Nag-book Ang Isang Ginang Ng GrabCar Para Sa Kanyang Pinsan Na Itatakbo Sa Ospital. Laking Gulat Nila Ng Ganito Ang Gawin Sa Kanila Ng Driver. Alamin Niyo Po At Talagang Mapapahanga Rin Kayo.
Nag-book Ang Isang Ginang Ng GrabCar Para Sa Kanyang Pinsan Na Itatakbo Sa Ospital. Laking Gulat Nila Ng Ganito Ang Gawin Sa Kanila Ng Driver. Alamin Niyo Po At Talagang Mapapahanga Rin Kayo.
Sa pang araw araw na pamumuhay ang pag-book sa grabcar ay parang naging common na sa mga pinoy lalo na at busy sila sa trabaho at kapag kailangan na mas mabilis na mapapunta sa isang lugar kaysa maghintay sa isang regular na taxi. Maraming netizens ang mas pinipili ang GRAB/UBER sakyan dahil mas safe raw ito dahil may pagkakakilanlan ang driver na iyong masasakyan. Marami ang nagpopost sa social media ng mga magagandang nagawa ng isang GRAB/UBER driver at may iilan ilan din namang post ng mga maling gawa ng iilan.
Pero sa kwento ng isang netizen na si Leonor, kung saan kailangan na kailangan nilang ilipat ang kanilang pinsan sa pribadong ospital at may dalang oxygen tank ay isang pagsubok kung tatanggapin sila ng GRAB na kanilang ibobook. Basahin niyo ang buong kwento ni Leonor sa kanilang karanasan sa Grab driver na ito at kung bakit dapat siyang hanggaan ng karamihan. Saludo sir sa iyong mabuting gawa.
Around 12am nung nag book ako ng Grab kagabi. Kailangan ko kasi ihatid yung oxygen tank sa isang hospital sa San Juan para sa pinsan ko na dinala kahapon. Since walang available na ICU sa nasabing hospital at walang bakanteng ICU sa kalapit na mga hospital, napagdesisyunan namin na idischarge ang pasyente at pumunta sa emergency ng isang pribadong hospital sa Sta.Mesa para sila ang magdecide at gumawa ng way para maICU siya, if ever. Hindi rin naman daw pwede mag ambulance kasi hindi properly coordinated ang transfer dahil nga pumirma lang kami ng waiver to release the patient.
Ang naisip naming way para magkaroon ng service ay magbook ng Grab. Kuya arrived within 8mins.
(1) Naka note naman sa booking ko na may dala akong oxygen tank kaya inexpect na niya. Akala ko nga magcacancel na siya from there, pero hindi. Sobrang bait ni Kuya. Tinulungan niya kami magsakay ng oxygen tank unlike other drivers na pag may dala ka, hala, bahala ka magbuhat.
(2) Tapos tinanong ko siya kung okay lang ba from san juan ibook ko siya uli to sta mesa. Sabi niya no problem daw. Ang initial bill ko is 120.00. Pero hindi ko muna binigay ang bayad
(3) Pagdating namin sa San Juan, tinulungan niya pa rin ako magbaba nung oxygen tank para ipasok at ikabit sa pinsan ko. Nilabas ng naka stretcher yung pinsan ko. Tinanong ko si mama kung meron bang pwede sapin yung pinsan ko kasi baka tumagas ang something pero wala raw. So, nagready na ako sakaling tanungin ako ni kuya. Yung ibang drivers kasi maselan, minsan nga pag naulan ayaw nila may basang payong.
(4) Pero, hindi naman siya nag inarte kahit na mukhang bagong bago ang sasakyan niya. Sobrang bait niya talaga.
Bi-nook ko siya uli para malaman panibagong bill ko kaso kinansel niya. Nung nagtanong ako, sabi niya, ok na raw. So akala ko, hindi na siya nag pa book para kami na bahala magkano idadagdag namin. Nasa isip namin 500.00 ang ibigay para sa abala at ma triple ang unang bill. Pag dating sa sta.mesa, tumulong din siya sa pagbaba sa pinsan ko. Siya pa ang request ng stretcher. Pambihira. Lahat kasi ng kasana ay babae kaya ang laking tulong niya.
(5) At eto na, nung binigyan siya ng tita ko ng 1000, TINANGGIHAN NIYA! TINANGGIHAN BES. ayaw magpabayad ni kuya driver. at sobrang genuine ng ngiti niya. Sabi niya, "Hindi na po. Ok na po. Kahit bigyan niyo na lang po ako ng 100." to think na para siyang kamag anak, or (higit pa sa kamag anak) kung tumulong, tapos ayaw pa magpabayad. Ibang klase.
Nung makababa na lahat, diretso emergency room na pinsan ko pero sa itsura niya mukhang walang ka hassle hassle sa pag byahe namin. Nakakahiya man pero nagtanong ako kay kuya kung pwede ko pa ulit siya ibook pauwi naman kasi dala dala ko pa rin ang oxygen tank.
(6) Pumayag pa rin siya at tinulungan pa rin ako. Kahit di ko na siya binook uli, nakabisado niya agad pauwi sa amin. Nakita ko na lang nasa tapat na ako ng st namin. At syempre sa kabaitan niya, tinulungan niya ako bitbitin ang oxygen tank at umalis lang nung nakapasok na ako ng gate ng street namin. Kahit na gusto niya magkawanggawa, binayaran pa rin namin siya.
Sayang at hindi ko man lang nabigyan ng 5stars si kuya sa grab. Kaya niya siguro cinancel yung pangalawang book ay wala na siya balak pabayaran ang mga susunod na trip. Kaya sa lahat ng sasakay uli kay Kuya, sana bigyan niyo siya ng mataas na rating at commendation kung naranasan niyo rin ang kabaitan niya. Bihira na lang din kasi ang mga ganung klaseng tao. Good samaritan sa gitna ng pagtatrabaho. Pambihira talaga.
In those little ways, you'll see and feel the Lord who's always with us. Guiding and using people to bless us and make us feel He's here in the middle of our challenges and most difficult times. Ramdam ko yun.
God Bless you, Kuya. 👍😊
*sana makarating to sa Grab para mabigyan siya ng incentive.
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Nag-book Ang Isang Ginang Ng GrabCar Para Sa Kanyang Pinsan Na Itatakbo Sa Ospital. Laking Gulat Nila Ng Ganito Ang Gawin Sa Kanila Ng Driver. Alamin Niyo Po At Talagang Mapapahanga Rin Kayo.
Reviewed by Tunying
on
August 07, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment