-->

Pinangakuan Si Tatay Na Ipapagamot Ang Kaniyang Sakit Kaya Siya Sumama Sa Maynila Pero Hindi Niya Akalain Na Magiging Ganito Ang Buhay Niya Sa Maynila. Alamin Niyo Po Ang Kwento Ni Tatay At Kailangan Niya Ng Tulong Niyo





Pinangakuan Si Tatay Na Ipapagamot Ang Kaniyang Sakit Kaya Siya Sumama Sa Maynila Pero Hindi Niya Akalain Na Magiging Ganito Ang Buhay Niya Sa Maynila. Alamin Niyo Po Ang Kwento Ni Tatay At Kailangan Niya Ng Tulong Niyo

Isang netizen na si Elise Trinidad ang nagpost ng kwento ni tatay kung saan napag-alaman niya na may sakit ito na Prostate cancer at kaya lang napunta sa Maynila ay dahil sa pangako ng kamag-anak na tutulungan siyang ipagamot ito pero sa kasamaang palad ay ilang araw pa lang ay sumakay na ito sa barko. 

Agad itong nag-viral sa social media at nakakuha naman ng tulong si tatay para makauwi ito sa Ilo-ilo sa kanyang pamilya. Dito makikita na likas talaga sa ating mga pinoy ang maawain at may mabuting loob. 



Tulungan po natin si Tatay, pa-share po nito hanggang makaabot sa mga anak nya.
Siya po si Tatay Jaime Batislaong , 69years old taga Ilo-ilo sa Barotac. Kakauwi ko lang po galing shift ng makita ko si tatay sa tabi ng apartment namin. Napansin ko ring hirap na hirap sya sa paglalakad yun din ang nakapukaw ng aking atensyon di ko na rin napigilan ang sarili kong magtanong dahil sa nakakaawang sitwasyon nya. Kwento ni tatay sinama sya ng pinsan nyang seaman dito sa Manila at pinangakuang tutulungan syang ipagamot ang "Prostate cancer" nya pero ilang araw lamang daw umalis at nangibam-bansa ito . Iniwan na lamang sya. Wala daw syang kahit sinong kilala dito, 6months na syang paikot ikot , pumunta sya sa ibang sangay ng gobyerno para humingi ng tulong pero hinihingan pa daw sya ng mga dokumento bago tulungan. Hindi daw alam ng mga anak nya na ganito ang sitwasyon nya dito sa Manila may mga asawa na daw ito si Mary Ann Batislaong (26 yrs old) at Babylyn Batislaong (21yrs old).

"Mga ate kung nasan man po kayo sunduin nyo po si Tatay dito sa Manila hindi po maganda ang kondisyon nya lalo na't patanda na sya ng patanda at may sakit pa , Kung sino man po ang nakakakilala sa kanya o sa mga anak nya ipm nyo lang po ako sa mismong account na to. Godbless po sa inyong lahat . Please spread po 🙏




Makakauwi na po si Tatay. Maraming maraming salamat po sa mga tumulong sakin ihatid si tatay sa terminal. Binigay ko po ang contact number ko para pagkauwi nya ay matawagan nya ako at ipaalam na okay siya.
Sa sobrang excited ni tatay umuwi sa barko nalang daw sya maliligo at magbibihis  . Sa mga nais pa pong tumulong sa pagpapagamot ni tatay directly sa family nya nalang po once makauwi sya sa mga anak nya. God bless po sa lahat 🙏👆 
Pinakatumatak sakin yung pagkaway ni tatay ng nakangiti habang papalayo sya anluwag sa pakiramdam  . Have a safe trip tay. Godbless












assa



Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Pinangakuan Si Tatay Na Ipapagamot Ang Kaniyang Sakit Kaya Siya Sumama Sa Maynila Pero Hindi Niya Akalain Na Magiging Ganito Ang Buhay Niya Sa Maynila. Alamin Niyo Po Ang Kwento Ni Tatay At Kailangan Niya Ng Tulong Niyo  Pinangakuan Si Tatay Na Ipapagamot Ang Kaniyang Sakit Kaya Siya Sumama Sa Maynila Pero Hindi Niya Akalain Na Magiging Ganito Ang Buhay Niya Sa Maynila. Alamin Niyo Po Ang Kwento Ni Tatay At Kailangan Niya Ng Tulong Niyo Reviewed by Tunying on August 18, 2017 Rating: 5

No comments

Post a Comment