"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
Sa buhay ng isang babae, masasabi niyang kumpleto na ang kanyang pagkatao kapag nagkaroon na siya ng isang anak. Hindi madali ang maging isang ina, lalo na kapag sa murang edad. Hindi lang kinabukasan mo ang iisipin mo kundi ang bagong buhay na iyong dinadala. Maraming teen mom ngayon ang hirap sa pagpapalaki sa kanilang anak dahil dala na rin ng murang edad at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya hirap para buhayin ang kaniyang anak. Hindi lang yun ang madalas problema ng isang teen mom pati na rin ang mga hindi magandang sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kanila. "Ang agang lumando" " Ano ipapakain niyan?" etc. Pero hindi ang teen mom na ito, na nagsisikap para sa kaniyang pamilya. Isa siyang estudyante sa umaga, working mom sa gabi at responsableng nanay sa kanyang anak. Basahin niyo ang kanyang kwento at ano ang kanyang mensahe sa mga taong may hindi magandang sinasabi sa sitwasyon niya.
Working student / teen mom 😍
Sa umaga studyante sa gabi crew at syempre mommy's duty din. Oo tama bata pa ako 17years old at teen mom, maliit na bata muka daw akong elementary 😂at Kahit na ang hirap hatiin yung oras ko lalo na sa baby ko kinakaya ko hindi lang para sa future ko hindi lang para sa sarili ko kundi para sa future namin at syempre para sa pangarap ko, sa pangarap kong nahinto ng sandali.
Papasok ako sa school ng 6:30 am hanggang 1:30 pag ka tapos diretso na sa work 2pm hanggang 9:30 syempre makakauwe nako mga 10:30pm minsan panga 11pm na. Ang hirap kase medyo nawawalan ako ng oras sa mga taong mahal ko sa buhay. Lalo na sa baby ko na medyo masakit lang kase di nya mabigkas yung salitang mommy pero yung mga salita na daddy at iba pa nasasabe nya pero yung mommy hindi 😣 siguro nga dahil minsan na lang kame mag kasama pag uwe ko tulog na, pag gising ko konting laro lang minsan hindi panga nagkakaroon ng bonding dahil maaga yung alis ko 😣 pero pag nakikita nya ako ang saya saya nya 😍
at alam ko balang araw maiintindihan nya din yung mga ginagawa ko . Sana lahat ng ginagawa ko sa huli maging worth it at sana may mapuntahan 😇Minsan nga napapa isip ako may oras paba ako sa sarili ko? Kase sa mga taong mahal ko nga wala na ako gaanong oras sa sarili kopa kaya? Pero dahil ginawa koto ginusto koto mag pupursigi ako lalo, dahil sa lahat ng hirap na pinag daanan ko alam ko malapit nako sa pangarap ko at hinding hindi nako aatras pa. Kahit na minsan pag uwe ko diretso higa sabay nakatulog nalang ako ng diko alam at minsan di nakakapag bihis sa sobrang pagod kinakaya ko padin.
Puyat, sulat, trabaho di ko alam na magagawa ko to haha 😂 sa mga taong may hindi magandang sinasabe saken kapag naka talikod at sa mga taong mahilig manghusga sa mga teen mom, sa mga taong mababa ang tingin sa mga batang ina wala akong pake sainyo 😃 basta ang alam ko lahat ginagawa ko para maging tama lahat ng mali ko at sa mga naniniwala saken na kakayanin ko to at sa mga nag ppush saken na wag sumuko salamat po 😇
katulad ng sinabe ng isa kong teacher na nagulat sya dahil pag labas ko ng school diretso na trabaho sabe nya kahit anong mangyare pagpatuloy ko daw pag aaral ko kahit anong problema na dumaan wag daw ako sumuko 😇shinare kolang kase mas lalong nakaka gaan ng loob parang ang sarap sa pakiramdam kaya mas lalo akong mag pupursigi para matapos ko tong pag aaral ko 😇 thankyou sa pamilya ko lalong lalo na sa mama at papa ko. Kay zhy at sa daddy ng baby ko na laging nandyan sa tabi ko thankyou sobra 😍😍
Kaya sa mga nawawalan ng pag asa dyan na di porket maaga nag ka anak wala ng kinabukasan maraming paraan marami kang pwedeng gawin para ipagpatuloy yung nahintong pangarap
🖒 kung hindi ka madadapa hindi ka matuto.
Mag sikap para maabot lahat ng pangarap sa buhay at pangarap para sa mga taong mahal mo sa buhay 😇 sana sa susunod na post ko Naka suot na ako ng Best OOTD ko
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
"Oo Tama Bata Pa Ako 17 Years Old At Teen Mom" Read This Inspirational Story Of A Teen Mom. What She Did Will Leave You Speechless.
Reviewed by Tunying
on
July 25, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment