Nanalo Ang Kaso ng Binulag na Kasambahay na si Bonita Baran, Kanyang Amo ay hinatulan ng Habambuhay na PagkaBilanggo
Naaalala niyo pa ba ang kaso ng kasambahay na si BONITA BARAN na pinaso ng plantsa, ikinulong, pinakain ng ipis at binulag pa ng kanyang amo sa Quezon City?
Naging kontrobersiyal ang kaso ni Baran dahil sa pangmamaltrato at pang-aabusong ginawa sa kanya ng kanyang amo. Pinaso ng plantsa, pinalo ng figurine dumbbells ang kanyang mukha at ulo, tinusok ng gunting, pinakain ng ipis, at pinakamasaklap, tinusok ang parehong mata na naging sanhi ng kanyang permanenteng pagkabulag.
Si Baran din ay maituturing bayani ng mga kasambahay dahil sa kanyang kaso naisabatas ang Kasambahay Law na nagpalawak pa ng proteksiyon para sa mga kasambahay hindi lang para magkaroon sila ng mga benepisyo, kundi ang ituring silang mga kapamilya ng bawat tahanan.
Sumuko noon ang mga suspek at naimbitahan pa sa pagdinig sa Senado at iginiit na self-inflicted ang ginawa ni Baran sa kanyang sarili.
Nakulong noon ang mag-asawang Marzan pero nakalaya dahil nag-piyansa si Reynaldo Marzan habang nakapiit naman sa Kampo Karingal ang babaing amo dahil hindi siya pinayagang magpiyansa ng korte.
May 15 araw para iapela ng kampo ni Reynaldo ang kanyang petition to bail hanggang Korte Suprema pero 'pag naibasura ito ay bubunuin niya ang 8 hanggang 14 na taong pagkakakulong bilang accomplice ng misis sa kasong serious illegal detention.
Sa pagsusuri ng PAO Forensic Laboratory, higit 200 mga pasa at sugat ang kanilang nadiskubre sa katawan ni Baran at senyales na tinorture siya. Hindi niya nagawang magsumbong o makatakas dahil naka-double lock parati sila sa bahay. Inihatid lang siya ng kanyang mga amo at inihabilin sa kundoktor ng bus pauwi ng Virac, Catanduanes noong 2012 at may padala pang TV. Pero bulag na noon si Baran.
Doon na nagreklamo sa pulisya si Baran at hinawakan na ng PAO ang kaso.
Sa pagsusuri ng PAO Forensic Laboratory, higit 200 mga pasa at sugat ang kanilang nadiskubre sa katawan ni Baran at senyales na tinorture siya.Para sa PAO, isang patunay ang kaso ni Baran na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.
Kahit pa nawalan na siya ng paningin, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa sa buhay at umaasa pa rin ng himala na makakakita pa ang isa niyang mata bagamat sinabihan na siya ng doktor na parehong bulag na ang kanyang mga mata.
Source: ourdailyrevelationsph
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Nanalo Ang Kaso ng Binulag na Kasambahay na si Bonita Baran, Kanyang Amo ay hinatulan ng Habambuhay na PagkaBilanggo
Reviewed by Pensonic
on
August 15, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment