoktor Ng Jeep. Alamin Niyo Po.
Reviewed by Tunying
on
August 28, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment