Isang LGBT Ang Nakaranas Di Umano Nang Discrimination Sa Sikat Na Food Chain Sa Bansa. Basahin Ang Kanyang Kwento At Ang Panig Ng Kumpanya. Alamin Niyo po.
Isang LGBT Ang Nakaranas Di Umano Nang Discrimination Sa Sikat Na Food Chain Sa Bansa. Basahin Ang Kanyang Kwento At Ang Panig Ng Kumpanya. Alamin Niyo po.
Para sa mga lumaki sa ating bansa wala sigurong tao ang hindi nakakaalam o nakakakilala sa Jollibee. Mula pagkabata heto talaga ang paborito ng karamihan, marami na rin tayong naririnig na magagandang gawain ng #1 foodchain ng bansa. Andyan ang pagtulong sa mga bata at mga serbisyo na kahit hindi na nila sakop ay ginagawa pa rin dahil para sa kanila mas importante ang pangangailangan ng kliyente nila na suki sa kanilang kumpanya.
Kaya ang post ng netizen na si Bunny Cadag ay talagang inulan ng mga netizens dahil hindi sila makapaniwala na kayang gawin ito ng Jollibee.
Matapos na mag-viral ang delivery crew nila na bumili ng gamot na pasuyo ng isang ina para sa may sakit niyang anak at ang pagdedeliver ng isang delivery crew sa kasagsagan ng baha.
Sa kwento ni Bunny nakaramdam siya ng pagdi-dicriminate matapos siyang tanggapin bilang isang transcriber sa JFC. Matapos di umano ang isang araw ng kanyang trabaho ay nakatanggap siya ng tawag mula sa JFC na humihingi ng tawad dahil di umano pa handa ang JFC na may isang transgender sa kumpanya o sa loob ng interview room.
Basahin niyo po ang kanyang kwento at ang pahayag ng JOLLIBEE patungkol dito.
Tao sa tao.
TANONG : Kung hindi tayo sasandal sa kahit anong batas, regulasyon o kautusan, sino rito ang sumasang-ayon na pagdating sa trabahong sulatin, ang sulatin ay dapat suriin sa
1/uri, paraan, kalidad at disiplina ng pagkakagawa,
2/gayon rin sa uri, paraan, kalidad at disiplina ng ideya at serbisyo ng tagagawa
1/uri, paraan, kalidad at disiplina ng pagkakagawa,
2/gayon rin sa uri, paraan, kalidad at disiplina ng ideya at serbisyo ng tagagawa
at hindi sa ekspresyon ng kasarian ng tagagawa o/at napiling sekswalidad?
30, June 2017
Sa pamamagitan ng Human Capitol Development (HCD), naimbitahan ako, kasama pa ang dalawang kaibigan, para maging TRANSCRIBER ng isang Evaluation Interview ng Jollibee Food Corporation. Ito ay ginawa sa JFC Main Office, Ortigas mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Ito ang unang araw mula sa tatlong araw na sesyon ng Evaluation Interview at trabahong transkripsyon. Pinaalalahanan lang kaming maging neutral. Sa unang araw, ang mga Store Heads na sumalang sa interview ay sina Cath, mula sa Marketing, Sheryl at Kristine mula Purchasing. Natapos namin nang maayos ang trabaho at maayos ring nabayaran.

3, July 2017
Isang araw bago ang ikalawang sesyon, nakatanggap kami ng tawag mula kay Mr. Louie Angsico, isa sa mga contact persons sa HCD. Sa telepono, humihingi ng tawad si Mr. Angsico, dahil hindi raw niya alam kung paano sasabihin sa akin — na (non-verbatim)

1/hindi pa handa ang Jollibee Food Corporation sa LGBT Culture at mga katulad ko
2/hindi pa sila welcoming sa idea na may Transgender sa loob ng isa sa mga kwarto nila at gumagawa ng transkripsyon
3/ang JFC raw ay may paniniwalang Katoliko
4/willing pa rin silang ibigay sa'kin ang trabaho thru "recording"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman. Tinanong ko si Mr. Angsico kung saan/kanino eksakto nanggagaling ang diskriminasyong ito at kung paano ito nagumpisa - kung isa ba sa mga empleyado, o mga Store Heads na sumalang sa Interview, o sa mga guwardiya ng gusali. Isa lang ang sigurado ko sa puntong 'yun, gusto kong tanungin yung mismong tao : BAKIT?
Tinanggihan ko nang ituloy pa ang transkripsyon.
Makikita sa mga larawang narito ang klase ng damit ko nung ginawa ko ang transkripsyon sa unang araw. Kapatid, wala akong makitang mali.
Bilang isang Gender Queer, sa palagay ko, kilala at dinadala ko ang sarili HINDI AT MALAYO sa kung ano ang dinidikta ng publiko tungkol sa kung ano ang dapat ayon sa biological identities. Lagi akong bukas sa transisyon.
11, July 2017
1/Nagpadala ako ng email kay Mr. Angsico - gusto ko pa ring malaman kung kanino ito nag-ugat - email dahil lumipad papuntang London si Mr. Angsico nung July 3 at babalik sa July 14. Wala akong nakuhang sagot.

2/Nagdesisyon na akong magpadala ng mensahe at Complaint Letter sa Official Facebook Page ng Jollibee. Wala ring sagot. Nanatili itong "un-seen."
3/Ipinadala ko na rin ang Complaint Letter ko sa Official Website ng Jollibee. Sumagot sila. Nagpadala ng mensahe sa email ko, kaso, tunog "automated".
Sinabi ko sa Complaint Letter na hahayaan ko na muna silang imbestigahan ito sa loob ng tatlong araw. Kailangan nila ng oras at panahon, alam ko.
14, July 2017
1/Nakabalik na marahil si Mr. Angsico, pero wala pa rin akong nakuhang sagot.
1/Nakabalik na marahil si Mr. Angsico, pero wala pa rin akong nakuhang sagot.
2/Tinawagan ko na ang Customer Service ng JFC. CHERRY ang pangalan ng Representative. Kinuwento ko ang lahat. Ito ang pangatlong araw mula sa tatlong araw na binigay kong panahon. Sabi ni Cherry, natanggap at nabasa daw nila ang Complaint Letter ko. Humihingi sila ng isa pang araw para sa imbestigasyon. Sabi ko, "sana makakuha ako ng feedback within this day." Sumang-ayon si Cherry. Iniwan ko ang mga numero ko sa kanya para kung sakaling kailangan akong tawagan. Pero wala na 'kong narinig galing sa kanila simula noon.
Umaasa pa rin akong masasagot ako ni Mr. Angsico. Pero July 21, nalaman kong nasa Singapore pala siya.
27, July 2017
Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan, nagsadya ako sa Commission on Human Rights of the Philippines - Gender Office. Humingi ako ng tulong. Isinumite ko ang mga printed copies ng Complaint Letter, email messages at text messages na rin namin ni Mr. Angsico. Ang huling bilin sa'kin ay ipapasa na nila ito sa mag-iimbestiga at aabisuhan ako sa loob rin ng ilang araw. Kamakailan lang, napag-alaman ko mula sa CHR-NCR na wala pa ring humahawak sa kaso at kasalukuyan pa ring naghahanap ng imbestigador. Eksaktong dalawang linggo na bukas.

Gusto ko lang sanang makarinig ng pormal na paliwanag mula sa Jollibee Food Corporation. Higit sa anupaman, tumitindig ako, hindi lang para sa sarili, kung hindi para sa mas marami pang nakatatandang kapatid na LGBTQIA++, na nakaranas ng parehong diskriminasyon sa loob ng mga opisina o korporasyon. Tumitindig tayo para sa mas marami pang parating na batang LGBTQIA++, na posible ring masuri muna ang "gender identity" bago tanggapin sa mapipiling propesyon.
Patnubayan nawa, pero higit kailanman, ngayon mas kailangan at dapat ipasa ang Anti-discrimination bill. Nawa ay hindi na ito ibinbin pa. Nananawagan ako. Nakikiusap. Tao sa tao.
Heto naman ang pahayag ng Jollibee para sa hinaing ni Bunny Cadag.
Matapos ngang mag-viral ang post na ito ni Bunny maraming netizens ang hindi napigilang mag-iwan ng komento sa kanyang Facebook account. Iba't-ibang opinyon ang kanilang ibinahagi tulad ng pagpuna ng suot ni Bunny sa kanyang pagpasok sa JFC. Sabi nga nila kung nagsuot siguro si Bunny ng naayon sa kanyang gender (Male) hindi siguro ito magkakaroon ng problema. Dahil may mga corporate policies pa rin na dapat sundin.
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Isang LGBT Ang Nakaranas Di Umano Nang Discrimination Sa Sikat Na Food Chain Sa Bansa. Basahin Ang Kanyang Kwento At Ang Panig Ng Kumpanya. Alamin Niyo po.
Reviewed by Tunying
on
August 10, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment