-->

17 y/o Na Babae Ang Nakatanggap Nang Panlalait Mula Sa Tatay Ng Kanyang Anak Matapos Ipagpalit Sa Babaeng May Pamilya Rin.




17 y/o Na Babae Ang Nakatanggap Nang Panlalait Mula Sa Tatay Ng Kanyang Anak Matapos Ipagpalit Sa Babaeng May Pamilya Rin. 

Marami sa kabataan ngayon ang mapusok pagdating sa pag-ibig. Marami ang sumusubok sa bagay na hindi nila iniisip ang mga kahihinatnan ng kanilang aksyon. "Wala eh, mahal ko" yan ang kalimitang idahilan ng mga kabataan na nagsimula ng pamilya sa murang edad. Hindi dahil sa plinano nila na magsama agad at may pambuhay na sila sa isa't-isa kundi dahil sa nabuntis ang babae. Oo marami rin naman ang nagtatagumpay sa ganitong sitwasyon pero mas marami ang palaging ending ay "Sa una lang masaya" "I'M DONE" tulad ng kwento ni Danielle na nauna na naming isulat ang kanyang kwento. Sa murang edad 17y/o bumuo sila ng pamilya at may plano silang mag-asawa. Pero matapos lang ang isang buwan ng masayang paglalahad ng kwento heto sila ngayon wala ka nang makikitang bakas ng kanilang pagmamahalan. Basahin niyo po ang kwento 

THE UGLY TRUTH OF TEENAGE PARENTHOOD:

I stayed with him for more than 3years kasi ang nasa isip ko if I can't handle him at his worst then I don't deserve him at his best. Pero this time, kailangan ko namang isipin na HE CAN'T HANDLE ME AT MY WORST (because of my physicality, surang sura pala sya sakin, lately ko lang nalaman) THEN HE DON'T DESERVE ME AT MY BEST.





Hi guise! DANIELLE  po to.
Pinalampas ko (nung una) yung mga kalandian nila e. Kinompronta ko nalang yung babae.
GUSTO KO PA SANA MAGHOLD-ON HANGGANG SEPTEMBER KASI GUSTO KO SANA SYA ISURPRISE SA BURTHDAY NYA. MAHAL KO E (badtrip. y4w kHu3 nHu4) Kaso napuno nako e.
Twist? Kinunsinti sila ng dalawang tropa/kaklase nila. Lalo na yung isang tropang lalaki na kilala naman ako.
Another twist? Pamilyado narin yung babae. May asawa na nagpapakahirap magtrabaho para mapabuti ang pamilya nila at pinagaaral sya pero landi inuna nya. Sorry for the word pero totoo naman.
Third twist? Parehong babae mga anak namin.

So yeah. Mga walang konsensya. To think na girls ang anak diba?
May mga screenshots ako ng landian nila. BASTOS NA NGA ACTUALLY. May biruan pang "send nudes". Sana nagsend talaga sila para masaya. Ha-ha. Okay nvm. Ayoko na isaisahin, barubal masyado. Baka manggigil kayo.

Ayun na nga. Pinalampas na ni ate nyo dangge e. Kaso nagchat pa ng "baka mabasa na naman to ng gf mo. awayin na naman ako". May isang tropa pa na nagsabing "gago to si (boyfriend ko, oh. EX NA NGA PALA) di kasi nagbubura ng message". So siguro gawain nya yun para di mabasa ng asawa nya (pamilyado narin si tropang girl e).

And yeah. Nanggigil nako. Likas na maawain ang ate nyo dangge kaya ayoko sanang ipaalam sa asawa nya mga pinaggagawa nya e. kaya lang kapal e.

And here goes my over confident, poging pogi at walang ibang inisip kundi sarili nya at kalandian kong "ex boyfriend". He opened my fb account. Deleted most of my photos and posts.

Alam nyo yung nakakagigil? Yung pati mga pictures ng anak nya na wala namang connect sa kanya, dinamay nya! Pati mga selfies ko, kung saan dun ako maganda, binura nya! Ang natira nalang sa account ko ay yung mga bati nyong "Happy birthday".

AHA! YOU HEARD IT RIGHT. JUNE 21 DOWNWARDS NALANG ANG NATIRA 😂 Photographs means a lot to me. LALO NA PHOTOS NG BABY NAMIN (baby KO nalang pala).

Pinalitan nya pa pati location ko. Pasig? Pati name ko. PARENG PEPE (Pussycat)? BASTOS DIBA?
Walang modo. Nagpopost na mama ko sa sariling kong timeline pero sige parin sya. Kung hindi ko pa naretrieve yung account ko, malamang ubos posts ko hanggang 2012.

DAHIL PINUSH NILA AKO SA LIMIT. Sinend ko lahat ng screenshot sa asawa/bf nung girl. Lahat ng landian nila to be exact.

Kala ko tapos na. NAGSUMBONG PA PALA SI GIRL SA EX KO. And yeah. Ako pa nasabihan ng ex ko na matakot, humanda sa karma at demonyo. Hindi naman ako salamin pero bakit parang sarili mo sinasabihan mo? and yeah. biglang bait kasi yari na. But DON'T ME. ONCE IS ENOUGH. TWICE IS TOO MUCH. THRICE AND SO ON? WALA NG PAG-ASA MABAGO YAN.

LESSON LEARNED:
*Kung nangangati kayo, kamutin nyo sarili nyo.
*Wag kayong patol ng patol basta basta. WAG KANG PUMATOL KUNG ALAM MO NAMAN PALANG MAY PAMILYA NA LALO NA KUNG MAY SARILI KA RING PAMILYA.
*Wag kayong kunsintidor para di kayo nadadamay
*Makontento kayo sa mga partner nyo
*MAHIYA KAYO SA MGA ANAK NYO
*MAHIYA KAYO NA NAKIKITA KAYO NG IBANG TAO AT KILALANG KILALA PA TALAGA KAYO
*Anak nyo muna pagkagastusan nyo bago kalandian nyo
*Wag kayong nagmamatapang kapag mali na kayo
*MORE SORRY, MORE FUN! PERO DAPAT SINCERE MGA QAQO
*Wag nyo palalalain bago nyo ayusin
*ONCE A QAQO, ALWAYS A QAQO. KASI KAMPANTE NA YAN AT POGING POGI NA YAN SA SARILI NYA.
*Magising na kayo habang maaga pa, wag tutulad sakin na in denial pang di na magbabago ang jowa
*DON'T MESS WITH ME. KUNG QAQO KAYO, MAS QAQO AKO

Dagdag ko lang. Hindi dahilan yung "nag-aaral pa kasi kaya di pa makatulong sa binuong pamilya". SOBRANG DAMING PARAAN, TAMAD KA LANG. May nabuo, BUHAYIN NYO. ANG LAKI NG KATAWAN NYO. WAG NYO IPANGDISPLAY LANG.
I'M DONE.









DANIELLE GABRIELLE RIVERA MANEZ  bago ang panloloko di umano ng kanyang asawa.







17 palang ako nung nalaman kong buntis ako. Nahiya ako. Napressure. Pano ba naman, e ang tataas ng expectations sakin ng tao. Mula preparatory schooling hanggang grade 6, 1st honor. Pagdating ng highschool, honor student (till 3rd yr lang. 4th yr super tinamad na). Laman ng quiz bees and pageants. Maraming acad achievements. Kilala kami ng boyfriend ko sa school. Idol idol pa kami ng iba. Naalala ko pa yung sinabi sakin ng teacher namin sa HS "naalala talaga kita kay (di ko matandaan kung Ariela, Shamcey o Venus Raj), wag ka muna magbubuntis ah! sasali ka pa sa Bb. Pilipinas", ganyan yung mga expectations nila. Kaya nung naramdaman kong parang preggy nako, naiyak ako. Nasa isip ko lahat ng disappointments nila, mula sa mga magulang ko, sa teachers, mga kaibigan, at sa lahat ng nakakakilala sakin. Pero one day, naisip ko "bakit ako magmumukmok? oo, nakakahiya kasi nabuntis ako ng maaga na hindi ko pa nasusuklian mga sacrifices sakin ng magulang ko, pero blessing to. bakit ko ikakahiya? bakit ko itatanggi?". Sabi ko, palag palag na, kahit magpositive ako, push lang. Happy parin!

Sept. 2, birthday ng boyfriend ko, nagPT ako. Boom! Positive nga. Naiyak sya. Sorry ng sorry sakin. Kiniss nya yung tyan ko. Sabi nya sakin nadagdagan yung birthday gift ko sa kanya.
Maraming situations na muntik mo ng ikapahamak nak. Bago ko pa malaman na nandyan ka na, ang likot ko sa PE, nadulas ako sa school, todo sayaw ako ng wellness 2 (as in sobra talaga. graded kasi bes), naglakad ako mula UCC hanggang New Haven (nagbleeding ako nun. kala ko period ko lang), di ako nakakakain minsan (ubusan pera bes, daming reports and projects), may di magandang nangyari (basta yun na yun), nastress ako ng sobra, depressed ako (1month araw-gabi iyak. walang palya). Naalala ko rin, sumakit tyan ko nun (di ko pa alam na preggy ako), saktong walang gamot sa tindahan. Siguro will talaga ng Lord na di ako makainom ng gamot para di maapektuhan si baby.
Ayaw kami tanggapin ng isang hospital dahil minor pa nga ako and at risk kami ni baby. Yung isa namang hospital ayaw ako tanggapin kasi may arrythmia ako, baka daw ikamatay ko/namin pa dahil kulang sila sa gamit pang cardio. The day na manganganak nako, parang wala lang. Tawa pa ko ng tawa kada contractions. Pagkasugod sakin sa hospital, 7cm nako at di na kakayanin kapag tinransfer pa ko kaya no choice sila, paaanakin nako. Desisyon namin na wag sabihin na may arrythmia ako kasi pipilitin nilang iCS ako (ayoko gumastos ng sobrang laki bes. nahihiya ako). Nung sobrang sakit na, kulang nalang mabali na braso ni mama dahil hinihila ko bawat contraction, sinabi na ni mama, biglang dumating yung isang doctor, pinagalitan tuloy kami, syempre delikado nga kasi yun. Papikit nako. Hinang hina nako. Pero nung sinabi na "wag kang matutulog, ayan na lalabas na talaga baby mo."
Sabi nila sakin noon, "nako, baka di mo kayanin", "baka di malusog baby mo, payat mo e". Ito na sya ngayon. 1month old na at kamukhang kamukha ng dada nya "pinagpalanuhan nya atang inisin ako para talagang maging kamukhang kamukha nya e". Hahaha. Healthy at sobrang ganda. Nakaya ko. Malakas kaya ako! Di ako pinabayaan ng pamilya ko at ng boyfriend ko. At di kami pinabayaan ni Lord. Thank you Lord!
Hindi ko sinasabing gayahin nyo ko na magbuntis sa murang edad kasi mahirap. Sobrang hirap. Pero kung alam nyo na may nabubuo ng blessing sa tummy nyo, never ever ever try to get rid of it! Kung natatakot kayo sa parents nyo, believe me! Walang magulang ang makakatiis sa anak nila. Tatanggapin nila kayo kasama ang anak nyo. Sa una magagalit sila, given na yan, pero promise, magiging excited yan sila. Kung di naman kayo pinanagutan ng ama ng anak ninyo, push lang! Blessed ka parin kasi you have your child. Hindi naman kayo ang nawalan, sila. They'll regret that later. At tamang tama ang "Hi! Kami nga pala ying sinayang nyo". Hahaha. Hindi natutulog ang Diyos, He has a plan. Sa mga pinanagutan naman ng kanikanilang boyfriend/asawa (gaya ko), cheers for parenting life! Goodluck satin mga bes. More misunderstandings will come pero be strong and stay still. Love your child/children as much as you love each other!
Sa mga kagaya kong teen moms, hindi pa huli ang lahat. Ito palang ang simula. Gawin nating inspiration ang baby natin para maging mas mabuti tayo at para maabot natin ang mga pangarap natin sa buhay.
My life. My love. My everything. Our princess. Our pikachu 😁 I love you sooo much! Binigay ka talaga sakin ni Lord. No doubt. Iingatan at mamahalin kita higit pa sa sarili ko. Gagawin ko lahat para sayo. I love you my Thiara Reign Mañez Cunanan 😘 Everything's worth it because I have you! We have you. Magtatapos kami ng pag-aaral ng dada mo para sayo. Magiging mas mabuti akong tao para paglaki mo ipagmalaki mo na ako ang mami mo. Hindi kita ididisaapoint anak. Sana paglaki mo masabi mo rin na "Mami, I want to be just like you".

SOBRANG HABA PALA. NAKAKATAMAD BASAHIN. NAKAKALOKA 😂
















Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
17 y/o Na Babae Ang Nakatanggap Nang Panlalait Mula Sa Tatay Ng Kanyang Anak Matapos Ipagpalit Sa Babaeng May Pamilya Rin. 17 y/o Na Babae Ang Nakatanggap Nang Panlalait Mula Sa Tatay Ng Kanyang Anak Matapos Ipagpalit Sa Babaeng May Pamilya Rin. Reviewed by Tunying on July 24, 2017 Rating: 5

No comments

Post a Comment