-->

"Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente. Alamin Niyo Po Ang Buong Kwento.




"Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente. Alamin Niyo Po Ang Buong Kwento.

Sinasabi na kapag manganganak ang isang babae ang kanilang isang paa ay nasa hukay na. Dahil walang katumbas ang sakit kapag nagla-labor ang babae. Ilang oras mong titiisin ang sakit para lang lumabas ang bata sa iyong sinapupunan.

Kaya dapat palagi kang kumukunsulta sa iyong doktor para sa mga development ng iyong anak dahil kadalasan makikita na ang ibang sakit ng sanggol kahit pa nasa loob pa ito ng tiyan ng ina. Tulad ng kwento ng isang netizen, si Jannah isang masayahing bata, mapagmahal na kapatid at anak sa kaniyang pamilya. 

Nangarap si Jannah na bumuo ng pamilya at nang mabuntis ito at malaman na ang kanyang dinadalang sanggol ay may HYDROPS mas lalo siyang naging matatag para rito.

Pero hindi akalain ng pamilya nila na ang masayahing si Jannah ay papanaw sa kaniyang panganganak at ngayon ay humihingi sila ng katarungan sa sinapit ni Jannah. Basahin niyo ang kwento ni Jannah.

Kilala niyo ba si Jannah ? napaka buting Kaibigan, Kapatid, at Anak niyan. Siya 'yung babaeng puno ng pangarap sa buhay. Gusto niya makapag tapos siya para makatulong kila Mama at Papa. Sobrang lakas at tatag niyan. Pero lahat nawala sa isang iglap. Sa isang pagkakamali..
Mahaba po ito pero sana bigyan niyo ng oras para mabasa ang kwento ng Kapatid ko.
-
PS: Nag upload na ako kahapon pero di nag post. 'yung dalawang video lang 'yung na post kaya uulitin ko ulit mula sa umpisa. Paki-basa po bawat caption nung pic.


Si Jannah 'yung nasa left side. Elementary palang hilig niya ng sumali sa mga kompetisyon tulad niyan. Lalo na kapag usapang pag sasayaw na? GO 'yan! 'yan ang hilig niya e. At dahil 'yan ang hilig niya, suportado namin Siya.


Si Jannah, basta may camera na nakatapat sa kanya sige sa pose 'yan. — with Jannah Dimacali.

Hilig Niya talaga 'yung mag picture ng mag picture, di titigil 'yan hangga't di na pupuno 'yung galery niya. Isa 'yan sa hilig niya, ang mag pose sa harap ng camera. :) — with Jannah Dimacali.

Eto 'yung picture na isinend niya sa'min nung panahong nag-aaral siya sa probinsya. Isa sa pangarap niyan ay ang tumangkad siya (Na malabo nang mangyari ngayon) kahot 1 inch lang madagdag sa height niyan, masaya na yan. Atleast tumangkad siya. E kaso, hanggang 4ft lang talaga. Pero ayos lang, diba? Di bale ng pandak atleast bumabawi sa panlabas at panloob na anyo :)


Si Jannah. Sobrang maalalahanin at mapag mahal 'yan sa'ming mga kapatid niya. Lalo na sa kapatid naming bunso. Lahat ng gusto ibinibigay niya, ultimo isusubo niya nalang ibibigay niya pa. — with Jannah Dimacali.


Si Jannah, kung malalahanin at mapag mahal siya sa mga kaibigan at kapatid niya, MAS lalo na sa magulang namin. Nangako siya kila mama at papa na kapag nakatapos siya ng pag-aaral, mag a-abroad siya at iaahon niya kami sa hirap. Minsan nga, kapag alam niyang walang-wala na talaga sila Mama at Papa, tatawag o magtetext na 'yan para sabihin niyang nakuha niya na yung pera ng scholar niya. Tas ipapadala niya para pang gastos namin. Pangkain niya nalang, pambili ng panganvailangan at pambili ng project niya, pinapadala niya pa sa'min. Imbis na mas isipin niya 'yung sarili niya, mas iniisip niya pa kaming pamilya niya. — with Edwin Dimacali.


Sa buhay, natural lang na makatagpo ng taong para sa'yo. Hindi naman maiiwasan 'yan. Kaya nung sinabi niya na may boyfriend siya, ayos lang sa'min. Bumyahe pa sila mula probinsya (dun siya nag-aaral ng college) hanggang dito sa'min para lang makilala namin ng husto 'yung boyfriend niya. Ayos naman, ok na ok. Kasi nakikita naman namin kung gaano siya kamahal ng boyfriend niya. At alam at ramdam namin na hindi siya sasaktan at pababayaan ng boyfriend niya. Atleast, hindi naman naging hadlang ang pag bo-boyfriend para mapabayaan 'yung pag-aaral niya, ni hindi nga bumaba 'yung grades niya. Ganyan 'yan, kaya niya pagsabayin ang school life at lovelife :)


Pero dumating 'yung araw na nabuntis siya. Nagtanong kami, bakit? Bakit di kayo nag-ingat? Pero imbis na magalit kami, mas nangibabaw 'yung pang hihinayang. Siyempre kasi nag-aaral siya, pano na yung mga pangarap niya? Nangako siya na kapag nakapanganak siya babalik ulit siya sa pag aaral, tutuparin niya yung mga pangarap niya. Humingi siya ng sorry, humingi sila ng sorry. Pero nandyan na 'yan, ang kaylangan nalang namin gawin ay mas ingatan at alagaan siya. — with Mark Anthony Gratuito and Jannah Dimacali.


6 months nung nalaman namin na may sakit 'yung baby sa tiyan niya. Merong HYDROPS 'yung baby, 'yun yung mga baby na lumalaki 'yung tiyan sa sinapupunan. Alam namin delikado 'yun, kaya nung nagsabi 'yung OB na ipa-CS agad namin kapag nag 7months, lumayag kami. Sinabi nung doctor na, OO may heartbeat pa 'yung bata pero mahina na. OO may heartbeat pa 'yung bata kasi nasa sinapupunan niya pa. Pero oras na mailabas 'yung bata, segundo lang ang itatagal tapos wala na.


Para sa'min, masakit 'yung nalaman namin. Pano pa kaya 'yung nararamdaman ni Jannah? Edi MAS masakit, baby niya 'yan e. First baby pa. Pero hindi siya nag pa-apekto. Pinapakita niya sa'min na ok lang, tanggap niya 'yung mangyayari. Pero alam namin na hindi, ang tanging magagawa lang namin ay suportahan, alagaan, at ingatan siya.


August 3 nung dinugo siya. Madaling araw 'yun. Naalala ko pa, ginising niya ako "Ate. Damit" bumangon ako para ipag handa siya ng damit kasi dadalhin siya sa ospital. Tinanong ko pa siya kung ayos lang siya, masakit ba? Pero ang sabi niya hindi, ayos lang. Kita ko naman, malakas siya, yung kilos niya normal lang na alam mong hindi talaga siya nasasaktan. Nakapaglakad pa nga siya pataas dito sa'min para makapunta sa kalsada kung nasan 'yung ambulansya. Edi malakas nga, nakapag lalakad e. Tinignan ko pa siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Di ako kinabahan, kasi alam ko malakas siya. Matapang siya.

Dinala siya sa AMANG RODRIGUEZ sa marikina. Sinabi agad nila mama 'yung sitwasyon, na kaylangan na i-CS kasi delikado yung lagay niya. Gusto talaga namin ipa-CS para hindi na siya madamay, para d na maapektuhan 'yung katawan niya. Pero anong sinagot nung doctor? "Bakit ic-CS kung kaya naman i-normal?" sinabi din nila mama na suhi 'yung bata, hindi kakayanin ni Jannah na i-normal 'yun. Pinilit nila mama na i-CS na, pero pinilit din nung doctor na wag i-CS, d daw sila nag c-CS ng di dapat. Kaya daw 'yun i-normal. Siyempre, bilang magulang nag tiwala sila mama, nag tiwala kami. Doctor 'yan e. Alam niya yung mas makabubuti. Naniwala kami sa sinabi ng doctor.


August 5 nung nag paabot ng sulat si Jannah. (Mula kasi nung na-admit siya, di na namin siya nakita. Bawal daw. Tatawagin lang kami kung may ipapa bili. Kami, nag hihintay lang ng tawag dun kami sa labas ng emergency.) Sumulat siya, siyempre bilang kapatid kinabahan ako, nag alala. Kaya kinausap nila mama kasama yung mama ng boyfriend ni Jannah, yung doctor. Sinabi yung tungkol sa sulat. Nakiusap sila mama na baka kung pwede makita at makausap si Jannah. Pumayag yung doctor pero saglit lang. Nung nakita nila mama, ayos naman si Jannah, mas gumaganda pa nga daw yung kulay. Kasi kung nakita nila na hindi ayos at iba na itsura ni Jannah, talagang ilalabas na nila at ililipat sa iba. Sinabi nung doctor na baka nabo-bored lang kaya nakapag sulat ng ganun

August 8 ng umaga, nakita ni Mac (Boyfriend ni Jannah) 'yung pangalan ni Jannah na nasa hallway na. Narinig niya pa daw na parang umiiyak si Jannah, "Aray.. Mama, ang sakit.." hindi niya nakita na si Jannah 'yun pero alam niyang boses ni Jannah 'yun. Nagtaka kami, nagtaka sila mama. Akala ba namin si Jannah 'yung mas tinututukan dun dahil sa kondisyon niya? Pero bakit nasa hallway nalang siya? Kinausap ulit nila mama yung doctor. Bakit ganun, sinabi nung doctor na kasi waiting na siya, nag le-labor na. Nakiusap sila mama na baka kung pwede makita at makausap ulit si Jannah, hindi sila pumayag. Ayaw nila ipakita si Jannah. Nag pasya sila Mama na i-pull out na si Jannah sa ospital na 'yon, nagle-labor na pala bakit d pa asikasuhin ng doctor? Alam nila, sinabi naman namin yung kondisyon ni Jannah, na delikado 'yun pero hinahayaan nila.
Nag hanap sila mama ng pera para kung mailabas man si Jannah, ipapa-CS na agad nila sa iba.


Pero, August 9, alas dose ng madaling araw. Nanganak na daw si Jannah. Ipinatawag daw 'yung boyfriend niya tas may inabot na box, sinabi na 'yun daw 'yung baby.

Nag taka kami, bakit hindi manlang nagtawag at nag sabi na manganganak na si Jannah? Bakit saka lang nila sinabi nung nanganak na? Bakit basta nalang nila inabot 'yung baby? At mas nakapag tataka, nakita namin sa papel na August 8, 10:51pm pa nanganak si Jannah pero alas dose na ng madaling araw sinabi samin.


Akala namin ok na, akala namin nag papahinga at nag papagaling nalanv siya. Kinamusta nila mama si Jannah sa doctor, sinabi na ayos lang, nagpapahinga, natutulog. Pero ayaw pa din ipakita sa'min.
Tas nalaman namin na nilagyan siya ng tubo sa bibig, kasi daw habang natutulog si Jannah bigla daw siya nag zero BP at delikado daw 'yun. Nagtaka kami, bakit wala manlang pinapirmahan kila mama? Oo alam naming para sa ikabubuti ni Jannah 'yon pero bakit wala manlang pinapirmahan? Kapag ba may nangyaring masama kay jannah habang inilalagay 'yung tubo na 'yun, may magagawa ba sila? Sagot ba nila?



Nung magising daw si Jannah, bigla daw hinugot ni Jannah yung tubo sa bibig niya. Kinabahan na kami lalo, nakiusap ulit si mama na baka kung pwede makita at makausap na si Jannah. Pumayag yung doctor. Tas nung nakita ni Mama si Jannah, bakit ganun? Mapapamura ka nalang talaga, dinala namin na napakalakas, napaka ayos ng itsura tas ipapakita sa'min ganun na? Sobrang nang hihina, sobrang dilaw ng buong katawan at mata, at sobrang nag manas 'yung buong katawan at mukha niya. Bakkt ganun? Nanganak lang 'yan, ah. Pero bakit ganyan? Anong ginawa nila?! ANONG GINAWA NIYO SA KAPATID KO?!


Eto 'yung ipina CT-scan siya. Para daw makita kung naapektuhan daw ba 'yung pag-iisip niya. Tangina, nanganak lang ganyan na?!


Eto 'yung araw na dumalaw si Papa sa kanya. Galing sa trabaho si Papa at dumeretso agad kay Jannah sa ospital. Kinausap ni Papa si Jannah, sinabi niya na "Anak, lumaban ka."
Eto 'yung mga sinabi ni Jannah..
"Opo Papa, 100% lalaban ako"
"Papa,wag mo na ipalagay 'yung tubo sa bibig ko."
"Papa, pumirma ka dun, sabihin mo wag na ilagay 'yung tubo sa bibig ko."
"Papa, galit sa'kin 'yung ibang doctor dito."
"Papa, nasan 'yung baby ko?"

Walang ginawa si Papa kundi umiyak habang nagku-kwento samin. Bakit? Kasi napaka-ayos nung dinala namin, tas ipapakita nila sa'min ganun na 'yung itsura, ganun na 'yung kalagayan niya. ANONG GINAWA NG OSPITAL NA 'YUN SA KAPATID KO?!



August 12 2017, nung tumawag si Papa. Kinailangan daw lagyan ulit si Jannah ng tubo. Pumayag na si Papa kasi nakita niya na parang wala na si Jannah. Pumunta agad kami, pag dating sa ospital deretso kay Jannah. Pigil-pigil ko 'yung luha ko nung makita ko siya. Ayoko umiyak sa harap niya kasi alam ko maririnig niya. Ayoko magpakahina sa harap niya kasi Siya nga patuloy na lumalaban, patuloy nagpapakatatag tas ako magpapakahina?
Hinawakan ko 'yung kamay niya, hinaplos ko 'yung buhok niya, yung pisngi niya. Binulungan ko siya..
"Jannah, si Ate 'to."
"Jannah, lumaban ka ha? Please lumaban ka"
"Lumaban ka bunso, miss na miss na kita"
"Miss na kita sa bahay, miss ka na ni Keka"
"Nandun yung baby mo, napaka ganda niya."
"Magpalakas ka ha? Mahal na mahal kita jannah"

Alam niyo yung pakiramdam na habang binubulungan ko siya, nakita ko kung pano tumulo luha niya? D ko kinaya, ang sakit. Alam ko sobrang nahihirapan na siya pero patuloy siyang lumalaban. Ipinapakita niya na lumalaban siya.
Hawak ko 'yung kamay niya nung bigla siyang nanginig, nanigas. Kinabahan ako. Seizure daw 'yon, kita ko 'yung pag hihirap ng kapatid ko. Napakasakit makita siya sa ganung kalagayan.

Bakit ganun itsura niya? Ang ayos-ayos, ang lakas-lakas nung dinala namin tas ganun nila ipapakita? Sobrang dilaw niya, pati mata niya. Sobtang manas ng katawan at mukha niya, nakalabas pa yung dila niya. At sobrang laki nung tiyan niya na parang hindi siya nanganak.

Nagpasya ako na umuwi muna para asikasuhin yung kapatid kong bunso, bago ako umalis kinausap ko ulit si Jannah, bumulong ako "Dapat pag balik ko OK ka na ha,ayos ka na.."

Pero pagkauwi ko, tumawag si Tita kay Mama, si Jannah daw nag zero BP na naman. Tas 'yung heartbeat niya pababa na ng pababa. Nakatulala nalang daw si Jannah, hindi na gumagalaw, lupaypay na. Tas tumawag ulit.. Si Jannah nire-revive na ng mga doctor kasi wala ng heartbeat.
Sa isip ko, kinakausap ko si Jannah, lumaban siya. Parang awa niya na.

Pero kahit anong laban niya, katawan niya na yata 'yung bumigay.



August 12,2017 9:31 pm, nawala sa'min yung taong sobrang halaga, taong sobrang bait, taong sobrang mapag mahal. Binawian siya ng buhay sa isang masakit na paraan.

Iisa lang ang tanong namin.

AMANG RODRIGUEZ, ANONG GINAWA NIYO KAY JANNAH?!!

Ang sakit. Napaka-sakit. Dinala namin sa ospital na nakakatayo pa, nakakalakad pa, nakakausap pa. Tas ibinalik nila nang naka higa na? Nakapikit. At hindi na namin nakakausap? Tangina, hanggang ngayon blanco padin kami, hangganh ngayon naghahanap pa din kami ng sagot.

Tinatanong namin kung anong nangyari, vakjt nagkaganun? Nanganak lang 'yan, sinabi nila na kaya nilang i-normal, nakaya nga pero bakit ganito?

Alam namin na may heartbeat pa yung bata sa tiyan niya nung dalhin namin siya sa ospital kasi pinacheckup pa namin siya nun, kapag tinatanong namin kayo kamusta si jannah sinasabi niyo ayos lang. 'yan ba yung ayos sa inyo? Tas sasabihin niyo patay na talaga yung bata sa tiyan niya?

Ano? Sapilitan niyo ba siyang pinaanak nung nalaman niyo na wala ng heartbeat yung bata? Pinatulog niyo ba si Jannah ng sapilitan tas saka niyo dinukot 'yung bata sa tiyan niya?


Hilig niyang mag suot ng flower crown, kaya hanggang pag tulog niya pinalagyan namin siya ng flower crown.

Abg sakit, sobrang sakit makita siyang nakahiga lang diyan. Yung kahit anong tawag mo sa kanya, kahit anong pakikipag usap mo sa kanya, hindi na siya sumasagot. Napaka-sakit.

Hinahanap namin 'yung mismong nag paanak sa kanya pero wala silang maipakita, wala silang masabing pangalan. Bakit? Itinatago niyo? Nagtatago na kasi alam niyong may mali? Alam niyong mali yung nagawa niyong pag papaanak.

Eto na 'yung kapatid ko na sinabi niyong aalagaan niyo.

Sabi niyo kaya i-normal, nag tiwala kami sa inyo, naniwala kamo kasi doctor kayo pero bakit naman ganito?

Tas gusto niyo pa makausap si Mama tungkol sa nangyari sa kapatid ko, bakit? Kasi alam niyon may mali sa nagawa niyong pagpapaanak? Alam niyong may mali kaya ganyan kayo!

Ang sakit, 'yung huling selfie namin ganito pa. Ang hirap mag panggan na masaya, na ok lang lahat. Pero sa puso at isip ko napaka sakit.

Lalo na't nakita ko kung pano siya patuloy na lumalaban, nakita ko kung pano siya nahirapan pero patuloy siyang lumalaban.


Jannah, bakit mo naman iniwan si Ate? Diba sabi ko pag balik ko dapat ok ka na? Bakit ka naman bumitaw :( ayokong ibulong sayo na bumitaw ka na kung talagang nahihirapan ka na kasi ayokong mawala ka. Di ko kaya. Di ako sanay :'( ang sakit-sakit.. Ang hirap tanggapin e. Napakahirap. Pinapangako ko sa'yo, mananagot 'yung mga taong gumawa sa'yo niyan.

Tulungan niyo po ako, tulungan niyo ang mama't papa ko, tulungan niyo po kami, tulungan niyo po si Jannah na makamit ang hustisya.

Hustisya para sa pagkawala niya. Hustisya para sa mga pangarap niya. Hustisya sa pag hihirap niya. Hustisya para sa baby niya. Hustisya para ikatatahimik niya. Hustisya para kay Jannah Dimacali

Please, paki-kalat po. Alam ko makakatulong ito, lalo na para malaman ng marami na totoo pala, TOTOONG KILLER HOSPITAL YUNG #AMANGRODRIGUEZ

Tulungan niyo po kami.

#JusticeforJannah

-
Tatanggap ako ng masasakit na salita, basta ako nailabas ko yung hinanakit ko.
Huli na nung nalaman namin na killer hospital pala talaga yan.
Kung alam lang namin edi sana hindi na namin don dinala.

Ang gusto ko lang, HUSTISYA PARA SA KAPATID KO.

GUSTO KONG MANAGOT LAHAT NG TAONG HUMAWAK SA KANYA SA OSPITAL NA YON! — 

Sinabi niyo na kaya naman i-normal, nakaya nga pero anong nangyari? Sapilitan niyo bang pinaanak nung nalaman niyo na patay na pala yung baby? Huli na nung malaman niyo na wala na palang heartbeat yung bata sa tiyan niya? Dinala namin siya alam namin na buhay pa yung bata sa tiyan niya kasi kapapa-checkup lang namin sa kanya. Tas sasabihin niyo patay na talaga yung bata? Tangina naman. Tao yan, SOBRANG HALAGA NIYAN! nasan yung puso niyo? Konsensya, meron pa ba? Napakasama niyo!

Tatanggap po ako ng masasakit na salita galing sa inyo. Basta ako nailabas ko yung hinanakit ko. Sobrang sakit e. Ang hirap tanggapin.




Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente. Alamin Niyo Po Ang Buong Kwento.  "Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente. Alamin Niyo Po Ang Buong Kwento. Reviewed by Tunying on August 23, 2017 Rating: 5

No comments

Post a Comment