-->

Nag-book Siya Ng GRAB At Natakot Nang Makita Ang Pangalan Ng Driver. Hindi Niyo Po Aakalain Ang Ginawa Niya Sa Grab Driver.




Nag-book Siya Ng GRAB At Natakot Nang Makita Ang Pangalan Ng Driver. Hindi Niyo Po Aakalain Ang Ginawa Niya Sa Grab Driver. 

Sa busy nating mga pinoy sa araw araw ang pagbo-book sa GRAB para makarating sa pupuntahan ay parang normal na lang sa atin para less hassle at para panatag ka sa byahe. Nasa atin rin kung ica-cancel ang isang booking kung hindi tayo komportable sa driver.

Naging kaibigan for a day ang mga driver ng Grab dahil karamihan sa kanila ay mababait at talagang gagawin nila ang byahe mo na komportable talaga kaya madalas sa kanila nagkwekwento ng mga karanasan mapabyahe man, patungkol sa pasahero o kwento ng kanilang buhay, pati na rin lovelife. Ganyan madalas eksena sa isang grab. Pero hindi ang kwento ni Kuya  Abdul Samad Barodi Daurong.

Si kuya Abdul Samad Barodi Daurong, isang grab driver madalas niyang maranasan ang makanselang booking. Hindi niya alam kung bakit dahil sa kanyang kwento kahit malayo pinupuntahan niya pero sa kalagitnaan o kapag malapit na ay kinakansel ng pasahero ang booking. Sayang ang oras, gas at ang effort na pagpunta ni kuya hindi lang yun nakakababa ito ng pagkatao. Mapapaisip ka kung ano ba ang mali sa'yo bakit madalas ganito ang ginagawa sa kanya.

Isang netizen ang na-book si kuya Abdul at sa kanyang experience noong unang nakita ang pangalan ni kuya, habang hinihintay ang grab at hanggang sa makasakay siya heto ang kanyang iniisip kay kuya Abdul. 

Heto marahil ang kadalasan iniisip ng ibang nagbook kay kuya nang dahil lang sa pangalan ay HINUSGAHAN AGAD SIYA. Basahin niyo po at magsilbing aral ang kwento ni Yan Mendoza.

NAKAKATAKOT!
Nung nakita ko pa lang yung pangalan niya NATAKOT na agad ako, honestly sobrang natakot talaga ako, una pa lang gusto ko na talaga icancel e, prerogative ko naman gawin yun at hindi naman ako mapeperwisyo.


Pero hindi ako nagCancel hindi ko rin alam nung una kung bakit.
Pag dating niya sa lugar kung saan ako nagpapasundo parang ayoko tumayo, parang ayoko na sumakay, sinend ko pa sa kaybigan ko yung screenshot ng info ng driver para makasigurado na kung may mangyari mang masama sa akin alam ng kaybigan ko na dun ako huling nakasakay.


Pagpasok na pagpasok ko ay kinausap ko agad yung driver hindi dahil sa inaantok siya o gusto ko siyang kausapin, kinausap ko siya para mapalagay ang loob niya sa akin, para hindi niya ako gawan ng masama, para maging mabait siya sa akin. Inamoy ko yung hangin na nanggagaling sa aircon dahil sumagi sa isip ko na pwedeng may pampatulog yun o may modus na pwedeng gawin kaya pigil ako sa pagamoy.
Nung nasa La Salle Taft na kami huminto siya, nagulat ako akala ko kung ano na, yun pala may nag book na isa dahil nga GrabShare naman, pero agad agad ay kinancel yung booking at nakita ko sa reaksyon ni kuya na nalungkot siya, siguro maaaring dahil sa nakita ang Pangalan ng driver o marahil ay may nakita na better option. Siguro dahil natakot rin ang pasahero. Siguro. Hanggang sa maikuwento niya sa akin na palaging nangyayari sa kanya yung ganun, madalas kahit malayo pupuntahan daw niya ang nagbook at pag malapit na siya icacancel na, sayang yung oras, sayang yung gas sabi niya pero never daw siyang nag file ng report against customers.
Nakunsensya ako bigla, nagsisi ako sa mga nasabi ko, sa mga naisip ko na dahil lang sa Pangalan ng driver na nabasa ko, sa totoo lang kung hindi yun ang pangalan niya wala namang problema e panigurado hindi ko maiisip na baka ganito o ganyan ang driver, hindi talaga.
Oo, hinusgahan ko siya, hinusgahan ko siya dahil sa naramdaman kong takot sa mga oras na yun. Ang dami kong inisip na masama tungkol sa kanya pero puro kabaitan ang ipinakita niya, grabe sobrang sama ng pumasok sa utak ko, hindi ko pa man siya nakikilala tinanggalan ko na agad siya ng karangalan dahil lang sa pangalan na meron siya.
Huwag niyo ko gayahin, huwag niyo kong tularan sa puntong ganun dahil hinding hindi makapagpapabuti sa atin bilang tao ang pagiisip ng masama tungkol sa kapwa.

Humingi ako ng dispensa kay kuya at masaya ako na naintindihan at pinatawad niya ako.
SANA LAHAT tayo ay maunawaan na hindi ang pangalan, kasarian o relihiyon ang basehan ng pagiging mabuting tao kundi kung ano ang nasasa puso nito.
Salamat kuya Abdul Samad Barodi Daurong!
Nawa ingatan ka palagi ng Panginoon.
GOD Bless po sayo 







😊



Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Nag-book Siya Ng GRAB At Natakot Nang Makita Ang Pangalan Ng Driver. Hindi Niyo Po Aakalain Ang Ginawa Niya Sa Grab Driver. Nag-book Siya Ng GRAB At Natakot Nang Makita Ang Pangalan Ng Driver. Hindi Niyo Po Aakalain Ang Ginawa Niya Sa Grab Driver. Reviewed by Tunying on August 10, 2017 Rating: 5

No comments

Post a Comment