Alamin ang mga dahilan kung bakit ka tumataba. At mga solusyon para maiwasan ito.
Alamin ang mga dahilan kung bakit ka tumataba. At mga solusyon para maiwasan ito.
Karamihan sa atin ay gustong magpapayat kahit sa anumang paraan. Ang iba ay nagpapaopera habang ang iba naman ay dinadaan na lamang sa ehersisyo.
Bakit nga ba tumataba ang isang tao kahit na sila ay nagdi-diet? Eto ang ilang kasagutan ni Dr. Willie Ong sa mga tanong ng ilan nateng kababayan.
Bakit Ako Tumataba?
Ni Dr Willie T. Ong
Sa aking pag-uusap sa mga kaibigan, nalaman ko na marami ang may maling paniniwala tungkol sa dahilan ng pagtaba. Alamin natin kung ano ang tunay.
Heto ang aking paliwanag:
1. Nakatataba ba ang pag-inom ng malamig na tubig? Hindi po. Hindi nakatataba ang tubig, malamig man o mainit. Walang calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki iyan ng bilbil. Sa katunayan ay nakapapayat ang tubig.
2. May inumin ba na nakakapayat? Isa lang po ang nakakapayat. Ito ay ang tubig. Kaya umiwas na sa lahat ng mga juices, iced tea at soft drinks. Nakatataba masyado ang mga juices tulad ng pineapple juice, energy drinks, at bottled teas.
3. Nakatataba ba ang pagtulog sa hapon? Hindi nakatataba ang tulog. Puwedeng matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain ng sobra.
4. Bakit lumalaki ang aking bilbil? Kapag tayo ay nagkakaedad (lampas 30-40 years old), mas lumalaki ang bilbil dahil bumabagal ang ating metabolism. Sa mga mas bata, kahit kumain sila ng marami ay hindi gaano tumataba dahil aktibo sila at mabilis pa ang kanilang metabolism.
5. Lumaki ang aking bilbil pagkapanganak. Puwede ba ako mag-ehersisyo? Sa mga bagong panganak o bagong Cesarian, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na mag-ehersisyo. Kadalasan ay kailangang maghintay ng 6 linggo bago mag-umpisa ng magaan na ehersisyo (light exercise).
6. Puwede ba ang slimming tea o pills? Hindi po maganda ang pag-inom ng slimming tea o diet pills. Karamihan nito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium. Puwede din atakihin ng high blood at nerbiyos ang mga umiinom nito.
7. Puwede ba ako kumain ng prutas kahit gaano kadami? Hindi po. Limitahan din ang pagkain ng prutas. Hindi ninyo alam pero nakatataba ang mangga, ubas at pineapple kapag nasobrahan ang iyong nakain. May fructose ang prutas na nakatataas din ng blood sugar.
Sa bawat pagkain, isang pisngi lang ng mangga, o 10 na piraso ng ubas lang ang dapat kainin. Ang mansanas at peras lang ang magandang pampapayat.
Tandaan, tubig lang ang dapat inumin ng mga gustong pumayat.
source
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Alamin ang mga dahilan kung bakit ka tumataba. At mga solusyon para maiwasan ito.
Reviewed by Tunying
on
August 09, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment