-->

"Sana Pumayat Na Ko.. Pero Kain Pa Din Ng Kain." Dati Siyang Chubby Ngayon Certified Hottie Na. Alamin Kung Paano Siya Pumayat.




 "Sana Pumayat Na Ko.. Pero Kain Pa Din Ng Kain." Dati Siyang Chubby Ngayon Certified Hottie Na. Alamin Kung Paano Siya Pumayat.  

Karamihan sa ating kabataan ay may malusog na pangangatawan dala na rin ng kanilang lifestyle. Hindi na nila inuuna ang exercise dala na rin ng busy sa pang araw araw na gawain, eskwela man o trabaho. Pero kapag ang isang tao may diterminasyon walang imposible tulad ng netizen na ito na ginustong pumayat at talagang nagtyaga. Basahin kung ano ang ginawa niyang diet. 



Hi guys, just wanted to share my journey on my 1 yr pagpapapayat keme, but don't expect na kasali ako sa mga nabully noon dahil mataba eme sila so ayon balik tayo sa katotohanang di nya ko mahal, 

Di ko din inakalang kaya ko pala, kaya kong maging tanga chareng na kaya ko palang idisiplina ang aking sarili sa loob ng isang taon pero shempre sa 1 yr na un madami akong cheat days noh hahaha. Pero shempre kasama ako dun sa mga nagsabing "magdadiet na talaga ko bukas" na hindi matuloy tuloy, ako rin ung taong kulang pa ung isang kalderong kanin. Kahit siguro 2 hotdog lang ulam mauubos ko ung isang kalderong kanin noon. 


Tapos minsan pa nga sinasabihan ko lagi si mama na "anubayan ma, wag mo naman sarapan luto mo lalo akong nataba eh 😂" Kaya ayon ang timbang nasa 64 kgs. ang mga damit laging large, hindi makapagsuot ng small sizes kasi hindi kasya tapos ung uniform ko putok na putok saken. Dun ako nagkaroon ng mga insecurities sa katawan yung napapasabi ako lagi na "sana pumayat na ko" pero kain pa din ng kain. 

Until one day saktong August 1 last year I decided na magrereduce na ko ng kain then I told myself na ngayong araw na kaya ko to, then pag uwi ko galing school bumili agad ako Fit n right tska ung Sky Flakes na Fit ba yon tas tuwing uuwi ako nainom ako Fit n right habang naglalakad tas minsan pa nga lalakarin ko Perpetual hanggang bahay hahahaha wala e pursigido na eh tapos sa straight na 1 month na un tinanggal ko ung rice ko sa gabi puro tas ulam lang kinakain ko tas minsan sky flakes tas saging every meal then more more water and lakad. 


Tapos sa umaga binawasan ko rin ng konti rice ko nag 1 cup nalang ako ng rice tas more more veggies and water tska fit n right ako ng bongga non then after 1 month nakita kong lumiliit na ung tummy ko ng konti then mas lalo akong namotivate na tanggalin ung bilbil sa tiyan ko hahaha then napapansin na nga din ng friends ko na napayat na daw ako. Yung 64 kgs. naging 60 kgs. nalang. Inistop ko ung Fit n right routine kong un nung November last year pero no rice pa din ako. Hanggang eto na koo ang 60 kgs naging 58 kgs to 54 to 49kgs. from 38" to 24" waistline pakk!! 

Ansarap sa feeling na ung mga large mong binibili noon extra small nalang ngayon 💕Hahaah anw, I'm pretty sure some of u guys will say "mas bagay sayo mataba" or "pataba ka ulit" or "nagkasakit ka ba?" or "nasa watchlist ka na" and lastly "natokhang ka ba bes?" Hahahaha lahat ng nakakakitang kapitbahay ko at mga kakilala ganyan sinasabi pero ako? Wapakels hahaha eto lang masasabi ko mga besh. Mas masaya ko dto e mas maganda pakiramdam ko dto sa totoo lang. kaya pls stop na sa pagsasabi ng ganun. Siguro pag kayo ganun katawan noon ewan ko lang kung gusto nyo pang balikan un 😇 yun lang hahaha consistency is the key mga mamshie!!!! Iwas iwas lang talaga tayo sa sweets, junk foods, softdrinks iconvert natin un sa fruits yun lang haha FIGHTING!!! Sana nainspire at namotivate ko kayo ng konti 😇


Ps. gumamit ako ng Apple cider vinegar with honey & lemon nung bakasyon. Believe me effective sya. Nagka jawline ako dahil sakanya 😂💕 until now tinitake ko pa din sya. Itake nyo pala sya after kumain. Wag bago kumain mabubutas bituka nyo nyan besh 😇😆

Pps. Sorry mga besh di ako marunong mag kwento talaga hahahaha 😂

Ppsss. MGA MAMSHIEEE NATANGGAL PALA PIMPLES KO DAHIL SA HONEY GINAWA KO SYANG FACE MASK BABAD MO LANG SYA SA FACE MO NG 20 mins. THEN RINSE MO NA TAS NEXT APPLY MO NA UNG DILLUTED APPLE CIDER VINEGAR AS TONER SA FACE MO AFTER MAGHILAMOS SA GABI THEN UN NAAAAA HAHAHA MADAMING BENEFITS ANG HONEY AT ACV MGA BESH TRY NYO NA MAS OK SYA SINCE HOME REMEDIES HAHA ETO PAAA UNG PERLA ORANGE UNG SABON KO HAHAHA 🤣























Share this Article!
Visit and follow our page: Online Trending
© Online Trending


DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
"Sana Pumayat Na Ko.. Pero Kain Pa Din Ng Kain." Dati Siyang Chubby Ngayon Certified Hottie Na. Alamin Kung Paano Siya Pumayat.   "Sana Pumayat Na Ko.. Pero Kain Pa Din Ng Kain." Dati Siyang Chubby Ngayon Certified Hottie Na. Alamin Kung Paano Siya Pumayat.  Reviewed by Tunying on August 25, 2017 Rating: 5

No comments