Nagtitinda Lamang Ng Ice Cream Sa 168 Ang Matandang Ito Nang Hindi Niya Inaasahan Na Ganito Ang Gagawin Sa Kanya Ng Babae Na Ito.

Nakakalungkot makakita ng isang matanda na sa edad nila ay nagsisikap pa rin kumayod para sa kanilang pamilya. Nakakalungkot na nakakabilib pero wala naman silang magagawa dahil dala na rin ng kahirapan sa buhay. Tulad ni Mang Mario na sa edad 77 ay nagtitinda pa rin ng ice cream sa 168 makikitaan ang kanyang paghihirap dala na rin ng iniindang karamdaman. Pero hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng isang anghel sa pagkatao ni Joanna Marie na dala ng pagkaawa at bilib kay tatang ay nagawa niyang tulungan ito na hindi naghahangad ng kahit anong kapalit. Basahin niyo po ang kanyang kwento at sana po ay mas dumami ang katulad ni Joanna.
"ULAN"
Malakas ang ulan nung nakita ko si Tatay sa tapat ng 168. ππ Kinakalembang yung bell nya nababakasakaling may bumili sa kanya. π Sya po si Marciano "Mario" Ricardo Jr. 77 years old. Ice cream vendor. Di ko maiwasang tignan sya non, kasi may mali akong nakikita sa kanya. Yung tipong may ininda syang sakit. May isang ale na nakipagkwentuhan sa kanya, by the way 44yrs na syang nagtitinda ng ice cream at kilala na sya halos ng vendor sa divi. Narinig ko na sinabi ni tatay "di pa nga ako kumakaen kailangan ko uminom ng gamot ko kaya lang wala pa akong benta." π Grabe! Sobrang kinurot yung puso ko nung narinig ko yon. Di na ko nakatiis nakiepal na ko. Nagtanong ako "Tay. Ok lang ba kahit tinapay at kape lang?" Sabi nya ok na daw yon. Sabi ko kahit sana konti basta may laman ung tyan nya kasi ang dinadaing pala nya sumasakit na rayuma nya kasi malamig. π Kaya gusto na nya nakainom ng gamot. Nagpabili ako ng tinapay at kape yon kasi ang nasa tapat namin na pwedeng ilaman sa tyan nya.
Habang kumakaen sya nagkwentuhan kami malakas ang ulan di pa rin ako makaalis. Nakwento nya na may isa syang anak nag-wawalis sa Malabon. By the way sa Malabon sya umuuwi. Sa divi sya nag-lalako ng ice cream gamit kariton nya, tapos sa may Brgy. 160 nya pinapark tapos from there uuwi sya ng Malabon. Back to the story 3 daw lahat ng anak nya namatay yung 2. 2 na lang sila ng anak na magkasama. Kailangan din daw nya magtrabaho kasi nangungupahan pa sila ng bahay. Dumadami na ang tao sa paligid namin nakikinig sa paguusap namin sabi din nila masipag si tatay lagi andon nagtitinda umulan umaraw tulak tulak nya ung kariton nya nagbabakasakali na makabenta sya para may maiuwi sa bahay nila. 150-200 daw kinikita nya sa ice cream. π
Mula umaga hanggang 4pm ng hapon. Sabi din nya may nag-alok daw sa kanya na dalhin sa bahay ng mga madre kaso sya na tumanggi baka daw lalo syang magkasakit at manghina kapag andon sya. Mas gusto nya magtrabaho talaga. May isang babae don ba palagi syang binibigyan ng pera kasi awang awa na sya. Hirap na rin kasi maglakad si Tatay. Sabi pa nga nya na Jessica Soho na daw sya. May tumutulong din daw sa kanya sa pang bili ng gamot nya. Hanggang sa mabanggit ni Tatay na gusto ko na sana magpahinga sa pagtitinda pero di pwede. Another heart break! π Sabi ko sa kanya kung ano bang gusto nyang gawin para di na sya magtinda ng ice crean sabi nya "gusto ko sana magtinda na lang ako ng fishball sa tapat ng bahay namin." Naisip ko lang naitanong kasi awang awa na ko sa kanya. Nung sinabi nya yon sabi ko sa kanya babalikan ko sya. Bibilhan namin sya ng pang fishballan nya. Para kako hindi na sya lalayo sa kanila at mahirapan sa kakalakad. Nakwento din nya na naliligaw sya minsan pauwi kasi di na nya nababasa ung mga sign board ng jeep. π
Medyo umaambon pa pero kailangan na nya umuwi binigyan sya ng kapote ni Tita Odet (isa sa nagtitinda sa divi). Kinuka ko na rin number nya para sya kontakin ko kapag babalikan ko na si tatay. Sinabayan ko na si tatay maglakad. Kailangan ko na rin kasi balikan bf ko na matagal ng naghihintay sakin sa Tutuban Center. Bago kami maghiwalay ni Tatay inaabutan nya ako ng tinda nya, inaabutan nya ako ng ice cream. Di ko na tinanggap sabi ko na ang sa kanya na babalikan ko sya at hintayin nya ko.

Kahapon July 18, binalikan namin si Tatay. Bitbit ang mga pang fishball nya. Binilhan namin sya ng mga gamit na kailangan nya. From kalan, to the plastic cups. Pinuntahan ko yung pwesto ni Tita Odet kung san dapat kami magkikita ni Tatay, hahabilin ko sana na kapag dumating si Tatay pakihintay kami kakaen muna sana kami kasi 2pm na di pa kami naglalunch tska 3pm naman daw pupunta si tatay. Kaso pag dating namin don andon na si Tatay nakaupo sa gilid hinihintay na kami. Nung nakita ko sya napasigaw ako "Tay!". Di ko pa nga sya nakilala kasi nagpakalbo sya. Sobrang saya ko kasi finally mapapahinga na sya sa bahay nila. Niyaya ko sya kumaen ayaw nya kumaen na daw sya. Sinabi ko na sa kanya na bitbit na namin ung mga gamit nya. Sobrang thank you sya ng thank you. Naiiyak na ko. Sabi ko sa kanya ipangako nya sakin na di na sya maglalako opo sya ng opo. "Marami pong salamat. Opo. Opo" yan madalas nyang sinasabi.
Iniisip namin pano sya makakabyahe di nya kayang bitbitin ung mga dala namin. Sabi nya susunduin sya ng anak nya kila Chairman Jordan. Sa may bgry hall daw. Mga alas singko daw sya puntahan ng anak nya kasi galing ng trabaho pa. Sabi namin ihahatid na lang namin sya sa sinasabi nya pumayag naman sya. Habang nakasakay kami sa pedicab nag-papasalamat pa rin sya. Sabi ko sa kanya "tay di sakin galing tong perang pinangbili ng mga to. may taong magpadala nito para sayo." Nagpasalamat sya uli. Sabi din daw ng anak nya maraming salamat. Umiiyak na si tatay sabi nya "pagod na ho talaga ako magtinda ng ice cream. kaya maraming salamat sa inyo." Grabe iyak na iyak na koo! π Damang dama ko yung pagod nya. π Medyo malayo yung pinaghatiran namin sa kanya nakasakay pa kami non pano pa sya na hirap na maglakad. π Kaya sobrang worth it syang tulungan. Pag baba namin "Mang Mario" yan agad bungad samin nung mga tambay don. Sabi nga nila na masipag yang si Mang Mario magtinda. Pati ung driver ng pedicab kilala sya bata palang daw sya nakikita na nya si Mang Mario ngayon may anak na sya magtitinda pa rin si Mang Mario. Pati binilhan namin ng mga kaldero kilala din sya. Halos lahat ata ng mga nagtitinda din kilala sya kasi sobrang tagal na nya talaga na paikot ikot sa divi.

Oras na para magpaalam kay Mang Mario. πKailangan na namin umalis gagabihin na kami masyado. Kinausap ko sya sabi ko wag na aalis ng bahay nila para magtinda ng ice cream. Wag na syang maglako. Wag na syang lalayo sa kanila. At sana mapalago nya ung mumunting binigay namin. Inabutan ko rin sya ng cash pang bili ng paninda nya di namin sya mabilhan ng mga kikiam kasi baka masira lang wala daw silang ref. Kaya sabi namin sya na lang bumili. Nag-bless na ako kay Tatay. Nag-paalam na kami. Sabi ko sana magkita kami ulit. Ang saya ko tignan syang kumakaway samin at nakangiti. Ang saya sa pakiramdam na kahit papano nakatulong kami. Na di na sya mag-lalakad ng sobrang layo para lang kumita na sa edad nya dapat nasa bahay na lang sya.
Maraming salamat din sa mga taong tumulong sakin Janine for the financial sa kanya nanggaling yung pinangbili namin ng kailangan ni tatay, kay boyfriend Jeffrey for the support at sa pagtulong sakin and of course kay Tita Odet na contact person namin na naging tulay din para makita ko uli si Tatay. At sa lahat ng tumulong, tumutulong at tutulong palang kay tatay. Maraming salamat sa inyo. God bless you π
I wish you well tay! Sana magkita pa tayo uli. Di ko nakuha address mo sa Malabon. π£ Pero gagawa pa rin kami ng paraan para madalaw ka don. Ingat ka palagi tay! π God bless you. π
Ps: Sa mga taga Malabon po, baka may nakakaalam sa inyo san sa Malabon si Tatay nakatira. Paki pm na lang po ako. Gusto pa rin po namin syang dalawin. Salamat po.
Ito ung araw na una ko syang nakita. Sakit sa puso dba? ππππ
Itong yung kariton nya ng ice cream.
Nahatid na namin sya kung san nya hihintayin yung anak nya. π Naka-smile na sya. ☺ Ang saya nya! π
Ilan sa mga nabili namin para sa bago nyang business na "Super Mario's Pisbolan" ππ
Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending
Nagtitinda Lamang Ng Ice Cream Sa 168 Ang Matandang Ito Nang Hindi Niya Inaasahan Na Ganito Ang Gagawin Sa Kanya Ng Babae Na Ito.
Reviewed by Tunying
on
July 29, 2017
Rating:
No comments
Post a Comment