-->

Isang Ginang Ang Humingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Anak Dahil Tinanggihan Umano Sila Sa Ospital Pero Hindi Nila Akalain Na Ganito Pala Ang Totoong Sitwasyon Ng Mag-ina. Alamin Niyo Po.




Isang Ginang Ang Humingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Anak Dahil Tinanggihan Umano Sila  Sa Ospital Pero Hindi Nila Akalain Na Ganito Pala Ang Totoong Sitwasyon Ng Mag-ina. Alamin Niyo Po.


Likas sa ating mga pinoy ang maawain kaya marahil ito ang ginagamit ng masasamang loob para manlamang sa kapwa. Kadalasan pa ang mga matatanda ang ginagamit para sa ganitong modus dahil sino nga naman ang hindi maaawa sa matanda? Kung hindi matanda mga sanggol naman ang sinasaalang alang ng mga magulang o nagpapanggap na magulang para makapangloko ng iba. 

Dahil lahat naman ng tao lumalambot ang puso kapag bata na ang usapan. Tulad ng isang ginang na ito matapos manghingi ng tulong sa kanyang sanggol dahil nahulog daw ang kanyang anak at napuruhan sa ulo ay dinala niya sa J.P Rizal Hospital sa Calamba, Laguna. Sa una ay magagalit ka sa ospital dahil sa kanyang kwento at maawa sa bata kaya mabibigyan mo siya ng tulong.

Pero ang totoo pala ay isa itong modus operandi at nakakasira sa imahe ng ospital ang kanyang kwento. Kaya nagbigay ng babala si Gov. Ramil Hernandez sa lumalaganap na panloloko ng ginang. Basahin niyo po.

BABALA SA PUBLIKO!

Pinag-iingat po ang lahat sa modus operandi ng babaeng nasa larawan na may kasamang batang paslit. Diumano’y tinanggihan ng Dr. J. P. Rizal Memorial District Hospital na gamutin ang bata na diumano’y nahulog at napuruhan ang ulo. Dahil sa awa sa bata ay marami-raming pasahero na rin ng jeep na nakasakay nila ang nagbigay ng tulong. Pero lumalabas po na paulit-ulit lang na ginagawa ng babaeng ito ang ganitong eksena upang makapanghingi ng pera sa mga tao. 

Pinasasama po ng babaeng ito ang pangalan ng J.P. Rizal at pinalalabas na hindi makatao ang pandistritong ospital na ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna. At ang masaklap pa ay isinasangkalan ang bata upang manloko ng kapwa at makapanghingi ng pera. Kaya maging maingat po tayo. Kung meron naman pong pagkakataon na mayroon makakita uli sa diumano’y mag-inang ito, agad lamang pong makipag-ugnayan sa Laguna Action Center sa numerong 0917-532-4647 / (049) 501-2628 o sa DSWD-Calamba. Maraming salamat po.







Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Isang Ginang Ang Humingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Anak Dahil Tinanggihan Umano Sila Sa Ospital Pero Hindi Nila Akalain Na Ganito Pala Ang Totoong Sitwasyon Ng Mag-ina. Alamin Niyo Po. Isang Ginang Ang Humingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Anak Dahil Tinanggihan Umano Sila  Sa Ospital Pero Hindi Nila Akalain Na Ganito Pala Ang Totoong Sitwasyon Ng Mag-ina. Alamin Niyo Po. Reviewed by Tunying on August 07, 2017 Rating: 5

No comments

Post a Comment